00:00Iginiit ni Sen. Ping Laxon ang patuloy umanong illegal reclamation sa baybayin ng Laguna Lake na nasa Taguig.
00:07Umalag diyan si Sen. Alan Peter Caitano, na asawa ng Taguig Mayor. Nakatutok si Ian Cruz.
00:18Ibinahagi ni Sen. Ping Laxon ang isang video, kuha daw ng inspeksyon kaninang umaga ng mautoridad
00:24sa sinasabi ni Laxon na illegal umanong reclamation sa Taguig Lakeshore area.
00:30Una na nagsumite sa ombudsman si Laxon at kanyang team ng mga ebidensyang nakalap ukol sa iligal na reklamasyon at
00:38mga infrastructure projects sa Taguig.
00:41Sabi ni Laxon, tuloy-tuloy ang illegal reclamation sa Taguig side ng Laguna Lake dahil may isang taong ang pakiramdam
00:48ay nakakataas siya sa batas.
00:52Iniuugnay niya sa isyo ang mga Kayetano.
00:54Alkal din ang Taguig si Mayor Lani Cayetano, asawa ni Sen. Alan Peter Cayetano.
01:00Sa kanyang Facebook live ngayong hapon, sinagot ng Senador si Laxon.
01:05Nag-post siya ng picture tapos sabi tuloy-tuloy ang illegal reclamation sa Laguna Lake sa Taguig and meron daw
01:15dyan above the law.
01:16Okay.
01:16Okay. Ako ang parating ang tinutukoy at kahit anong mangyari sa Taguig, kasalanan ko na. Kahit napakalaki ng Taguig at
01:26kahit na 1.3 million ang Taguiganyo, wala po ang problema talaga.
01:31Ombudsman, DOJ, NBI, private citizens, investigahan nyo kasi karapatan nyo yan. Ang hindi po okay ang pakikialam ni Sen. Laxon.
01:43Sinisikap ang makuha ng GMA News ang reaksyon ni Mayor Cayetano.
01:48Ian Cruz nakatutok, 24 oras.