Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magana hapo po!
00:01Na-uwi sa trahedya ang masayasanang pagdiriwang sa isang paaralan sa Kawayan Isabela.
00:07Dalawa ang nasawi at dalawa ang sugatan na makuryente sa fun run.
00:12Nag-iimbisigan na sa nangyari ang Department of Education.
00:16Nakatotok si Bam Alegre.
00:20Ine-enjoy ng mga estudyante ang mga bula pagkatapos ng makulay na fun run kanina sa Kawayan South Central School
00:26sa Kawayan City, Isabela.
00:28Pero ang masayang fun run na uwi sa trahedya matapos makuryente ang ilang bata.
00:33Dalawa ang nasawi, isang grade 2 pupil na 7 years old ang dead on the spot.
00:37Namatay naman sa ospital ang 8 years old na lalaki.
00:40Nagtamu naman ng galos sa katawan ang dalawa pang mag-aaral.
00:43Inoobserbahan sa ospital ang biktim ang 6 years old habang na-discharge na ang biktima rin 9 years old.
00:48Ayon sa lola ng nasawing biktim ang babae, nais nilang panagutin ang mga organizer ng Color Bubble Fun Run.
00:53Batay sa paunang investigasyon ng Kawayan City Police, pasado ala 6 ng umaga na mangyari ang insidente.
00:59Nasa lugar na puno ng bula ang mga biktima na magkaroon ng electrical short circuit o grounding.
01:04Sa patuloy na investigasyon ng pulisya, tinitignan ang kalidad ng extension wires na ginamit sa mga makina at kung ano
01:10ang naging epekto nito sa sakuna.
01:11Sa pahayag ng Kawayan South Central School, ikinalulungkot nila ang nangyari at hindi raw nila ito inasahan.
01:17Nakikiramay sila sa mga kaanak ng nasawing mag-aaral.
01:20Nakikipagtulungan na ang paralan sa investigasyon ng mga otoridad para matukoy kung ano ang nangyari.
01:25Hinihiling din nila na huwag magpakalat ng maling impormasyon at igalang ang privacy ng mga naapektuhang pamilya.
01:30Bumuunan ng fact-finding team ang Department of Education.
01:33Magpapatupad umano sila ng kaukulang aksyon batay sa magiging resulta ng investigasyon.
01:38Bama Legre, Nakatutok 24 Oras.
01:41Simula po ngayong araw ang malakihang taas presyo ng LPG.
01:44Bagong dagok ito sa mga may negosyong laundry shop na umaasa rin sa LPG.
01:50Ang sabi po mismo na LPG Marketers Association parang baliwala rin ang epekto ng suspensyo ng excise tax sa LPG.
01:58Nakatutok si Bea Pinla.
02:03Epektibo ngayong araw ang 10 pesos per kilo na taas presyo sa liquefied petroleum gas o LPG.
02:09Ayon sa LPG Marketers Association, masusundan niya ng 5 at 3 pesos na price hike sa mga susunod na sabado.
02:17Sumatotal, 18 pesos per kilo ang taas presyo ngayong buwan.
02:21Kaya pagkatapos ng tatlong bagsak ng price hike, asahang aabot sa 1,600 pesos ang presyo ng 11 kilogram tank
02:29ngayong Oktubre.
02:30LPG ang gamit ng ilang laundry shop sa Quezon City.
02:34Nakabili na sila ng mga tanke bago pa ang price hike ngayon.
02:37Pero dahil kasha pa ng 20 to 30 days ang kasalukuyan nilang stocks,
02:41mahal na ang mabibili nilang LPG tank bago matapos ang buwan.
02:46Kung tatas ulit yun, wala kami magagawa. Bili pa rin kami kasi negosyo to.
02:50Doble Calvario pa rin sa negosyo nila ang nakaambang bawas supply ng tubig sa Metro Manila sa gitna ng Bantanang
02:57Super El Niño.
