Sa isang liblib na bahagi ng Mindoro Oriental, may mga pasyenteng kailangang maglakad nang ilang oras, tumawid sa rumaragasang ilog, at isakay sa balsa para lamang makapunta sa ospital.
Pero sa gitna ng hirap, panganib at kakapusan, ang kapitan ng mga Mangyan ang nagsisilbing tulay para sa kanyang mga kababayan na nangangailangan.