00:01Pinagpapaliwanag ng National Privacy Commission ang ilang social media at online gaming platform
00:06dahil sa hindi umano pag-comply sa mga registration requirement ng Data Privacy Act.
00:11Sa gitna po yan, ng pangambang nagagamit ang mga ito sa pagpapalaganap ng marahas na content.
00:17Balitang hatid ni Bea Pinlak.
00:23Nakuha lang ng estudyanting na Maril sa Banga National High School sa South Cotabato
00:27ang ginamit niyang armas sa ama niyang empleyado ng Disaster Risk Reduction Office ng Department of Education o DepEd.
00:35Ipinaalam ng sponsor ng DepEd 2027 budget sa Kamara na sinibak na sa pwesto ang ama ng gunman.
00:42Tinalakay kasi ang halos isang trilyong pisong panukalang pondo ng DepEd para sa 2027.
00:48My parent was already relieved from his post as a DRRM of the department.
00:55And pending on the investigation.
00:59Tinanong din kung may internal policy sila para sa responsible gun ownership ng mga opisyal at empleyado ng DepEd.
01:06Wala hong internal policy and department but the department subjects it to the discretion of every employee,
01:16every personnel of DepEd to adhere with the existing laws on proper handling of firearms.
01:28Dahil ikatlong school shooting na ito sa bansa ngayong taon na iniuugnay sa online exposure ng mga kabataan,
01:34may mga panukalan ang i-regulate ang paggamit nila ng social media at online games.
01:39Sabi ni DepEd Secretary Sunny Angara, nasa kamay na ng kongreso ang desisyon.
01:44Study show 15 to 16, pababa, kailangan talaga i-regulate.
01:48We should regulate it.
01:51Really restrict the use and make it difficult because right now maraming rumors online.
01:56Ang rumors ay mga nakatatanda na nagtuturo ng mga di maganda sa mga kabataan.
02:01Halimbawa, habang kausap sila sa mga chat groups sa social media, sa games o sa iba pang online platform.
02:08Talagang ginagamit for recruitment for terrorism, for nihilistic violence groups.
02:14Sinusulong sa kongreso na magkaroon ng opisina o kinatawan ang lahat ng online platforms dito sa Pilipinas.
02:21Ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center, binigyan ng 24 oras na ultimatum ang platforms na Discord at Reddit para makapag
02:29-setup na ng kanilang opisina dito sa bansa.
02:32Binigyan ng ultimatum ang Reddit at Discord dahil ayon sa CICC, may pangambang nagagamit ang mga ito sa pagpapalaganap ng
02:40marahas na extremist content at ideologies o paniniwala,
02:43particular sa kaso ng pamamaril sa Banga National High School.
02:48Kabilang din sila sa mga pinagpapaliwanag ng National Privacy Commission bukod pa sa Meta at Roblox
02:54dahil sa hindi umanong pag-comply sa mga registration requirement ng Data Privacy Act of 2012.
03:00Bea Pinlak, nagbabalita para sa GMA News.
Comments