Skip to playerSkip to main content
Working visit ni PBBM, sakto sa F1 race; Palasyo: ‘Wag sa kung a-attend siya sa F1 tumutok, kundi sa gagawin para sa bayan 


Dumepensa ang Palasyo sa gitna ng mga ulat na manonood muli ng Formula 1 race si Pangulong Bongbong Marcos sa Singapore tulad ng ginawa niya noong mga nakalipas na taon.


Sabay na naman kasi ang schedule niyan sa kaniyang working visit.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Dumepensa ang palasyo sa gitna ng mga ulat na manunood muli ng Formula One race si Pangulong Bongbong Marcos sa
00:08Singapore tulad ng ginawa niya noong mga nakalipas na taon.
00:12Sabay na naman kasi ang schedule niyan sa kanyang working visit at nakatutok doon live si Jonathan Manta.
00:19Jonathan!
00:22Yes Vicky, sabi ng palasyo eh hindi pa naman daw sigurado kung manunood talaga ng F1 race si Pangulong Bongbong
00:28Marcos dito sa Singapore.
00:29At kung manunood man daw ang Pangulo ng F1 race eh hindi naman daw gagamitin ang buwis ng bayan pambili
00:35ng tiket. Narito ang report.
00:40Sa ikalimang pagkakataon bilang Pangulo, biyahing Singapore si Pangulong Bongbong Marcos.
00:46Kagagaling lang niya rito noong July pero balik-buli para sa limang araw na working visit dahil sa imbitasyon ni
00:52Singapore Prime Minister Lawrence Wong.
00:54October 7 hanggang 11 ang working visit dito sa Singapore ni Pangulong Bongbong Marcos sakto sa schedule ng Formula One
01:01Singapore Grand Prix.
01:02Nagaganapin dito ngayong weekend, noong 2022 at 2023.
01:06Nanood din ang F1 race dito sa Singapore si Pangulong Bongbong Marcos na binatikos ng kanyang mga kritiko.
01:11Kaya ang tanong, manunood na naman ba siya ulit ng F1 race dito?
01:15Itutuloy niya yan, manhid at tila bingi sa mga panawagan ng mamamayan sa kalagayang naghihirap nga 7.2% inflation.
01:27Wala namang kinalaman dun sa mga pangunay na pangangailangan ng ating kababayan sa panahon ngayon ng crisis.
01:33Masiguro masama kung linggo naman. So tingnan lang po natin kung aate ng Pangulo.
01:38Pero kasi ang punta po talaga ng Pangulo dito e para sa mga investments.
01:45Noong 2022, ikinatwira ng Pangulo na ang panonood ng F1 race ay paraan niya para makausap ang mga negosyanteng posibleng
01:52mamuhunan sa Pilipinas.
01:53Ngayong taon naman, wala raw gagastosin ang Pangulo kung manonood ng F1 race dahil imbitasyon ito ng Prime Minister ng
01:59Singapore.
02:00Wala siyang mabayaran ticket. Simply being there, already always presents opportunities and mahirap pong mawala sa tayo doon kasi matatalo
02:09tayo sa ibang mga nandor.
02:10So huwag silang tumutok kung aatin man ang Pangulo sa F1 Grand Prix.
02:16Ang tutupan nila kung ano ang gagawin ng Pangulo dito para sa ating bayan at para sa ating mga kababayan.
02:23Kabilang sa talagang pakay ng Pangulo rito ang pagiging speaker sa Forbes CEO Global Conference kung saan inasaang iaalok niya
02:32sa 470 business leaders ang mga investment opportunities sa Pilipinas.
02:37Bibisitahin niya rin ang Singapore Nuclear Research and Safety Institute para alamin ang karanasan at expertise ng Singapore sa nuclear
02:43energy.
02:44Layon din niyang mapalali mga ugnayan ng Pilipinas at Singapore sa pamumuhunan, artificial intelligence o AI, digital technology, renewable energy,
02:53healthcare at green economy.
02:55Ipapasa rin ng Pilipinas sa Singapore ang chairmanship ng ASEAN o Association of Southeast Asian Nations sa susunod na taon.
03:02Samantala, sa gitna ng press briefing sa Singapore, nagpadala ng mensahe kay Yusek Castro si Department of Information and Communications
03:08Technology Secretary Henry Aguda para pabulaanan ang mga ulat na nag-resign siya.
03:13Nakakakausap pa lang natin kay Secretary Henry Aguda at nabigay siya ng narawan din kay Secretary Dave Gomez na patuloy
03:20ang trabaho niya binang Secretary ng DICT.
03:23Mula Singapore, Jonathan Andal, nakatutok 24 oras.
03:30Yes, Vicky, anumang oras ngayong gabi ay pupunta na, lilipad na, papunta rito sa Singapore si Pangulong Bongbong Marcos. Balik
03:37muna sa iyo, Vicky.
03:38Maraming salamat sa iyo, Jonathan Andal.
03:43Maraming salamat sa iyo, Jonathan Andal.
Comments

Recommended