02:58Mas mahirap din po kasi pag tubig na po ang nawala.
03:01Mag-iimbak po kami ng tubig para kung sakaling maubusan po kami ng water, kahit pa paano po makapaglaba-laba
03:07po.
03:08Hindi namin alam kung makakabawi o ano.
03:10Kasi mataas yung mga price ng gas, tapos yung tubig mag-adjust pa kami sa tubig.
03:16Ang laundry shop na ito, nagtaas-singil na dahil sa pagmahal ng LPG noong Abril.
03:21Kaya bahagyang nabawasan ang customer nila.
03:24Ngayong may bagong LPG price hike, baka mapilitan daw silang magtaas-singil ulit.
03:30Baka tataas na naman po sa buwan.
03:32Kung hindi po kami magtaas, malilugi po yung business na.
03:36And then, wala pong mapupunta sa amin.
03:40Pero ang ibang laundry shop, taliraw ang kamay.
03:43Hindi kami basta-basta pwede magtaas.
03:45Bago yun.
03:46Mababawasan yung client.
03:48Kami muna tatanggap.
03:49Ang LPG price hike, bunsod pa rin umano ng kaguluhan sa Middle East
03:53at ang hindi matagumpay na negosasyon sa pagitan ng Amerika at Iran.
03:57Sa laki ng dagdag presyo, baliwala raw kahit suspendido ang pagpapataw ng excise tax sa LPG.
04:04Mas mataas kasi yung world market price compared sa production ng excise tax.
04:10May export ban pa sa petrolyo ang China.
04:12We don't know how long will they implement it.
04:15Meron din naman dumarating na crude oil from the U.S.
04:20Pero it takes time.
04:22May continue delay at still.
04:24The product ka rin darating.
04:25But it will be on a higher price because of the distance na kri-travel ng mga barko ngayon.
04:32Posible kayang umabot hanggang Pasko ang pasakit na presyo sa LPG.
04:37We cannot give a accurate forecast for November as of the moment.
04:44Malaking bagay rin daw ang magiging resulta ng U.S. midterm election sa Nobyembre
04:48na posibling magbigay daan sa panibagong negosasyon sa pagitan ng Amerika at Iran.
04:54Gagalaw rin ang presyo ng petrolyo sa Martes.
04:56Ayon sa oil industry sources, tataas ng hanggang 2 pesos o higit pa ang kada litro ng gasolina.
05:02Hanggang 1 peso and 50 centavos naman ang posibling bawas sa diesel.
05:07Inanunsyo naman ang G7 o Group of 7 Industrialized Nations na magre-release sila ng 100 million barrels
05:13ng kanilang reserbang diesel at crude oil sa loob ng apat na buwan at hindi muna magihigpit sa kanilang energy
05:20exports.
05:20I-co-coordinate sa International Energy Agency o IEA ang pagrelease ng diesel reserves.
05:26Kasunod ito ng pag-pressure ni U.S. President Donald Trump sa European Union na galawin ang kanilang diesel inventory.
05:32Kung hindi, ipagbabawal ng Amerika ang pag-export ng kanilang diesel.
05:37Sabi ng IEA, dahil sa anunsyo ng G7, may pagbaba na sa global oil prices.
05:44Bea Pinlock, nakatutok 24 oras.
05:47Patuloy ang investigasyon ng mauturidad sa pagkamatay ng 7 tao sa isang abandonadong mining tunnel sa Itogon Benguet dahil umano
05:54sa halo-halong kemikal.
05:56Inaalam kung paano sila nakapasok lalo't agos upasuspendido ang mining activities doon.
06:02Nakatutok si Jasmine Gabriel Galban ng GMA Regional TV.
06:09Mahigit 300 feet mula sa entrada ng abandonadong tunnel sa Itogon Benguet na tagpuan ng bangkay ng pitong minero na
06:17hinihinalag na matay dahil sa gas poisoning.
06:20Isinara muna ang tunnel habang nagsagawa ng investigasyon.
