- 13 minutes ago
- #gmaintegratednews
- #kapusostream
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:50 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Welcome to the residential area of Maypaho, Caloacan City.
00:30Ang lawak na iniwan itong pinsala.
00:32Pero ayon sa BFP, wala namang naitalang nasugatan sa sunog na umabot sa ikalawang alarma.
00:38Tuluyang naapula ang sunog matapos ang isang oras.
00:42Posible po na hanggang Pasko, mataas pa rin ang presyo ng produktong petrolyo.
00:46Sa tingin po yan, ang Department of Energy ngayong hindi natatapos ang sigalot sa gitnang silangan.
00:51Inintay naman kung isususpindi ni Pangulong Bobo Marcos ang pagpapatupad ng excise tax sa lagis.
00:58Saksi, si Ivan Mayrino.
01:03Makapalat baitim na usok ang namataan malapit sa airport sa Riyadh, Saudi Arabia nitong Sabado.
01:08Ang pagataking yan, inako ng grupong huti sa Yemen.
01:12Bahagi ng halos pitong buwan ng sigalot sa gitnang silangan na nagsimula noong atakihin ng Amerika at Israel ang Iran.
01:17Dahil sa pagtaasang tensyon sa pagitan ng mga huti at ng Saudi Arabia, buling tumaas ang presyo ng langis sa
01:24world market.
01:24Sa Pilipinas, sinaasahan bukas ang pinakamataas sa oil price hike sa nakaraang tatlong linggo, particular sa diesel.
01:31With the currency exchange, with the situation in the Middle East, we expect that within the year, hindi pa siya
01:38bababa sa level na pre-war.
01:43Hanggang Pasko, probably, the situation will stay elevated.
01:49Sa ngayon po, kahit ang halintapat pa lang, ayun, may nakikita na tayong bahagi at pagpila ng mga motorista na
01:56naghahabol.
01:57E sayang naman kasi, yung in-expect kasi natin na increase bukas, hanggang 9 peso sa diesel, hanggang 5 peso
02:06naman sa gasolina at 7 peso sa kerosene.
02:09At dahil po dyan, ayan, yung presyo ng diesel, talagang papalo na po ng higit isang daang piso kada litro.
02:17Ilang kumpanya na langis, ang staggered o utay-utay ang pagpapatupad sa taas presyo sa diesel.
02:22Pero napapadalawang isip pa rin, ang mga nakausap kong driver kung itutuloy pa nila ang pangamasada.
02:27Pala ko nga talis, sa uli ko na ito eh. Ayaw ko na, nakakapagod lang tapos wala ka rin kikita
02:33eh.
02:36Mag-construction na lang ako. Mas mabuti pa. Okay, mga lakal ng buti dyan. Mas kumikita pa.
02:42Pag hindi na kikita, ditigil na. Ayan na lang.
02:46Malapit na ba kayo sa puntong yun?
02:47Malapit na sir kasi kinikita namin nasa 1,500 na lang, 1,000 na lang.
02:53Kaya hatiin pa namin kung doktor. Wala na.
02:56May mga nag-report na rin po ng mga jeepney drivers, mako-op na yung mga drivers po nila,
03:01ay umuwi na lang po muna ng probinsya.
03:03At continuous po ang monitoring natin dyan.
03:05Pag nakita po natin na kulang, meron pong libreng sakay na pinaprovide po ang gobyerno.
03:10Tuloy ang 12 pesos kada litrong fuel discount sa mga pampublikos ng sakyan.
03:15147,000 din daw yan sa kabuan.
03:17Pero batid na Department of Energy na halos hindi na rin ito maramdaman dahil sa taas ang presyo.
03:23May gitsang linggo na mula na isumitin ng DOE ang sertifikasyong kailangan
03:27para sa pag-suspinda ng excise tax sa gasolina.
03:29Pero wala pang desisyon si Pangulong Bongbong Marcos.
03:32Last week namin pinadala or two weeks before Friday, two Fridays ago.
03:38Baka inaaral pa nila, I haven't gotten an update.
03:42Tuloy din na pang mahagi ng DSWD ng benepisyo sa ilalim ng uplift program na 2,000 pesos kada buwan.
03:49Pinag-uusapan na rin ay kalawang bagsak ng 5,000 pesos sa ayuda para sa mga nasa sektor ng transportasyon.
03:55Pero ayuda nga ba ang kailangan ng ating mga kababayan? At hanggang kailan?
