Skip to playerSkip to main content
Narito ang mga balitang ating sinaksihan ngayong
Martes, September 22, 2026.


- Biyahe ng tren sa LRT-2, limitado kanina dahil sa pagtama ng kidlat sa Antipolo Station
- 8-anyos na babae, sugatan dahil sa umano'y pambabato ng rider at angkas nito na nakaalitan ng ina
- Mga operator ng provincial at city bus, nagbawas na ng biyahe; humiling ng dagdag-pasahe
- 19 na puwesto sa isang palengke sa Valenzuela, natupok
- Prosekusyon, iginiit na paglabag sa saligang batas ang pagdeklara ng bise na stockholder siya ng Gencorp Industries
- Atty. Cayosa sa pagiging stockholder ni VP Sara sa Gencorp: Mas mabigat ang pag-amin sa SALN kaysa deklarasyon sa GIS
- Fishing vessel, sumalpok sa bulk carrier
- Nov. 16-18, idineklarang special non-working holiday sa Metro Manila dahil sa ASEAN Summit
- Remulla: Wala pang desisyon ang Austria kung tinanggap o ibinasura ang hiling na asylum ni Roque
- Pilipinas, may 1 silver medal at 3 bronze medals na sa Asian Games
- Lola, Nagpa-lechon matapos makapasa sa Nursing licensure exam ang kanyang apo


Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:11Let's get started.
00:30Ang dahilan, ang pagtama ng kidlat sa Antipolo Station.
00:35Saksi, si Dano Timpungco.
00:40May biyahe pa rin ang mga tren ng LRT2 pero mula rekto hanggang Santolan Station lang at pabalik.
00:47Na perwisyo tuloy ang ilang pasahero lalo na kaninang Rush R.
00:50Madami po talaga ang tao dito sa Kubaw.
00:52Pero pag may ganyan po talaga ang mga beriya, sobrang parang triple po yung dami ng tao.
00:58Wala, makikisiksik tayo sa mga nagjijik. Kasi walang ibang option eh.
01:03Ano magagawa natin? Di naman tayo pwedeng maglakad, wala tayong sidewalk.
01:07Ang dahilan ng beriya ang pagtama ng kidlat at pagkaputol ng catenary wire sa Antipolo Station ng LRT2.
01:14Nakalayla yan hanggang sa baba.
01:15Nangyari yan sa gitna ng localized thunderstorms na naka-apekto sa Metro Manila at ilang karating probin siya.
01:21Tuloy ang pagkukumpun eh sa apektadong estasyon.
01:25Sa Legaspe City nasa wiyan lalaki matapos tamaan ng kidlat habang namimingwit ng isda sa Old Port sa Barangay Bigaa.
01:32Nangunguha rin ang lamang dagat ang isang lalaki nang tamaan siya ng kidlat sa Danao City, Cebu.
01:38Kasama niya noon ang kanyang asawa pero nakaligtas ito.
01:41Dead on arrival sa ospital ang lalaking biktima.
01:44Para makaiwa sa panganib ng pagtama ng kidlat, sundin ang tinatawag na 30-30 rule.
01:49Kapag nakakita ng kidlat, bilangin ang segundo hanggang marinig ang kulog.
01:53Kung aabot sa 30 segundo lang o mas mababa pa, ibig sabihin ay malapit lang ang thunderstorm kaya maiging humanap
02:00ng masisilungan.
02:02Manatiling nakasilong nang hindi bababa sa 30 minuto pagkatapos ang huling pagkulog.
02:08Habang nakasilong, huwag panoorin ang pagtama ng kidlat mula sa bintana.
02:12Mas ligtas manatili sa mga saradong kwarto.
02:15Layuan ng mga telepono, electrical appliances at maging mga gripo, tubo o iba pang daanan ng tubig.
02:20Kung nasa labas at walang masisilungan, lumayo mula sa matataas na lugar gaya ng toktok na mga bundok, pati mga
02:26katawan ng tubig gaya ng ilog o lawa.
02:28Huwag humiga sa lupa, huwag sumilong sa nakahiwalay na puno, layuan ng mga gamit na pwedeng daanan ng kuryente gaya
02:35ng mga kable at bakod na gawa sa barbed wire.
02:38Kapag nasa open field tayo, o kaya kung nasa taas tayo, malapit sa mga bundok tayo na lugar, at malapit
02:46tayo dun sa pwedeng abutin, nung base ng clouds papunta sa ground.
02:50So yun yung mga posibleng i-heat ng mga lightning.
02:54Ako si Dano Tingkungko ang inyong saksi.
