00:02Inalunsad sa sidelines ng ASEAN Women's Summit ang pag-aaral sa political participation at pamumuno ng mga kababaihan sa ASEAN.
00:10Binuo ito ng ASEAN Committee on Women ng Cambodia sa pakikipagtulungan ng European Union.
00:15Sa kanyang talumpati, binigyan din ni Philippine Commission on Women's Chairperson Hermalita Valdavilla ang kahalagahan ng evidence-based policy upang
00:25mapalitan ng empirical evidence ang mga lumang assumptions tungkol sa kakayahan ng mga kababaihan sa politika.
00:32Tinalakay din sa pag-aaral ang mga hadlang sa paglahok ng kababaihan kabilang ang patriarchal norms, kawalan ng akses sa
00:40campaign funding at physical at online violence laban sa mga babaeng leader.
00:44Women are present at the local health and education and underrepresented in finance, security and economic planning.
00:55Upang maisulong ang pantay na akses ng kababaihan sa politika, isinusulong ng ASEAN Gender Mainstream Strategic Framework ang COTA o
01:04Temporary Special Structures, Financing para sa mga kababaihan kandidato, safety frameworks laban sa harassment at gender mainstreaming sa mga pulisiya.
01:14We must move from commitments to implementation and to measurable results through stronger monitoring, sex disaggregated data and evaluations that
01:25hold our very own institutions accountable.
01:29Para kay Kong Sorita, Undersecretary of State ng Cambodian Ministry of Women's Affairs, hindi lang dapat sa representasyon nakatoon ng
01:38paglahok ng kababaihan sa politika, kundi sa pagkakaroon ng tunay na pagkakataong makapag-ambag, maka-influensya sa mga desisyon at
01:47makapamuno.
01:48Meaningful participation means more than being present. It's more having the opportunity to contribute, influence decisions, shape priority and exercise
01:59leadership.
02:01Advancing these agendas therefore requires to look beyond number and better understand two structural, institutional and social factors that shape
02:11women's pathways into leadership.
02:14Binigyan din naman ni European Ambassador to the Philippines, Massimo Santoro, ang kahalagahan ng pagtutulungan ng Iyo at ASEAN upang
02:22matiyak ang pantay na representasyon sa paggawa ng desisyon at pagpapatatag ng demokrasya.
02:28When decision-making power is shared more equally, the public policy can better reflect everyone's needs and experiences. Greater participation
02:37by women also helps make democratic institutions more representative, more resilient and more responsive.
02:44Sa loob ng mahabang panahon, malaki na ang narating ng mga kababaihan sa larangan ng politika. Mahalaga ang kanilang aktibong
02:52partisipasyon sa pagpapanatili ng demokrasya at pagtataguyod ng pagkakapantay-pantay sa lipunan.
03:00Gabumil de Villegas, Para sa Bayan.