04:00Hindi na po sana yun. Ang mas maganda po, bumaba na lang presyo ng gasolina kaysa na sa ayaw ay
04:05puro ayuda.
04:06Ako si Ivan Mayrina ang inyong saksi.
04:09Halos 6 na milyon piso ang inirekomendang piansa para sa kapatid ni Kim Chu na inaresto dahil sa kasong qualified
04:15theft.
04:15Saksi, si Gabriel Gonzalez.
04:21Nasa kustudiya ngayon ng Quezon City Police District, ang kapatid ng TV host, actress na si Kim Chu,
04:28inaresto ang respondent sa visa ng arrest warrant mula sa Quezon City RTC Branch 84.
04:34Nahaharap siya sa 124 counts ng kasong qualified theft.
04:38Ang inirekomendang piansa, 5.8 milyon pesos.
04:42Nag-conduct kami ng surveillance and casing dun sa area mismo kung saan sinasabi dun sa report.
04:49And true enough, nag-validate namin and nandun po siya.
04:53Hinihintay pa ngayon kung saan ang pinal na detention facility ng respondent na tumangging magbigay ng pahayag.
05:00As of now, sir, naka-custody sa amin, naka-detention sa custodial facility ng station
05:07and pending dun sa commitment order na galing sa court.
05:13Ayon sa abogado ni Kim Chu, hindi ang aktres mismo ang naghain ng 124 counts ng kasong qualified theft sa
05:20kanyang kapatid.
05:21Sabi ng abogado ni Chu, ang hakbang ay ginawa ng kumpanyang The House of Little Bunny Philippines
05:26kung saan shareholder ang aktres.
05:29Nagain ang kaso ang kumpanya para mabawi ang nawawalang pondo.
05:33Masigurong mapapanagot ang mga may kasalanan at mapigilan ang tuluyang pagkalugi.
05:39Sabi pa ng abogado ni Chu, bahagi lang ng taong 2025 ang basihan ng reklamo.
05:45Pinabulaanan din nila ang mga ulat na nag-reach out umano ang kapatid ng aktres o legal counsel nito.
05:52Desidido raw si Chu at ang kumpanya na mapanagot at mabawi ang mga nawawalang pera sa negosyo.
05:58Sa pahayag ng legal counsel ng respondent noong September 17,
06:02sinabi niyang ikinalulungkot ng kanyang kliyente ang pagsasampa ng kaso ng sariling kapatid
06:08pero patuloy silang maasa na mareresol ba ang gusot sa kanilang pamilya.
06:13Aarapin daw niya ang mga aligasyon ng naaayon sa legal na proseso.
06:18Ako si Gabriel Gonzalez, ang inyong saksi.
06:21...ang ralista at mga polis ang nagkagriyan sa gitna ng kilos protesta
06:25sa pagulita sa ikalimuput-apat na anibesaryo ng martial law.
06:30Saksi, si Marizo May.
06:42Taong 1972 nang lagdaan ang pagsasailalim ng bansa sa martial law.
06:48Kinuha ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. lahat ng kapangyarihan ng gobyerno.
06:55Naging madugo at marahas ito.
06:57Dinanas ko rin yung takpangan ng tela sa muka.
07:02Habang binubuhusan ng tubig yung telang na nasa mukha mo.
07:06Yung parang kapag nalulunod.
07:08At binaliwala ang karapatang pangtao.
07:10Ayon sa Amnesty International,
07:13una 1972 hanggang 1981,
07:16humigit kumulang 70,000 ang ikinulok.
07:19Mahigit 34,000 ang sinaktang.
07:22At mahigit 3,200 ang pinatay.
07:26Batay naman sa datos ng Human Rights Violations Victims Memorial Commission,
07:30mahigit 11,000 ang naitalang biktima ng Human Rights Violations sa ilalim na martial law.
07:37Kaya mula noon hanggang ngayon,
07:39ang paulit-ulit na panawagan ng mga Pilipino,
07:51sa pagunita sa ikalimamput-apat na anibersaryo ng martial law ngayong araw.
08:01Nagkatensyon sa pagitan ng mga ralista at pulis siya.
08:04Nang mamataan ang isang lalaki na nag-i-spray paint sa padero,
08:07agad siyang nilapitan ng mga pulis at inaresto,
08:10dahilan para depensahan siya ng mga pinaniniwalaang kasama ng lalaki.
08:16Hanggang sa magkagirian na ang magkabilang panig.