02:57Pinatatawag na LTO ang rider ng batong mano sa Antipolo City matapos may makaaway sa kalsada.
03:03Nadamay pa at masugatan ang batang babae na anak ng nakaalitan ng magkaangkas.
03:09Saksi, si Marisolabdurama.
03:17Kumakalat sa social media ang video ng nilakit babae na magkaangkas sa motosiklo na nakikipagtalo sa kumukuha ng video sa
03:24kanila na sakay naman na isang badya na tila mas maliit sa tricycle.
03:28Ang nagmamaneho, isang kamay lang ang gamit sa manibela habang hawak ang cellphone sa isa pang kamay.
03:41Sa huli na video ng uploader, kitang dumudugo ang ulo ng batang walong taong gulang.
03:50Habang ang kanyang ina, natataranta.
03:53Ayon sa Antipolo Police, ang viral na video na kuhanan bandang alas 5 ng hapon itong September 21,
03:59lumalabas ang bisigasyon na sasakay na rosana sa badya ang bata kasama ang kanyang ina.
04:04Pero hindi rin sila makapasok dahil nakaharang ang motosiklo.
04:08Sinabi naman po ng bata na papasok po ako paano po.
04:12And then parang pangit yung pagkakasabi ng rider na hindi ako makaurong eh.
04:20Para makasakay ang mag-ina, umabante na lang daw ang badya.
04:23Nabastusan siguro yung mother tapos sinabi na bastos yung rider.
04:28And then doon, umpisa po yung heated argument.
04:31Hanggang umalis na lang daw ang badya, pero sinundan daw ito ng dalawang sakay ng motosiklo.
04:37And then yun, sinasabi na hindi kami bastos ah, may anak din kami.
04:41Biglang may ano daw, may hard object.
04:44Hindi natin alam kung bato o semento.
04:46Naiba ito po doon sa tricycle at natamaan po yung bata.
04:51Dumuan ang puno ng bata na agad din namang dinala sa ospital.
04:55Pero kinailangan tahiin ang kanyang sugat.
04:57Ang lalakit babae na nakaalita nila agad na tupoy at pinungtahan ang mga taga-baragay daligpuno at mga polis.
05:04Unfortunately, wala na po yung tao doon sa area.
05:07Sa ngayon po, ma'am, wala pa po kami nakikita kung may previous silang record dito po sa bradya.
05:13Pinapaharap ng Land Transportation Office ang rider sa September 29.
05:17Dahil sa iba't ibang paglabang, gaya ng di tamang pagsusot ng helmet,
05:21suspendido na ang lisensya ng rider at inilagay sa alarm status ang motosiklo.
05:26Muli namang nagpunta kanina sa polisistasyon ang mag-ina para formal lang maghain ng reklamo.
05:31Payin yung dalawa, yung ginawa nyo sa anak ko.
05:34Mas mabuti pang sumuko na lang kayo kaysa magtagu kayo kasi viral na kayo.
05:39Nakita nyo naman siguro yun.
05:42Sobra yung ginawa nyo sa bata.
05:45Mahaharap ang magkaangkas sa reklamong physical injury o physical abuse in relation to RA 7610
05:51o Special Protection of Children Against Abuse.
05:54Ako si Marisol Abduraman, ang inyong saksi!
05:58Sa gitna po ng walang tigil na pagmahal ng produktong petrolyo,
06:02umaapila muli ang mga chiperot operator ng mga provincial at city bus na ipatupad na ang dagdag pasahe.
06:07Ang tugon ng Transportation Department sa pagsaksi ni Bernadette Rea.
06:14Kung dating umaabot sa 120 bus ang bumibiyahe kada araw mula sa terminal ng bus company na ito sa Pasay
06:22City,
06:23ngayon nasa 70 hanggang 80 bus na lang.
06:26Apektado patikita ng mga chiper at kunduktor.
06:29Dating biyayin namin, dalawa ngayon, isa na lang, pinagkukombine merge trip ko namin.
06:32Sabi ng mga operator ng provincial at city bus, hindi na nila kaya ang taas ng produktong petrolyo.
06:39Kaya ang panawagan nila dagdag pasahe.
06:42Lahat ng mga operator ngayon, nagbabawas na ng biyahe.
06:45Actually, pakikita mo sa mga terminal nila, pag pumasok ka sa terminal ng bus.
06:51Napakaraming bus na nakaparada ro, doon na walang biyahe.
06:55Nakatakda na sana noong ipatupad ang dagdag sa pasahe,
06:59pero sinuspindi ito ni Pangulong Bongbong Marcos noong Marso.
07:02Dahil hindi raw napapanahon.
07:05Magiging mabigat na pasanin daw ito sa mga pasahero.
