00:00Nadagdaga ng gold medal collection ni Carlos Yulo.
00:03Nakamit ni Yulo ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa 2026 Asian Games sa Japan.
00:10Ito ay para sa Men's Floor Exercise ng Artistic Gymnastics.
00:14Saksi si JP Soriano.
00:19Muling nagpakitang gilas ang Olympic Double Gold Medalist si Carlos Yulo
00:24sa Men's Floor Exercise sa Men's Artistic Gymnastics ng 20th Asian Games.
00:29Ang kanyang performance, nagkamit ang score na 14.666
00:33at ang pinakamatamis sa lahat, ang pagkamit ng gold medal.
00:38Ito ang unang ginto ng Pilipinas sa ginaganap na Asian Games.
00:43Nang patugtugin ang lupang hinirang sa awarding ceremony,
00:47na alala raw ni Carlos ang nangyari noong 2024 Paris Olympics.
00:51Sumod namang sasabak si Carlos sa iba pang aparatos gaya ng vault
00:55kung saan siya rin ang reigning Olympic champion.
00:58Bukas, maging safe lang po tayo.
01:01Gaya nga po, sabi ko din, mas artistic po yung gusto kong ibigay ng performance.
01:07Mas maganda po ng performance.
01:09Mas maganda performance, syempre, equals po ng malapit po sa result ng medal.
01:14So, not really, parang stress na pagdating sa makakuha ng medal.
01:22So, kaya enjoy yung bukas.
01:24Matapos ang awarding ceremony, agad sinalubong si Yulo ng mga opisyal ng Philippine Olympic Committee.
01:30Sabi ni Carlos, masaya siya.
01:32Pero alam niyang may igaganda pa ang kanyang performance.
01:36Ang tagal rin daw na nagsink-in sa kanya na siya pala ang champion.
01:40Dahil magaganda rin daw ang performance ng mga nakalaban.
01:58At sa pagkapanalo ng gold medal sa Asian Games, nakompleto na rin ni Carlos ang kanyang medal collection mula sa
02:09mga pinakamalalaking sporting event ng gymnastics.
02:13Receiving this blessing po from God, it's really an honor po.
02:18And I take it to my heart, really.
02:21And pagkapanalo ko po, kasama ko po dito yung mga taong nagdadasal sa akin, mga sumusuporta at sa mga Pilipino
02:29na akadanas po ng hirap.
02:31Para sa inyo po itong lahat.
02:33Proud din daw siya sa nakasabay sa Asian Games Finals, ang kapatid na si Eldro.
02:39Para naman sa POC, ito na ang sa tingin nilang umpisa ng gold harvesting ng Pilipinas sa Asian.
02:46So una, nagpapasalamang tayo sa Panginoon at lahat ng mga panalangin natin.
02:54Then ito na, nabreak na yung ice.
02:57May nagsasabi, one down, seven below.
03:01Mahirap yun pero kaya pa rin.
03:03Mula sa Nagoya, Japan at bilang bahagi ng Philippine Olympic Committee Media at GMA News,
03:09JP Soriano, ang inyong saksi.
03:11Mula sa Nagoya, Japan at GMA News, ang inyong saksi.