00:00Mariin kong itinatanggi ang mga pahayag ni Rodolfo Mondigo Gracioso Jr. sa kanyang sinumpaang salaysay at mga panayam sa media
00:11na iniugnay ako sa mga pangyayaring hindi ko ginawa, hindi ko nalalaman o hindi ko personal na naranasan.
00:23Sa pagpapatuloy ng salaysay na ito ay sasagutin ko ang mga nakasiping aligasyon ni Gracioso mula sa kanyang sinumpaang salaysay
00:33at mga panayam sa media.
00:35Ganun pa man, sinasadya kong hindi ilahad ang lahat ng ebidensya at paliwanag dahil inaasahan ko,
00:43batay na rin sa kanyang mga nakaraang interview, ipagpapatuloy ni Gracioso ang pagpapakalat ng mga pahayag na taliwas sa katotohanan.
00:54Hindi ko hahayaang baguhin o iangkop ni Gracioso at ng kanyang mga scriptwriters ang kanyang salaysay
01:04batay sa mga impormasyon o katotohanan na malalaman niya mula sa aking mga record.
01:11Tungkol kay Rowena Velasco at Lord Alan Velasco.
01:18Nakilala ko at nakipagkaibigan sa akin si Rowena Velasco noong panahon na pangulo ang aking ama.