00:02May it 250 aso ang nailigtas mula sa isang bahay sa Britannia.
00:07Ang manaturang poodle cross na discovery nagsisiksikan.
00:11Ikinalar mo ito ng Royal Society for the Prevention of Cruelty to Animals lalo't dumarami rin daw.
00:17Ang mga kaso ng napakaraming hayop sa iisang address.
00:21Hindi nga raw kapanipaniwala ang dami ng mga ito kaya sabi po ng ilang netizen,
00:25mukhang nagawa ng artificial intelligence ang mga letrato ng kuha.
00:31Giyit po ng grupo, hindi AI-generated ang larawan.
00:36Patunayan nila ito ng kalunos-lunos na realidad ng mga hayop.
00:40Nananawagan din ang grupo na mag-adopt ng mga rescue dog para hindi rin magsiksikan sa mga animal shelter.
00:48Inimbisigan po ng polisya sa Olongapo City ang pagkamatay ng magpinsang apat na taong gulan na lalaki
00:53na nakulong sa isang abandonadong kotse.
00:55At mula sa Subic Zambales, nakatutoklay si Jamie Sanchez.
01:00Jamie?
01:04Pia pala isipan pa rin kung paano nakulong sa loob ng kotse sa Olongapo City
01:09ang magpinsang kapwa apat na taong gulang na lalaki na kanilang ikinasawi.
01:13Bagaman walang nakikitang foul play, hindi pa rin itinuturing sarado ang kaso.
01:21Bandang alas 11 ng umaga noong Merkules, April 8,
01:25nakuna ng CCTV ang dalawang batang ito sa isang bakanteng lotes sa Barangay Barreto, Olongapo City.
01:31Naglakad sila patungo sa isang nakaparadang kotse.
01:35Pareho silang pumunta sa kaliwa ng kotse, binuksan ang pinto at pumasok sa loob.
01:41Nanatili sila roon na walang sino mang lumapit sa kotse.
01:45Bandang alas 2 ng hapon na nakitang walang malay ang dalawang bata na magpinsan at parehong apat na taong gulang.
01:53Mayroon pong tapawag po sa barangay.
01:57Yung pinangyarihan ay almost 30 meters lang po alayon ng bahay nila.
02:06At madalas po naglalaro yung bata na yan doon sa yung lugar na pinangyarihan.
02:13Ayon sa polisya, wala noon ang mga magulang nila at binabantayan ang nakatatandang kapatid ng isa sa mga biktima.
02:20Umalis daw ang dalawa ng hindi nagpaalam.
02:23Pinagbilinan naman na mga mas nakakatandang na pinsan at kapatid.
02:31Kaya lang po, itong dalawang bata ay na waglit, hindi nagpaalam doon sa pinagbilinan.
02:39Yan, inaanap sila. Inaanap sila nung ilang talaga sila nakita.
02:44Batay sa investigasyon, dead on arrival ang isa sa mga bata, habang ang isa pa ay binawian ang buhay sa
02:51ospital.
02:52Pinaniniwala ang suffocation ng sanhin ng pagkamatay ng dalawa.
02:56Sa ngayon po, wala. Ayaw kong sabihin na tapos na.
02:59Dahil siyempre mga ganitong bagay, lalo na, kawawa naman yung pamilya.
03:04Eh, pag nakompleto na namin at natapos na yung pag-iimbestiga namin, eh, saburo po doon naman na kami makapagsabing
03:14face close na.
03:16Nakaburol sa barangay Barreto ang isa sa dalawang bata. Ang isa pang biktima, nakaburol sa barangay Mangan Vaca sa Subic,
03:23Zambales.
03:24Tulungan po sana kami sa mga gastusin namin sa pagpapalibing, katulad po dyan sa kabaong.
03:33Eh, sa mga pong nagsasalita ng hindi magaganda sa amin, sana, intindin na lang po kami kasi nagdadalamhatin po kami.
03:41Ayon sa polisya, handa raw ang may-ari ng kotse na tumulong sa kanila at alisin ang kotse sa hiling
03:47na rin ng mga magulang ng isa sa mga nasawing bata.