08:20Nagkatulakan at habulan din.
08:24Kasi nakita natin may hayagang paglabag.
08:26Hindi naman tayo nagkulang doon sa pakiusap na kung maaari,
08:30huwag naman nilang gawin yun.
08:31Kasi unang-una, yung pagbabandal dyan,
08:34gagamitin dyan ay tax din ang ating mga kababayan.
08:37Kalaunan ay pinakawalan din ang Manila Pulis ng lalaki
08:40para raw hindi na tumaas pa ang tensyon.
08:43Nagkaroon pa ng programa sa lugar ang mga ralista,
08:45pero hindi na sila nakalapit ng Menjola
08:48dahil sa mga harang at mga pulis na nakabantay sa lugar.
08:52Umalis din ang mga ralista sa lugar bago mag-alas 11 ng umaga,
08:55pero nagpatuloy ang pagbabantay ng sanglibong pulis sa palibot ng Menjola.
09:00Pero bago mag-alas 6 ng gabi,
09:02isang grupo ng mga ralista na nagmarcha papuntasan ng Menjola
09:05ang sinalubong ng mga pulis sa Recto Avenue.
09:14Muling nagkatensyon ang harangin ng mga pulis ang mga ralista sa San Sebastian Street.
09:19Hindi na pinilit ang mga ralista at nagdaos na lang sila ng programa sa lugar.
09:23Pero bago yan,
09:24nagkaroon muna ng isang mesa para ipaalala
09:26madilim na yugto ng kasaysayang idinunot ng pagdeklara ng batas militar.
09:31Inaalala natin ang mga disaparisido,
09:36yung mga nawawala at hindi na matagpuan.
09:39Ang libo-libong pinaslang at naging biktima
09:43ng extrajudicial killings
09:46at ang mga inaresto,
09:50ikunulong,
09:52tinortyor,
09:53ginutong,
09:55inapi
09:55at pinagdusa.
09:57Kontra kurakot ang isinagawang kilos protesta.
10:01Is yung buhay na noon pa
10:02at nananatili hanggang ngayon.
10:04Kabilang sa ralista,
10:06ang 76 na taong gulang na naging biktima ng human rights violations ng martial law.
10:10They are going to kill me.
10:12Tumalun ako sa sakit.
10:13I was in prison with fractured left arm.
10:18This is a product of martial law.
10:2154 years na,
10:23wala pa rin tagbabago.
10:25Sa kabila ng mga atensyon,
10:26naniniwala ang Manila Police na naging mapayapa ang mga protesta.
10:29Pinakamataas na antas ng pagtitimpe,
10:32yung ating maximum tolerance,
10:33yun ang polisi ng Philippine National Police.
10:35Kung saan yun naman ang ginagawa natin.
10:37Kaya lang hindi kasama dito yung paglabag sa batas.
10:40Ako, si Maris,
10:42umali ang inyong saksi.
10:49Tinalakay po sa day 27 ng impeachment trial,
10:52ang hindi raw pag-divest ni Vice President Sara Duterte
10:55sa ilang kumpanya kahit nakaupo na siyang vice-presidente.
10:59Ang tanong po ng isang Senator Judge,
11:01wala bang nagpayo kay Vice President Duterte na kailangan niya mag-divest?
11:05Saksi, si Sandra Aguinaldo.
11:10Sa impeachment trial kanina,
11:13tinukoy ang labing walong negosyo na idiniklara
11:15ni Vice President Sara Duterte sa kanyang statement of assets,
11:19liabilities and net worth o SAL-N.
11:22Punto ng prosekusyon,
11:24may idiniklara negosyo si Duterte
11:26kahit pa sa mga taong nakaupo siya bilang vice-presidente.
11:30Dapat daw nag-divest o huminto na sa negosyo si VP Sara
11:34dahil paglabang umuno ito sa saligang batas
11:38ang nakaupo sa witness tag,
11:40isang opisyal ng Securities and Exchange Commission.
11:44Nakikita rin kung sa mga panahong Vice President na si Sara Duterte,
11:50nakalista pa rin ang kanyang pangalan at interest sa ilang korporasyon.
11:55Ito ay malinaw na paglabag ng Constitution.
12:00Base po sa inyong experience,
12:05posible bang violation to ng Article 7, Section 3 of the Constitution?
12:10Kasi nakasulat po dito,
12:13bawal po yung participate in any business.
12:16Opo.
12:17Ang sinayay po kasi ay huwag kang magkaroon ng ibang opisina.