07:08Sa halip, ayuda ang ibinigay sa mga chiper.
07:11Kaya nakikita namin na dapat nang ilift na yung suspension,
07:17ma-implement na yung fare increase para magpatuloy ang servisyo ng mga provincial buses sa publiko.
07:26Dagdag pasahe rin ang apila ng jeep ni driver na si Charlie Portizo.
07:30Kahit ano raw sipag, palaging kapos ang katiting daw niyang kinikita.
07:35Sa tutulang, sir, di naman namin kailangan talaga yung ayude.
07:39Kailangan namin ngayon, sir, yung taasan man lang yung pamasahe.
07:44Kahit yun man lang, yung ano namin para kahit pa paano makasurvive kami.
07:50Sabi ni Transportation Secretary Giovanni Lopez,
07:53ginagawa ng gobyerno ang lahat para matulungan ang mga driver at operator.
07:58At this point in time po, pinipiga pa rin natin ang gobyerno
08:03kung ano pwede nating ibigay na inisiyatibo, subsidiya.
08:08Tulad po ng fuel discount natin.
08:10Alam po namin yan na from 10 pesos naging 12 pesos,
08:15iniisip namin kung paano ito pabahain pa at isama yung mga iba-ibang transport modes.
08:20Hanggat maaari raw, iniiwasan nilang magtaas ng pamasahe.
08:23Sana ho, ang pag-impose natin ng fare hike ay maging last resort.
08:30Pag nagtaas po tayo ng pamasahe, ay sigurado po makakadagdag din yan sa ating inflation.
08:37Makakatagdag sa presyo rin po ng servisyo at sa presyo ng mga goods.
08:41Gayunman, inataasan na raw ni Secretary Lopez ang LTFRB na pag-aralan ng sitwasyon
08:48at mag-sumiti ng rekomendasyon patungkol sa posibilidad na fare hike.
08:52Sa ngayon, naglalaro na sa 96 hanggang 110 pesos ang kada litro ng diesel,
08:58habang nasa 79 to 111 pesos naman ang gasolina.
09:03Pero sa susunod na linggo, posibi raw magka-rollback base sa trading kahapon.
09:08Kapag naayos ho yung makare-supply si Saudi sa Strait of Hormos
09:13at maayos naman, 3 to 5 weeks dito sa Red Sea,
09:19talagang hindi ho tayo aabot ulit dun sa 150.
09:23Imagine the diesel at that time, MAPS prices at 256 US dollar per barrel.
09:29Ngayon, it's just around 176, hindi pa ho, at pababa, at pababa na.
09:37At kung aggressive naman talaga si Saudi, then again, wala na ho yung ibang reason kasi
09:46na pwede pang mag-cost ng pagtaas.
09:49Pero abot sikmura na ang epekto ng mataas na produktong petrolyo.
09:53Ang LPG, maaaring tumaas ng 10 hanggang 25 pesos ang kada kilo ayon sa industry sources.
10:00Katumbas yan ng 110 hanggang 275 pesos na taas presyo sa kada 11 kilogram na tangki.
10:08Mataas ho talaga ang chance na may increase tayo sa LPG next month.
10:13But I hope until the end of this month, tumuloy-tuloy yung pagbaba ng Dubai crude.
10:20So much so na the next next month, at least we'll have a lower chance of an additional increase in
10:30LPG.
10:32Doble dagok yan para sa mga nagninegosyo, lalo't mataas rin ang presyo ng mga sangka.
10:37Sobrang migat na po yun, lalo na 1,055 po. Tapos sa isang linggo, isang beses pa po kami gumagamit.
10:43Unti ano lang po yung serve, ganun na lang po. Kaya hindi po kasi pwedeng taas rin yung presyo ng
10:48ulam.
10:49Tripla na nga ang presyo ng ilang upland vegetable o gulay bagyo sa litex market sa Quezon City.
10:55Sobrang taas ng diesel po ngayon. Ang hirap ng biyahe, sobrang layo.
11:01Mga makano tinaan.
11:02Ano, triple po ngayon eh. Kasi ang repolyo po ngayon, 200 siya, kilo. Samantalang mga nakarad, 60 lang po.
11:10Kaya bukod sa pagbibigay ng subsidy sa mga magsasaka at maingisda.
11:14Pinag-aaralan na rin ng Department of Agriculture ang pansamantalang pagtanggal ng toll sa mga nagbabiyahe na agricultural products.
11:22We're checking with DOTR para may balik yung libring toll sa ating mga biyaheeros ng mga agricultural products para ma
11:33-insure natin na mabawasan yung gastusin ng ating biyaheero para pagbiyahe na kanila mga agricultural goods.