06:23Nakikipagugnayan ang Benguet Police Provincial Office sa mga large-scale mining company para matulungan ang mga investigador na mapasok ang
06:31tunnel.
06:31Kailangan po natin ma-identify kung saan po doon yung nagkaroon ng gas poisoning at malalaman din natin makakatulong na
06:42matukoy natin yung may-ari ng kwarto na yun.
06:47Ayon sa MDRRMO Itogon, iligal ang pagpasok sa mga tunnel para magmina.
06:53Suspendido kasi ang mining activities sa bayan simula pa noong Agosto nang naranasan ang mga pag-ulan, bunsod na nagdaang
07:00mga bagyo at habagat.
07:01Kaya may pananagutan ng financer kung bakit pinapasok sa tunnel ang mga minero gayong suspendido ang pagmimina.
07:08Aminado ang LGU na hirap silang imonitor ang mining activities sa Itogon dahil sa dami ng tunnel na karamihan ay
07:15nasa malalayong lugar.
07:16Nais ding makausap ng pulisya kung sino ang unang nakakita sa mga minero na matay sa tunnel.
07:22Pero ang problema, hirap daw silang makakuha ng impormasyon sa mga residente sa lugar.
07:26Walang gustong umimik kasi kung umimik sila, baka siya pa yung sisihin ng dahilan ng pagkawalan ng kabuhayan nila.
07:34Kasi alam nila po ma'am yung consequence.
07:36Nagtungo ngayong araw ang mga opisyal ng LGU sa mga kaanak ng mga nasabing minero sa Tadian Mountain Province.
07:44Nakipag-coordinate na kami sa MSWD ng Tadian at sa doon sa Mangkayan.
07:53So nakipag-coordinate naman kami dito sa SWAD nang dito sa Bingit para makahingi kung ano yung mga assistance na
08:01pwede nilang ibigay at sa kayong mga assistance na pwede nilang ibigay ng munisipyo.
08:09Patuloy na sinisikap ng GMA Regional TV na makuha na ng pahayagang mga kaanak ng mga nasawing minero.
08:15Mula sa GMA Regional TV, Jasmine Gabriel Galban nakatutok 24 oras.
08:22Nasa kote sa Cebu ang isang Chinese national na bistadong pinapalitan ng peke ang kanyang ibirebentang cellphone.
08:29Nakatutok si Jamie Santos.
08:34Kuha ito ng CCTV sa isang coffee shop sa barangay Talamban, Cebu City.
08:39Ayon sa may-ari nito, isang Chinese ang pumasok at nag-alok ng smartphone sa halagang 25,000 pesos.
08:46Nakiusap ang Chino na sa mall magkabayaran.
08:49Pero habang abala sa pagbibilang ng pera ang biktima, ang cellphone pinalitan na raw ng suspect ng peke.
08:56O niya, exchange me, gawas siya. O niya, moto, pag-oon ako, dimjoon mao, fake man. Moto ka, dali-dali,
09:03o gawas.
09:04Nagsumbong ang biktima sa pulisya. Na-aresto rin ang Chino.
09:08So you're not a senior citizen siya, ha?
09:10Sabi ng biktima, nakakaintindihan pa sila ng suspect ng makausap niya ito noon.
09:15Pero nang ma-aresto na, tila di na makaintindi ng Tagalog at Ingles ang suspect.
09:20Sir, good afternoon.
09:23Napag-alamang siya rin ang suspect sa pagbebenta kamakailan ng peking cellphone sa Talisai City.
09:28Pareho rin ang ginawang modus.
09:31Sinubukan naming makausap ang suspect pero ang sinasabi niya lang ay galing siya sa China.
09:35You are implicated in a scamming activity here in Cebu.
09:42O Cebu, for this, for this.
09:45Yeah. You sold, is it true?
09:48And then you switched into a clone one.
09:53Jamie Santos, nakatutok, 24 oras.

Recommended