12:19You should not hold office,
12:21employment,
12:23at engage in other profession
12:27habang ikaw ay
12:28habang
12:30during the term of office.
12:31Nakasaad sa Article 7, Section 30
12:34ng 1987 Constitution
12:36na ang presidente,
12:38vice-president at iba pang opisyal ng Ehekutibo
12:41hindi maaring mag-practice
12:42ng ibang profesyon
12:44at lumahok sa kahit anong negosyo.
12:46Tanong ni Sen. Judge Rafi Tulfo,
12:49bakit nila raw hindi napayuhan
12:50ng abogado ang vice.
12:52Ang pinagtataka ko lang,
12:55si BP Sara ay abogado.
12:57And I'm very sure,
12:59nung siya ay tumakbo sa pagka-BP,
13:01maraming mga nakapaligid sa kanya,
13:03mga brilliant lawyers.
13:04Walang man lang niisa sa kanila
13:06nakapag-advise sa kanya na,
13:07BP,
13:08kailangan mo mag-divest
13:10kasi bawal yan.
13:12It's mind-boggling for me.
13:13It doesn't make sense at all.
13:16Tinanong ang depensa tungkol dito
13:18pero sinabi ng abogado ng vice
13:20na hindi tama na magkuwento sila
13:22tungkol dito.
13:23Ang net worth ni BP Sara
13:25ay nasa 98.6 million pesos
13:28base sa kanyang 2025 salen
13:31mula sa mahigit 7 million pesos lamang
13:34noong 2007
13:35o paglago
13:36ng mahigit 1,000%
13:38sa loob ng labing walong taon.
13:41Kaya sinili pre ng prosecution
13:43ang mga negosyo ng vice
13:45para makita
13:46kung may kinita ba siya
13:47at kanyang mister na si
13:49Attorney Manz Capio
13:50mula sa mga ito.
13:52Pero sa testimonya
13:53ng SEC witness
13:54sinabi niyang
13:55sa mga dokumento
13:56walang nakalagay
13:57na nagdeklara
13:58ng dividends
13:59ang mga kumpanya.
14:01How about SGT
14:03Fortune Horse Corporation?
14:04Magkano po
14:05ang dineclare kung mayroon man?
14:06Sa SGT
14:07Fortune Horse Corporation
14:09wala rin pong
14:09nagdeklara ang dividendo.
14:11Davao Bounty Times
14:12Food Corporation
14:13magkano po
14:13ang dineclare na dividends
14:15kung mayroon man?
14:16Ang Davao Bounty Times
14:17Food Corporation po
14:18ay
14:20wala pong nasubmit
14:21na FS
14:22kaya wala pong
14:22information
14:23sa pagdideklara
14:24ng dividendo.
14:25Defense objection
14:26is simple.
14:26It is fairness
14:27and accuracy
14:28and propriety.
14:30Now in the
14:31presentation
14:32it clearly stated
14:33that no dividends
14:34declared
14:34when in fact
14:36what the witness
14:37said upon the
14:38inquiry
14:40of the presiding
14:41officer
14:41is that
14:42there is no
14:42information
14:43since there was
14:44no document submitted.
14:45We just ask
14:46for fairness.
14:47Sa saligang batas
14:48takasaad din
14:49na ang isang
14:50vice president
14:50gaya ng ilan pang
14:51mga opisyal
14:52ay hindi maaaring
14:53humawak ng
14:54anumong opisina
14:55o trabaho
14:56habang naninilbihan
14:57sa gobyerno.
14:58Kanina lumaba
14:59sa paglilitis
15:00ang Metro City
15:01Chow Foods Corporation
15:03kutsaan mula
15:042022 hanggang
15:052025
15:06nakaupo raw
15:07si VP Sara
15:08sa board of
15:09directors nito.
15:10Nakalista rin daw siya
15:12bilang member
15:12ng
15:13compensation
15:13committee.
15:14Si VP Sara
15:16Duterte po
15:16ay lumalabas
15:18pong isa
15:18sa mga
15:19incorporator.
15:21Siya rin
15:21po ay
15:22director
15:22ng nasabing
15:24korporasyon
15:25nung ito
15:25ay itatag.
15:26Dahil kulang
15:27na ang oras,
15:28bukas
15:29isasagawa
15:29ang cross
15:30examination
15:31ng depensa
15:32sa testigo.
15:33Sandra
15:34Aguinaldo
15:34ang inyong
15:35saksi.