11:42Ramdam rin ang epekto ng mataas na petrolyo sa mga grocery items.
11:46Hindi siya masapat. Nandun yung allowance, budget, yung gano'n. 600. Eh ilan sila? Tatlo. Kulang na kulang.
11:56Magluto na lang sila ng malunggay na may itlog. Para marami sabaw, yun na lang. Eh kung sa mahal din
12:03yung mga sardinas eh.
12:05Ayon sa grupong Philpin Amalgamated Supermarkets Association Incorporated, may ilang manufacturers nang napapaisip kung panahon na ba para magtaas ng
12:14presyo at aling mga produkto.
12:15Epekto raw ito ng mataas na presyo ng produktong petrolyo at patuloy na paghina ng piso konta dolyar.
12:22Sa grocery na ito halimbawa, maaaring magtaas na raw ang ilang produkto.
12:26Hanggang Friday lang po ang delivery namin. Kasi dati po, everyday yan, one week. Sa taas ang gasolina, binawasan po
12:33yung mga araw nila.
12:34Manufacturers have a difficult time thinking should we increase prices now versus later?
12:41Kasi yun na nga, ang daming uncertainty hovering, no? Economic uncertainty hovering in the air, no?
12:47We're talking about gasoline prices still going up again.
12:50Ako si Gunadet Reyes, ang inyong saksi.
12:53Dalawang magkahihwalay na sunog ang sumiklab sa Metro Manila ngayong araw.
12:57Sa Valenzuela, alabinsyam na pwesto sa isang palengke ang natupok.
13:01Saksi, si James Agustin.
13:07Pumuputok at naglalagablab ang apoy na gumising sa Pacheco Flame Market sa barangay Maysan, Valenzuela City.
13:13Bago mag-alas dos sa madaling araw kanina, labing siyam na pwesto ang damay sa sunog.
13:18Isa sa mga nagtitinda roon si Imelda, natangi ang imahe ng Our Lady of Manawag ang naisalba.
13:23Naririnig ko, may nagpuputokan.
13:26Kaya, ano ba yung pumutok na yun?
13:28Sigila ako nagising. Nakita ko, lumiliyag na yung pwesto ng gulay.
13:33Yun nakita ko. Natarasa na ako. Di ko na alam kung anong kukunin ko.
13:37Natupok daw lahat ng panindang isda, bulay at mga delata.
13:40Nasa kabuan ay nagkakahalaga ng mahigit sa 35,000 piso.
13:44Bagong bili po ako.
13:46Tayo ko sayang pa naman.
13:48Inuutang ko pa naman yung pera para pamakyak ko lang.
13:51Dahil wala na akong punan.
13:53Umiyak na nga ako anina kasi iniisip ko talaga yung mga babayaran namin.
13:58Dito lang kami umaata.
14:01Apektado rin ang pwesto ng meat retailer na si Tasing.
14:04Talagang mahirap. 100%.
14:06Sana kung wala kayo nuhulugang utang.
14:09Imiyuhulugang kaming utang.
14:11Ang hinahanap po namin ngayon, yung pagpupwestuhan namin po saan maganda.
14:16Matapos sa mahigit isang oras na apula ang apoy,
14:19walang naitalang nasugatan sa insidente.
14:21Pero siyam na pong porsyento ng panengke ang natupok ayon sa BFP.
14:24Ang laman po ng ating market mixer is mix po.
14:28May mga light materials din po tayo.
14:30And yung mga paninda po nila, malamang.
14:33Mabilis po siyang masunod talaga.
14:35Kung baga po, medyo malaki yung fuel load.
14:39Base sa inisyal na imbisigasyo,
14:41nagsimula ang apoy sa isang pwesto sa bandang harapan.
14:44Pero patuloy ang pagkuhan ng mga karagdagang detalya ng Arson Investigator.
14:48Sinusubukan pang makuha ang panig ng pamuno ng palengke.
14:53Bago naman mag-alas 2 ng hapon,
14:55isang commercial building ang nasunog sa barangay 243 sa Tondo, Maynila.
14:59Agad narawisponde ang mga bumbero,
15:01kaya naapula rin agad ang sunog,
15:03na idiniklarang fire out pasado alas 2.30 ng hapon.
15:06Sa ngayon, patuloy na inaalam ng mga otoridad ang pinagmula ng sunog.
15:10Ako si James Agustin, ang inyong saksi.
15:16Kinihain na po sa kampo ni Davao City Mayor Baste Duterte
15:19ang sabpina para sa kanyang pagharap sa impeachment trial
15:21ng kapatid niyang si Vice President Sara Duterte.
