00:00Minarang ng immigration ang tatlong Pilipinang nagdeklarang magbabakasyon sa Vietnam.
00:05Kinihinala kasing biktima sila ng human trafficking at magtatrabaho sa Cambodia.
00:10Nakatutok si Jonathan Andal.
00:15Biyahing Vietnam umano para magbakasyon ang tatlong babaeng nagpakilalang magkakaibigan.
00:21Pero sa interview, naghinala ang mga immigration officer dahil hindi nagtutugma ang sagot nila
00:27at hindi nila mapatunayang magkakaibigan sila.
00:30Ang isa sa kanila nagpresenta ng dokumento ng umano'y negosyong magpupondo sa kanyang biyahe
00:35pero nang i-check sa DTI registry, hindi pala ito nakapangalan sa kanya.
00:39Sa huli na basedong may employment visa sila, hindi sa Vietnam kundi sa Cambodia.
00:45So doon pa lang po nakita na hindi po nagmamatch yung kanilang sinabing purpose of travel doon sa kanilang actual
00:53documentation.
00:54Nabisto rin ang immigration na dati na silang nagkambodya.
00:58Ang isa nagpaalam bilang turista pero inabot ng dalawang taon ng umano'y bakasyon doon.
01:03Kaya natin nakita na posible pong uulitin, aalis at magtatrabaho sa ibang bansa
01:09nang walang kaukulang dokumentasyon.
01:11Naharang ang tatlo sa NIA Terminal 1 noong September 25.
01:15At agad itinurnover sa IACAT o Interagency Council Against Trafficking
01:18para sa karagdagang investigasyon gaya ng pagtukoy kung merong mga local recruiter ang mga ito.
01:24Kadikit lang ng Vietnam ang Cambodia na pwedeng tawirin by land.
01:28Ilang beses nang may nare-rescue ang Pilipino sa Cambodia na biktima ng human trafficking,
01:33ginawang online scammer at minsay tinotorture pa.
01:36Dahil dyan, kaya umano, nagihigbit ang immigration.
01:39Para po ito sa kanilang proteksyon.
01:42Be very cautious po sa mga pangakong, kumbaga, too good to be true.
01:46Yung mga hindi maipaliwanag na mga unusually high paying jobs
01:51o kaya po yung mga hindi verifikadong recruitment channels.
01:57Dapat po magdalawang isip tayo.
01:59Jonathan Andal, Nakatutok, 24 Horas.