00:00Pinipilahan ng mga motorista ang ilang gasolinahan sa Quezon City para humabol na magpagas habang hindi pa doon ipinatutupad ang
00:07Mega Oil Price Hike.
00:08May ulat on the spot si Bernadette Reyes.
00:12Bernadette?
00:15Grafi, hanggang sa mga oras na ito ay pila pa rin ang mga sasakyan na nagpapagas sa ilang gasolinahan dito
00:21sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.
00:26Mga public utility vehicles o mga pribadong motorista nakikipila sa gas station na ito.
00:32Kumpara kasi sa ibang lugar, mas mura dito ng 5 hanggang 12 pesos per liter ang gasolina.
00:38Mas mababa din ng 7 hanggang 13 pesos sa diesel.
00:41Hindi pa kasi nagpapalit ng presyo sa ilang gasolinahan dito dahil nagsasurvey pa raw ng presyo ang kanilang estasyon.
00:49Kadalasan alasais na umaga araw ng Martes nagpapalit ng presyo.
00:52Pero kahit na magkaroon na ng price adjustment, lumalabas na mas mura pa rin dito kumpara sa ibang gasolinahan.
00:59Ayon sa supervisor ng gas station, marami raw kasi silang kataming gas station kaya mahigpit ang kompetisyon.
01:06Samantala sa isang gasolinahan naman sa Castle City pa rin, kagabi pa lang,
01:10naugusan na raw ng supply ng diesel at gasolina dahil raw sa dami na mga nagpapagas.
01:15Tanging premium na gasolina lang daw ang nasa imbentaryo nila ngayon.
01:19Hinihintay pa nilang pagdating ng bagong supply ngayong araw.
01:22Pakinggan natin ang panayam natin yun sa ilang motorista.
01:27Mahirap na ho. Ang hirap ng biyahe.
01:30Tapos ruta pa namin ang layo-layo, kerino, traffic.
01:35So sa madaling sabi, instead ang consumo namin na dati is 200 one-way, magiging 300 na yun.
01:46Ang mga nadaanan na rin po ang mga gasolina, kaso matataas na po eh, 82, 80 plus na po eh.
01:51Dito po yung pinamababa sa 78. Kaya dito na po nagpagas kahit medyo makami yung naapila.
02:01Samantala, Rafi, may epekto na rin sa presyo ng mga pangunahing bilihin ang mataas na presyo ng produktong petrolyo.
02:08Ayon sa Philpin Amalgamated Supermarkets Association Incorporated, pinaka-apektado raw ng mataas na presyo ng produktong petrolyo ang distribution cost.
02:16Maraming salamat, Bernadette Reyes.
Comments