03:50Sinabi rin ang may-ari ng kotse na halos tatlong taon na raw hindi ginagamit at kotse at alam niya
03:56ay nakalak ito.
03:57Kaya nagulat raw siya kung paano ito nabuksan.
04:00Ang pagkaalam talaga nila ay nakasara po yan. Kaya nga po tatlong taon na yan naka-junk dyan eh.
04:06Nakasara yan at hindi nila alam po bakit na bukas yung driver's seat.
04:12According po doon sa mga tao doon, madalas po may naglalaro ng mga bata dyan na mas malalaki pa doon
04:18sa mga dalawang nasawing.
04:23Pribadong lote ang pinagparadahan umano ng sasakyan at natingga roon dahil sa usapin sa pagmamayari ng kotse.
04:33Pia sa ngayon nagpapatuloy ang masusing investigasyon ng pulisya upang mabigyang linaw nga yung nasa likod ng insidente.
04:40At mabigyang linaw ang sinapit ng dalawang bata.
04:43At yan ang latest mula rito sa Subig Zambales. Balik sa iyo Pia.
04:47Jamie, mas maghihigpit ba ang mga otoridad sa pagbabantay pati na rin doon sa bakanting lote dahil nakita natin doon
04:54sa kuha ng CCTV may isa pang kotse pero hindi kasi malinaw kung abandonadong kotse din ba yun o nakaparada
05:00lang yun doon sa mga sandaling yun.
05:01Ano yung mga ginagawa nilang hakbang para matiyak na hindi na maulit ang ganitong klaseng insidente?
05:10Pia sa panayam natin nga sa jepe ng Olongapo City Police Station Station 6.
05:15Sinabi niya sa atin na agaran na niyang ipinag-uutos ang pagsasaalis ng dalawang abandoned car dito nga sa private
05:21lot.
05:21At nakausap na rin daw nila yung may-ari ng mga sasakyan nito maging yung may-ari ng private lot
05:26para sa mabilis na pag-aalis ng dalawang sasakyan dito.
05:30At pinag-uutos na rin at nakipag-usap na rin siya sa barangay chairman dito nga sa Olongapo na kung
05:36saan nakakasakop nga itong nangyaring insidente na magbantay at tignan yung mga batang naglalaro para hindi na maulit yung ganitong
05:43insidente, Pia.
05:45Maraming salamat, Jamie Santos.
05:49Kahit walang permit, kumakayod pa rin sa pagpasada ang mga chuper ng e-trike sa Maynila sa gitna ng mahal
05:55na petrolyo.
05:56Nakatotok si Jomera Presto.
06:01Kahit saan ka lumingon, mayroon kang may kitang namamasadang mga e-trike sa bahaging ito ng Malate, Maynila.
06:07Ito ang karaniwang sinasakyan ng mga turista na namamasyal sa Adriatico.
06:11Kumpara kasi sa mga tricycle, mas tahimik at walang usok ang mga ito na mas gusto ng mga turista.
06:17Pareho lang ang pasahe sa e-trike at tricycle, kahit hindi naman sila gumagamit ng petrolyo.
06:22Balay, mataas din po yung ano na ito sa Korean tape.
06:25Idagdag pa ang patuloy na pagtas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
06:29Sa kabila ng kagustuhang maghanap buhay, hindi pa rin may iwasan na hulihin sila ng mga tauhan ng Manila LGU
06:35dahil sa iligal na pamamasada.
06:37Wala pa kasing ibinibigay na permit para sa mga e-trike.
06:40Ginagawa po namin, din namin po nilalabag yung rules po.
06:44Doon lang kami umano kasi once na nag-counterflow kami, doon kami hinuhulin ng polis.
06:49Bagaman walang permit, organisado pa rin naman daw ang mga e-trike driver sa Malate
06:53at may ilan na nagmamaneho sa ilalim ng Pedicab Operators and Driver Association o PODA.
06:58Nakahanda naman daw siya kung sakaling magbaba ng guidelines para sa kanilang permit.
07:06Sabi ng barangay, lokal na pamahalaan ang nagbibigay ng permit sa mga e-trike.