15:24Inusisa sa paglilitis kanina ang kumpanyang iniuugnay sa vice-presidente
15:28at nakakuha umano ng mahigit 30 milyong pisong kontrata sa Davao City LGU.
15:34Naungkat din ang koneksyon umano nito sa isang dating opisyal ng Duterte administration.
15:38Saksi si Joseph Moro.
15:43Sa pagpapatuloy ng testimonya ni Atty. Gerardo de Dosario
15:47ng Securities and Exchange Commission sa impeachment trial,
15:50tinanong sa kanya ang tungkol sa isang pangalang lumabas sa mga dokumento
15:54ng ilang kumpanyang iniuugnay sa vice-president Sara Duterte
15:57at asawan niyang si Atty. Manz Carpio.
16:00Yan ang pangalang Jaime Tan Cruz.
16:03Sa Metro City Chow Foods Corporation,
16:06lumalabas diba ang pangalan ng Jaime Tan Cruz?
16:10Lumalabas po yung pangalan ni Jaime Tan Cruz sa Metro City Chow Food Corporation
16:15based po sa Articles of Corporation.
16:17Sunod na tinanong ni Sen. Judge Irwin Tulfo ang prosekusyon.
16:21Ito po ba ang Jaime Tan Cruz na ito,
16:23the same person na na-appoint mo po ng dating Pangulong Duterte
16:28as a special envoy to China for trade and investment?
16:33Yes, Your Honor. The same name, Your Honor.
16:35Same person.
16:36Yes, Your Honor.
16:37Is he the same person na inoferan po ng dating Pangulong Duterte
16:42na maging chairman po ng PhilHealth pero tinanggihan niya po?
16:46Yes, Your Honor.
16:47Wala pang pahayag si Cruz na batay sa pagtatanong kay Del Rosario
16:51ay lumabas sa record ng 6 na kumpanyang iniuugnay sa Bise.
16:56Naano nang iniugnay ng prosekusyon si Cruz sa JTC Group of Companies
17:00na majority shareholder o mano sa Gencorp Industries,
17:04isa pang kumpanyang iniuugnay sa Bise Presidente.
17:07Sa kanyang statement of assets, liabilities, and net worth para sa 2024 at 2025,
17:13i-dineklara ng Bise na stockholder siya sa Gencorp.
17:16Pero wala ang kanyang pangalan sa mga dokumentong isinumitin ng kumpanya sa SEC.
17:21Tinanong tungkol dito si Atty. Del Rosario.
17:24Meron po siyang trust agreement sa mga taong ito para i-representan niya sarili.
17:30Maari din po na merong kumpanya rito,
17:37merong isang corporate shareholder dito na meron siyang control.
17:43Kaya i-disipin niya na kanya rin yung kumpanya na yun.
17:45Nominee siya o beneficial owner siya?
17:48Apo.
17:48Sa pagtatanong naman ng abogado ng Bise,
17:51pinalutang na hindi umunerto lumabag sa saligang batas.
17:54Ang sinasabi raw kasi na bawal sa ilalim ng 1987 Constitution
17:59ay ang pagparticipate o paglahok sa anumang negosyo.
18:02Ibang usapan daw ang tungkol sa mga business interests.
18:06It does not say, and I quote,
18:08have interest in any business, end of quote. Correct?
18:12Yan po ako ay correct ni presiding ko pa sa kapal.
18:15And it does not say, and I quote,
18:18have shares in any corporation, end of quote.
18:20Tama po ba?
18:22Wala pong sinabi.
18:23Punto ng kampo ng Bise,
18:25limitado din ang nalalaman ng testigo
18:27tungkol sa pagninegosyo ng Bise at kanyang nyaman
18:29kaya hindi siya competent para sagutin ang mga tanong tungkol sa mga ito.
18:33Hindi rin naman daw bawal na magnegosyo ang asawa ng Bise.
18:37And no prohibition for businesses that are related to their spouse
18:40to have contracts with government agencies.
18:43Tama po ba?
18:43Dito po, wala po.
18:44Wala naman po.
18:45Pero giit ng prosecution sa pagdideklara pa lamang ng Bise
18:48na stockholder siya ng Gencorp Industries sa kanyang mga Salen
18:52noong 2024-2025.
18:54Paglabag na yan sa probisyon ng Saligang Batas.
18:57She even indicated in those Salen
18:59that the same was acquired in 2013.
19:03Number two, Your Honor.
19:06Article 7, Section 13 of the Constitution.
19:10Public officials shall not,
19:13during their tenure,
19:15directly or indirectly,
19:18practice any other profession,
19:20participate in any business.