15:36Naniniwala
15:37ang prosekusyon
15:37at isang eksperto
15:38na dapat magkaroon
15:40na mas malinaw
15:40na mekanismo
15:41para mabantayan
15:42ang mga opisyal
15:43na may interest
15:44pa rin
15:44sa negosyo
15:44kahit na
15:45nakadivest
15:46na dapat.
15:47As eksperto
15:47dahil sa kapangyarihang
15:49hawak
15:49ng mga natunang opisyal,
15:51mahalagang iwasan nila
15:52ang conflict of interest.
15:54Narito ang aking report.
15:57Sa ilalim ng Article 7,
15:59Section 13
16:00ng 1987
16:01Constitution,
16:02bawal lumahok
16:03sa kahit anong
16:04negosyo
16:04ang presidente,
16:05vice-presidente,
16:07mga miyembro
16:07ng gabinete
16:08at kanila mga
16:09deputy at assistant
16:10habang nanunungkulan
16:11sa mga naturang posisyon.
16:13Ang ipinupunto
16:14ng saligang batas,
16:15maiwasan
16:16ang conflict of interest.
16:18Sa pananaw
16:19ni Attorney Michael Henry
16:20Yusinko,
16:20Senior Research Fellow
16:21ng Ateneo Policy Center,
16:23mahalagang maiwasan
16:24ang conflict of interest
16:25sa mga naturang posisyon,
16:27lalo't malaki
16:28ang papel nila,
16:28particular
16:29sa national budget.
16:30Iba po yung
16:31standard for
16:32President,
16:32Vice President,
16:33and Cabinet Secretaries
16:34as opposed to
16:35other elected officials.
16:36Presidente,
16:38Vice President,
16:39and Cabinet officials,
16:41they have direct access
16:42to the national budget.
16:44Nakita na natin
16:45na itong mga
16:47officials na to,
16:48they can manipulate
16:49the budget
16:50for their own ends,
16:51for their own benefit,
16:53especially if they
16:54collude
16:55with lawmakers.
16:57Oras na maupo
16:58sa mga naturang posisyon,
16:59kailangan mag-divest
17:00ng mga naturang opisyal
17:01sa kanila mga
17:02business interest.
17:03O kailangan
17:04maging incorporator
17:05ang isang impeached official
17:06as long as
17:07it was before
17:08her tenure
17:09as Vice President.
17:11Incorporator ka
17:12on record
17:14perpetually.
17:15Hindi na mabubura yun.
17:17Ang pangalan mo
17:18dun sa Articles of
17:19Incorporation
17:20as incorporator,
17:22nariyan na yan,
17:22hindi na mabubura.
17:24However,
17:24you can stop
17:25becoming a shareholder.
17:27Ibig sabihin,
17:29pag dinivest mo na
17:30yung shares mo,
17:32hindi ka na shareholder.
17:34Pero lumalabas
17:35sa presentasyon
17:36ng prusekusyon
17:36sa impeachment trial,
17:37may mga business interest
17:39o ano,
17:39si Vice President
17:40Sara Duterte
17:41habang nakaupo
17:42bilang vice-presidente.
17:44Bawal po ba silang
17:45magkaroon ng pag-aari
17:46sa isang negosyo
17:47o sa isang kumpanyo?
17:48Ano po ang polisiyan
17:49ng opisina ninyo
17:50kaugnay
17:50sa bagay na yan?
17:51Meron po ba
17:52o wala?
17:54Wala po.
17:55Kung wala,
17:55ibig sabihin,
17:57wala kayong
17:57pinadalang
17:58notisya,
17:59notifikasyon
17:59o finlag.
18:01Wala pong
18:02direktiba sa amin.
18:03Magmamayari
18:04ng ikalawang
18:04Pangulo dito
18:05o sino mang bawal,
18:06gabinete man
18:07o sino mang
18:09nakasaad
18:10dun sa Saligang Batas?
18:11Wala po.
18:11Wala pong
18:12ganong direktiba sa amin
18:13na kinakailangan
18:14naming iulat
18:15yung mga
18:17opisyal
18:17na hindi dapat
18:18magmayari,
18:19maging participant
18:20ng isang kumpanya.
18:22Tingin ang prusekusyon,
18:23dapat magkaroon
18:23na mas malinaw
18:24na mekanismo
18:25para mabantayan
18:26ang mga opisyal
18:26na may interest
18:27pa rin sa negosyo
18:28kahit sa ilalim
18:29ng Saligang Batas
18:30ay nakadivest na dapat.