07:11Pakiusap ng mga e-trike driver, huwag silang pagbawalang mamasada dahil kailangan din naman nilang maghanap buhay
07:16para may makain ang kanilang pamilya sa gitna ng pagtaas ng mga bilihin na efekto rin ng pagtaas ng presyo
07:23ng petrolyo.
07:24Jomer Apresto, Nakatuto, 24 oras.
07:29Todohigpit ngayon ang sinturo ng mga namamalengke dahil sa pagmahal ng bilihin.
07:33At kahit may inaasahang robak sa presyo ng petrolyo, sinabi po ng Agriculture Department
07:37na hindi niyan basta-basta mapapababa ang presyo ng mga produkto.
07:42Nakatutok si Bea Pinlak.
07:47Pahigpit ng pahigpit ang sinturo ng ilang mamimili dahil sa walang patid na pagtaas ng presyo ng petrolyo nitong mga
07:56nakaraang linggo.
07:57Bibili ako ng karne, hindi ko na iabot ng tag-1 kilo kasi kulang sa bad city.
08:03Sobrang mahal niya.
08:04Si Vilma, 1 and 1 fourth na kilo ng pork chop ang binili sa Mega Q Mart sa Quezon City.
08:11Pero ulam na raw ito ng pamilya sa loob ng apat na araw.
08:15Magiging creative ka na lang pagdating sa pagluluto, pagbabadget.
08:20Ang kasimatpigay sa Mega Q Mart, umaabot ng 360 pesos kada kilo.
08:27420 hanggang 450 pesos naman ang liyempo.
08:38Sa susunod na linggo, sigurado na ang bawas presyo sa petrolyo ayon sa Department of Energy.
08:44Sa tansya ng oil industry sources, lagpas 10 pesos ang inaasahang rollback sa krudo.
08:50Nasa 1 peso at 50 centavos naman sa gasolina.
08:53Pero sabi ng ilang nagtitinda ng karning baboy,
08:56Kung mga baba ng bahagya, medyo mahirap magbaba ng kung kukunti lang ang binaba ng gasolina.
09:00Kailan mga at least mga 10, agad 21, magbababa kami ng mga 5 pesos.
09:06Hindi pa rin sapat nyo na kami magbaba ng panindan namin eh.
09:12Kasi magkakano lang ang binaba.
09:14Sabi ng Department of Agriculture,
09:16hindi pa kaagad mararamdaman ang epekto ng bawas presyo sa petrolyo sa presyo ng pagkain.
09:23Makakatulong para hindi na tumaas palalo.
09:26At itong pagbaba ay nasaan natin na makakatulong konkret.
09:31Pero hindi pa siya ganun talaga na ina-expect natin na talaga magkakos ng significant na pagbabapa.
09:37Pero kampante ang DA na hindi aabot ng 500 pesos kada kilo ang karning baboy.
09:43Sa ngayon kasi marami naman kasing imported na puno-puno yun ng cold storages natin.
09:49So we're not seeing na abot sa presyo na 599 yung na-project.
09:54Bea Pinlock, nakatutok 24 oras.
09:58Walang kawala sa NBI ang target nilang nang saskam umano ng mga negosyante at opisyal ng gobyerno.
10:05Para makalikom ng pera, bumuha ang suspect ng Bogus na Charity Foundation.
10:10Nakatutok si John Consulta, Exclusive.
10:16Nang makalapit na mga ayente ng Special Action Unit sa kanilang target,
10:30Na-corner nila ang 32 taong gulang na target ng kanilang operasyon.
10:34Miembro o mano siya ng grupo na ang MODUS,
10:37Mangalap ng pera mula sa mga negosyante at opisyal ng gobyerno para sa Bogus na Charity Foundation.
10:44Ayon sa NBI, gumamit ang grupo ng mga money mule o bank account ng ibang tao
10:49para tuluyang matakas ang mga perang nakuha nila mula sa mga kilalang negosyante at mataas opisyal ng LGU.
10:57Nagpapakilala sila na ibang pangalan, matatas na pwesto sa gobyerno o kaya mga kilalang negosyante
11:05at vice versa, hindi binibiktima nila itong mga ganitong tao.
11:10May mga detali silang nakukuha at sa pamamagitan, nakapanghingi sila ng pera.