19:23Sa pagharap ni Rendell Sopeña,
19:25Division Chief ng Philippine Government Electronic Procurement System o PhilJeps,
19:29lumabas na nakakuha ang Gencorp ng kontrata sa gobyerno
19:33na nagkakahalaga ng mahigit 35 milyon pesos
19:36sa panahong nakuhupo ng Bise-Presidente si Duterte.
19:39Apat na putsyam ang kontrata ng Gencorp
19:41mula July 2022 hanggang nitong June 2026.
19:4533 sa PhilHealth Region 11
19:47na nagkakahalaga ng mahigit 1.3 milyon pesos.
19:50Isa sa Overseas Workers' Welfare Administration o OWA Region 11
19:54na mahigit 300,000 pesos.
19:57At labing lima sa lokal na pamahalaan ng Davao
20:00kung saan mayor ang kapadid ng Bise na si Sebastian Duterte.
20:03Mahigit 30 milyon pesos ang halaga ng kontrata sa lungsod.
20:07The local chief executive of Davao City,
20:11the head of procurement entity,
20:14the one who approves the resolution of the BAC
20:17is no less than Mayor Sebastian Duterte.
20:23Ipapatawag ng Senate Impeachment Court
20:25si Davao City Mayor Sebastian Duterte
20:27sa susunod na linggo.
20:29Personal na naisilbiin ang Senate Surgeon at Arms
20:32ang subpina sa kampo ng Mayor sa Davao.
20:35Naglabas naman ang pahayag si Mayor Duterte
20:37bago kuman ang pagdinig kanina.
20:39Sabi ni Mayor Duterte,
20:41hindi nila alam na may koneksyon
20:42ng kapatid na si BP Sara sa Gencorp.
20:45Hindi rin daw nakalagay ang pangalan ng kapatid
20:47sa mga papeles ng Gencorp Industries Inc.
20:51sa mga dokumentong isinimitin ng Gencorp sa LGU.
20:54Dumaan daw sa matinim pagsisuri
20:56ang Gencorp Industries
20:57at nakita raw nilang ito
20:58ang may pinakamababang bid.
21:00At alinsunod sa regulasyon,
21:02lahat daw ng labing siyam na kontrata
21:04ay na-process, na-i-report
21:06at na-publish sa Phil Jepp's portal.
21:08Ako si Joseph Morong,
21:09ang inyong saksi.
21:11Binigyang din ng prosekusyon
21:13na pag-amin ni Vice President Sara Duterte
21:15sa kanyang Statement of Assets,
21:16Liabilities and Net Worth o SALM
21:18na stockholder siya ng Gencorp Industries.
21:21Sa pananaw na isang legal expert,
21:23kahit hindi nakalista ang vice-presidente
21:25sa isinimitin yung dokumento ng kumpanya
21:27sa SEC,
21:28mas mabigat ang niya
21:30ang deklarasyon nito sa kanyang SALM.
21:32Narito ang aking report.
21:37Kata taon,
21:39kailang magsumitin ang mga korporasyon
21:40ng General Information Sheet o GIS
21:43sa Securities and Exchange Commission o SEC.
21:46Kung may pagbabago man sa istruktura
21:48o opisyal ng korporasyon,
21:50doon ito makikita.
21:51Sa GIS ng Gencorp Industries,
21:54hindi nakalista si Vice President Sara Duterte
21:56bilang incorporator o director.
21:58Pero nakasaad sa kanyang Statement of Assets,
22:01Liabilities and Net Worth o SALM
22:03noong 2024 at 2025
22:05na stockholder siya sa naturang kumpanya.
22:29So you have to understand the court's slight...
22:33I understand, Your Honor, but...
22:35Impatience.
22:37Pero giit na prosekusyon.
22:38The admission came from the respondent herself
22:41and I wish to invoke the jurisprudence, Your Honor,
22:44which says that
22:45admission must be given greater weight
22:48and it in fact throws the burden of proving
22:51that it is a mistake
22:53to the person who made such declaration or admission.
22:58Sa pananaw ni Atty. Domingo Cayosa,
23:01dating presidente ng Integrated Bar of the Philippines,
23:04mas mabigat ang pag-amin ng vice-presidente
23:06sa kanyang SALM
23:06kumpara sa deklarasyon sa GIS.
23:09Atty. Pwede ba nating linawin,
23:12does this mean it does not matter
23:13whether or not the name of the vice president
23:16is in the general information sheet
23:17kasi sinama niya ang Gencorp sa kanyang SALM?
23:21Dalawang dokumento.