18:31I understand na
18:32ang posisyon
18:33ng SEC,
18:34wala silang guidelines,
18:36dapat maging proactive
18:37din being a regulatory
18:39board ng SEC.
18:40They don't just wait
18:41until the person,
18:44the vice president
18:45or president
18:46or the cabinet member
18:48to voluntarily divest.
18:49Sa pananawri
18:50ni attorney Yusinko,
18:52the SEC
18:53has no automatic
18:55trigger
18:56to monitor
18:58or to flag
18:59yung mga ganitong
19:00klaseng mga
19:01conflicts of interest.
19:03So,
19:03the constitution
19:05actually
19:05immediately classifies
19:07them as
19:07conflict of interest.
19:09The moment na
19:10you assume office,
19:12there has to be
19:12some mechanism already
19:14na dinideclare mo na
19:15ano yung mga
19:17potential conflict
19:18of interest.
19:21Nahulog sa bangin
19:22ang isang multi-cab
19:23habang tinatahak
19:24ang daan
19:24sa San Remigio,
19:26Antique.
19:27Agad sinaklulohan
19:28ang uploader ng video
19:29ang driver
19:30na nakita nilang
19:31lumabas
19:31sa sasakyan.
19:33Basta sa embisikasyon
19:34ng pulisya,
19:35pauwi na ang driver
19:35na magkaberya
19:36ang minamanehong
19:37sasakyan
19:37kaya ito nahulog.
19:39Tinatayang 15
19:39hanggang 20 metro
19:41ang lalim ng bangin.
19:42Lumabas din
19:43sa embisikasyon
19:44na nakainum-umano
19:45ang driver.
19:46Nasa mabuting
19:48lagay na
19:48ang driver.
19:50Naglihabang isang
19:51pampaserong bus
19:51sa terminal
19:52sa Rojas Oriental,
19:53Mindoro.
19:54Ay sa BFP
19:55pasado alas 8
19:56ng magkakahapon
19:57ang masunog
19:57ang bus.
19:58Galing Maynila
19:59raw ito
19:59at nakababana
20:00ang lahat
20:00ng pasahero
20:01na maglihab.
20:02Batay sa
20:03paon ng embisikasyon,
20:04pusingto'y
20:05nagsimulang apoy
20:05sa sirang linya
20:06ng kuryente
20:07sa air conditioning
20:08unit ng bus.
20:10Wala pa payag
20:11ang may-ari
20:11ng bus
20:12at terminal.
20:14Sugatan ang magkaangkas
20:15na nasalpok
20:15na owner-type jeep
20:16sa San Pablo City
20:17sa Laguna.
20:18Tumilapon ang magkaangkas
20:20ng mabangganang
20:21owner-type jeep
20:21na nooy
20:22mabilis ang takbo.
20:23Nagpapagaling
20:24ang mga biktima
20:25sa ospital.
20:26Inareso naman
20:27sa follow-up operation
20:28ang nakabanggang driver.
20:29Wala pa siyang pahaya.
20:38Literal na one-man show
20:40ang atake ng isang server
20:42sa Siargao.
20:43Hindi lang kasi siya server,
20:45total performer pa.
20:54Ayon sa uploader
20:56na si Sarah,
20:57nagmula pa siya
20:57ng Cebu
20:58at pumunta sa Siargao
20:59para ipagdiwang
21:00ang kanyang kaarawan.
21:02Nabanggit daw ito
21:02ng kanyang asawa
21:03sa isang staff
21:04hanggang sabati na siya
21:06sa kanyang kaarawan.
21:08Pero hindi rin
21:09nila inakala
21:09na over pala
21:10ang magiging pagbati
21:12sa kanya.
21:13Sabi ni Sarah,
21:14dahil sa taas
21:15ng energy
21:15na performance,
21:16isa na raw ito
21:17sa mga hindi niya
21:18malilimutang birthday.
21:22Mga kapuso,
21:23siyam naputlima araw na lang.
21:26Pasko na.
21:27At maraming salamat po
21:28sa inyong pagsaksi.
21:29Ako po si Pia Arcangel.
21:31Ito ang GMA News.
21:33Walang kinikilingan.
21:34Walang pinoprotektahan.
21:35Noon at ngayon,
21:37serbisyo.
21:39Hanggang bukas,
21:40sama-sama po tayong
21:42magiging
21:42saksi!
Comments