11:16Lumalabas, meron pa pala itong outstanding warrant of arrest for statutory rape.
11:21Itinanggi ng suspect ang paratang.
11:24Hindi po totoo, yung biktima lang din po.
11:28Yung pera po na kinuha ko, pinutos lang po sa akin yun para kuhain ko.
11:37Sa nang sinasabi po, nang nagsasabi po sa akin, nagtatrabaho daw po siya sa Senate.
11:43Nang inquest na sa reklamong paglibag sa Anti-Financial Account Scamming Act ang suspect.
11:48Tukoy na rin ang isa pang suspect na sinampahan na rin ng reklamo.
11:51Huwag basta-basta maniniwala doon sa mga humingi ng tulong na para kunyari sa mga NGO to,
11:57sa mga institusyon na nagbibigay ng charity works,
12:00dahil ito yung isa sa modus na ginagawa nila.
12:02So pag-ingat po tayo.
12:05John Consulta, nakatutok 24 oras.
12:09Sky's the limit ang pangarap na isang Pinoy na nagtatrabaho ngayon sa National Aeronautics and Space Administration ng Amerika.
12:17Naging katuwang din siya ng katatapos lang na Artemis II mission.
12:21Nakatutok si J.P. Siriano.
12:26To the moon and back ang naging mission ng Artemis II nitong nakaraang linggo.
12:31Ito ang unang space mission na nagdala ng crew malapit sa buwan sa loob ng mahigit limang dekada.
12:36Nga maituturing na milestone ng maabot ng Orion spacecraft ang pinakamalayong distansyang nalakbay ng tao mula sa ating daidig na
12:45umabot ng 252,760 miles.
12:49Nakita rin nila ang far side ng buwan.
12:52At ngayong araw, April 10 sa Amerika, matapos ang halos sampung araw sa kalawakan.
12:59Ligtas na nakapag-splash down ang capsule ng Artemis II.
13:03Lula ng apat na crew nito sa Pacific Ocean, malapit sa San Diego, California.
13:08And speaking of milestone...
13:10I am Louie Rabara. Born and raised in the Philippines.
13:14My biggest project, ito yun, yung Artemis II. Historic.
13:17Ang kababayan natin si Louie, iwinagayway ang watawat ng Pilipinas bilang data controller sa NASA
13:24na siyang nagpoproseso ng data na tinatransmit ng mga spacecraft,
13:29kabilang ang Orion spacecraft sa Artemis II mission.
13:32Yung first day of launch, doon kami, Space Center, which is the mission control.
13:37Ang naging part namin dito as data controllers is the space network.
13:42Meron kaming area of antennas.
13:44After na lumagpas nasa ng Earth orbit, kami na po yung nakakapag-track sa kanila sa mga data
13:50na makukuha nila doon sa space.
13:52Dating IT staff si Louie sa UCLA o University of California, Los Angeles.
13:57At hindi raw naging madali ang kanyang journey.
14:00Lalo't wala siyang background sa astronomy.
14:02Sobrang hira po mag-apply ng trabaho.
14:05Kasi wala ako lahat.
14:06Hindi ako straight papunta sa astronomy po.
14:09Kasi nag-graduate ako ng computer engineering
14:12and wala naman ako idea before na makakapasok ako sa dito sa gantong job.
14:19Ang dating batang fascinated lang sa mga astronaut.
14:22Ngayon, nakakatrabaho na niya.
14:24Minsan, inisip ko parang hindi siya totoo.
14:27Ito yun ang sisimula ako.
14:28Feeling ko hindi ko kaya.
14:30Sobrang surreal pa rin po ang kanyang ngayon.
14:32Kaya payo niya sa mga kabataang Pinoy
14:35na nagnanais ding makapasok sa NASA
14:37o nangangarap ng to infinity and beyond.
14:41Walang imposible.
14:43Huwag lang kayo matakot.
14:44Ayun o.
14:45Mangarap.
14:46Kahit feeling nyo is impossible siya.
14:49There's always a chance.
14:50Tuloy-tuloy lang sa pag-aaral.
14:52And of course, I always pray to God.
14:54JP Soriano, nakatutok 24 oras.
Comments