Aired (September 12, 2026): Ang mga driver at pahinante ng truck na sina EJ at Ambet, laging inaabangan sa isang paaralan sa Quezon Province. May kabutihan kasi silang ginagawa sa tuwing nagagawi rito. Namimigay sila ng mga candy at ang mga estudyante, kanilang napapangiti!
Sa labas naman ng isang bahay sa Tarlac, madalas na may mga batang nagkukumpulan at naghihintay sa gate. Hindi sila mangangaroling, dahil ang sadya raw nila sa bahay na ito… ang isang malaking swimming pool! Ang may-ari kasi ng bahay na si Ehra Cabilangan, binubuksan ang kanyang gate para libreng makalangoy ang mga bata rito.
'Yan at ang iba pang #GoodNews, panoorin sa video.
Hosted by Vicky Morales, ‘Good News’ is a weekly newscast that rounds up the trending feel-good stories in the Philippines and offers D-I-Y fashion tips and affordable healthy recipes for Kapuso viewers on a budget. #GoodNews