23:22One, yung GIS,
23:24which is prepared by other parties,
23:26mga official siguro ng korporasyon
23:28at saka yung SALM,
23:29which is prepared by the vice president herself.
23:34This is under oath,
23:35kagahit din ng GIS.
23:37Hindi niya basta-basta sabihin ngayon
23:39nagkamali siya doon
23:40sapagat very substantial.
23:42At ngayon lang,
23:43na nagkakabukuhan
23:45at naipapakita ng prosekusyon
23:47na marami pala siyang kontrata sa gobyerno
23:50kasama na yung kontrata sa siyudad nila
23:53na ang namumuno yung kanyang kapatid.
23:55So, yung meron na kasing ibang ebidensya eh,
24:00na galing sa kanya mismo,
24:02yung pag-aamin o yung admission,
24:04mas mabigat yun kesa doon sa GIS.
24:06Dagdag ni Cayosa,
24:08kung nag-divest man ang vice presidente,
24:10dapat ipinaalam sa SEC
24:12na inilipat na sa iba
24:13ang kanyang interes sa mga negosyo.
24:15Obligasyon ng lahat ng juridical persons,
24:18mga korporasyon,
24:19na kung may pagbabago sa ownership,
24:22sa mga opisyal,
24:23ini-inform dapat ang SEC.
24:25Doon sa cross-examination ng depensa,
24:29parang ang ipinupunto nila is,
24:30wala namang record ng stock transfer ang SEC.
24:33Pero ang sinasabi niyo po,
24:34di ba, kailangan sinusumiti po yan sa SEC.
24:36So, ibig sabihin,
24:37hindi pwedeng internal lamang ang pag-divest.
24:40Kung talagang nag-divest ka
24:42o may pagbabago,
24:43makikita dapat yan sa subsequent
24:46mga reports nila.
24:47Ayon naman sa depensa,
24:49sa kanilang presentasyon,
24:50nararapat ilahad ang paliwanag
24:52tungkol sa pagkakadeklara ng GenCorp
24:54sa kanyang salin
24:55kahit wala ito sa GIS ng kumpanya.
24:58We don't want to preempt our presentation.
25:01We don't want to, you know,
25:03prematurely answer questions
25:04that would be
25:07more appropriately presented
25:09at the time that it's the defense term
25:10na magpresenta ng evidence.
25:12Hindi rin makapagkomento
25:13ang depensa
25:14tungkol sa testimonya
25:15ni Atty. Gerardo Del Rosario
25:17ng SEC.
25:18Mahirap daw sagutin
25:19ng tanong
25:20na hindi nilalabag
25:21ang subjudicial ruling
25:22ng Senate Impeachment Court
25:23kung saan bawas sila
25:24magkomento
25:25sa merito ng kaso.
25:27Bukas,
25:27wala munang haharap
25:28ng testigo
25:29sa Impeachment Court
25:30bahay na katakdaang
25:31oral arguments
25:32sa isyo ng
25:33kung ilang boto
25:34ang kailangan
25:34para makonvict
25:35o akwit
25:36si Vice President Tutente.
25:38Sa susunod na linggo
25:40na ipinatawag
25:41ang kapatid niyang
25:41si Davos City Mayor
25:42Baste Duterte
25:43tukos sa mga kontrata
25:45ng lokal na pamahalaan
25:46ng Davos City
25:46at ng Gen Corp.
25:48Kaya harimbawa,
25:48hindi siya dumalo.
25:49Anong maaaring gawin
25:50ng korte tungkol dito?
25:51Well, maaaring
25:53o number one,
25:54pa-exprinensya
25:55kung katanggap
25:57tango-exprinensyon.
25:58Kung matikas pa rin ulo,
25:59pwedeng utusan
26:00ang Senate Sergeant
26:02at Arms
26:02at yung Senate Sergeant
26:04at Arms
26:04pwede niyang
26:05tingin ang tulong
26:06ng PNP
26:07o any law enforcement
26:08agency
26:09para arrestuhin
26:10si Mayor Baste
26:12kung hindi
26:13katanggap-tanggap
26:14o hindi
26:15kapanipaniwala
26:16yung kanyang eksprinensyon.
26:18Wala pang abisa
26:19si Mayor Duterte
26:19kung pupunta siya
26:20sa impeachment trial.
26:24Bagyang tumagilid
26:25ang isang fishing vessel
26:26matapos sumalpok
26:27sa bulk carrier
26:28sa Katubigan
26:29malapit sa
26:29Singapore Strait.
26:31Parehong umalis
26:32sa daungan
26:33sa Singapore
26:33ang dalawang
26:34sasakyang pandagat
26:35noong September 17.
26:37Walang naiulat
26:38na nasaktan
26:39sa insidente.
26:40Patuloy
26:41ang investigasyon.
26:44Idineklara
26:45bilang special
26:46non-working holiday
26:47sa Metro Manila
26:47ang November 16
26:48hanggang 18.
26:49Sa mga pechang yan
26:51gaganapin sa Metro Manila
26:52ang Association of
26:54Southeast Asian Nations
26:55o ASEAN Summit.
26:56Basta sa
26:57Proclamation No.
26:581447
26:59ginawa ito
27:00para maibsanan sa
27:01sapi ko
27:01at matiyak
27:02ang kaligtasan
27:03ng mga dadalo
27:04sa summit.
27:05Isang linggo
27:06matapos na being
27:07denied
27:07ang hiling na
27:08asylum
27:08ni dating
27:08presidential
27:09spokesperson
27:10attorney
27:10Harry
27:10Roque
27:11sa
27:11Austria
27:11sinabi
27:12ngayon
27:12ni Interior
27:13Secretary
27:13John
27:14Vic
27:14Remulia
27:14na nagkamali
27:15siya.
27:16Ang sakalihim
27:17wala pang
27:17desisyon
27:18kung tinanggap
27:19o ibinasura
27:19ang asylum
27:21bid
27:21ni Roque.
27:22Nauna
27:23ng tinawag
27:23ni Roque
27:24na fake news
27:25ang pahayag
27:25ni Remulia
27:26noong
27:26isang linggo.
27:27Sinabi
27:28niya noon
27:28na hanggat
27:28wala pang
27:29desisyon
27:29ng Austria
27:30anumang pahayag
27:31upos sa kanyang
27:32asylum
27:32ay maitutuloy
27:33na mali
27:33at misleading.
27:36I was wrong.
27:37It's neither
27:38ang status niya
27:39is in limbo eh
27:40kasi ang
27:41normal status
27:42niya
27:42is six weeks
27:43ah six months
27:44pala
27:44for application
27:45and it's been
27:46nine months
27:46since he applied
27:47for asylum.
27:48So normally
27:49six months
27:49malalaman mo
27:50kung
27:50denied
27:51or accepted.
27:55May isang
27:56silver medal
27:56na ang Pilipinas
27:57sa 2026
27:58Asian Games
27:59sa Japan.
28:00Nakuha ito
28:01ni Jean-Claude
28:02the Dynamite
28:03sa Klag
28:04para sa 65kg
28:05Mixed Martial Arts.
28:07May tatlong bronze
28:08na rin
28:09ang Pilipinas.
28:10Mula naman ito
28:11sa Women's Karate
28:12Team Kata,
28:13Women's Soft Tennis
28:15at Men's Mixed Martial Arts.
28:24Hindi lang basta
28:26nagregalo
28:26kundi
28:26nagpapiging pa
28:28ang isang lola
28:29sa late
28:29dahil sa
28:30success
28:31ng kanyang
28:32apo.
28:33Napayakap
28:34sa isa't isa
28:35ang mag-lola
28:37yan po
28:38ay si
28:38Susana
28:39at Francis
28:40nang malamang
28:41pasado si Francis
28:43sa nursing
28:43licensure
28:44exam.
28:45Proud na
28:46ibinahagi
28:47ni Francis
28:47na si
28:48Lola Susana
28:49ang nagtasan
28:50ng lapis
28:51na ginamit niya
28:51sa exam.
28:52Alagang lola
28:54na siya
28:54simula
28:55pa lang
28:55sa pagkabata
28:56at nakatira pa rin
28:57sa bahay
28:58ni Lola Susana
28:59kahit
28:59nagbalik
29:00na mula
29:00abroad
29:01ang
29:01OFW
29:02niyang
29:02ina.
29:03Pinupad din
29:04ni Lola Susana
29:05ang pangakong
29:05regalo
29:06kapag naging
29:07nurse
29:07na ang kanya
29:07apo.
29:08At ito
29:09ang
29:10magpalegsyon.
29:15Mga kapuso
29:16siyang napot-apat
29:17na araw na lang
29:18Pasko na.
29:20Salamat po
29:21sa inyong pagsaksi.
29:22Ako po si
29:22P.R. Tangher.
29:23Ito ang
29:24GMA News.
29:25Walang kinikilingan.
29:26Walang pinoprotektahan.
29:28Noon at ngayon
29:29servisyong totoo.
29:31Hanggang bukas
29:32sama-sama po tayong
29:33magiging
29:34saksi!
29:38P.R. Tangher.
29:40P.R. Tangher.
29:41P.R. Tangher.
Comments

Recommended