Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:50 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:

GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:16Mga kapuso, bago sa saksi, sumiklab ang sunog sa isang industrial area sa Lingunan, Valenzuela, pasado alas 7 ngayong gabi.
00:24Umabot sa ikatlong alarma ang sunog bago tuloy na naapula matapos ang dalawang oras.
00:30Inaalam pa kung ano ang pinagmula ng sunog.
00:37Kailangan pong sumailalim sa operasyon ay isang street sweeper.
00:41Matapos siyang makalagkat ng truck sa Valenzuela City, sumambit ang truck sa isang kable na siyang rumila sa biktimang senior
00:48citizen.
00:50Saksi, si Darlene Kai.
00:55Abalang maglinis ang street sweeper na si Cora sa Valenzuela noong Martes nang dumaan ng isang delivery truck at bigla
01:02siyang nakalagkad.
01:04Sa bilis ng pangyayari, humampas si Cora sa katabing poste at nakalagkad hanggang mapahiga na lang siya sa kalsada.
01:10Hindi malinaw sa video pero sumabit pala ang truck sa kable na siyang rumila kay Cora na isa pa namang
01:16senior citizen.
01:17Agad isinugod sa ospital si Cora.
01:19Kinailangan siyang operahan sa balikat at naghihintay rin ng operasyon sa paa.
01:23Agad namang naglunsad ng investigasyon ng LGU.
01:26We're waiting for the full investigation kung paano po napulupot sa katawan po ng victim yung wire na ho yun
01:33at paano rin po na hook up sa bumper ng JNT without human intervention.
01:40Ang sabi ng driver, dumaan lang ho siya tapos parang nasapit at nahila.
01:46Ang malinaw daw sa ngayon.
01:48For me, it's negligence rin ho.
01:50Ang pag-iwan ng mga wires, nakakalat lang ba, nakasapit o nakakalat ho.
01:57Bawal ho yan sa Valenzuela actually ho.
02:00This is also the reason why, Darlene, in Valenzuela, we have an ordinance actually charging maintenance costs per poll
02:12sa mga utilities companies natin because we want them to be responsible.
02:17Kanina, ipinatawag na ng LGU ang mga kinatawa ng JNT at Meralco.
02:21Sinisikap namin makuha ang kanilang pahayag pero ayon kay Gatchalian,
02:25aakuin umano ng delivery company ang anumang responsibilidad sa insidente.
02:29Bukas daw, nakatakda na sila magbigay ng paunang 200,000 piso sa pamilya ni Cora para sa kanyang medical expenses.
02:35JNT Express of course is saying na this is an accident talaga.
02:41Kasi yung the driver that was driving the truck is an experienced driver in that area.
02:48Kapisado niya naman po yung kalya niyon and hindi niya rin alam paano po yung alambre nag-hook sa likod
02:55ng bumper ng truck.
02:57Ang Meralco po ay kanina in-investigate ko rin ho.
03:00What we found out is number one, the pole is owned by Meralco.
03:06But the cable which they even brought a sample, talagang, Darlene, medyo makapal yung cable, talagang matigas, solid yung cable
03:17neto.
03:18So, their statement kanina during the meeting is they don't own the cable.
03:24Hiniimbisigan pa kung aling utility company ang may-ari ng sumabit na kawad.
03:28Bukod sa tulong medikal at pinansyal, nangako rin ang LGU ng legal assistance kay Cora.
03:33Patuloy raw mag-iikot sa siyudad ang mga tauhan ng Valenzuela LGU para siguruhin na wala ng nakalaylay na kable
03:38para hindi na maulit itong insidente.
03:41Ako si Darlene Kay, ang inyong saksi.
03:46Ikilalulong ko traw na Meralco ang nangyari sa senior citizen na nakalagkar ng truck dahil sa sumabit na kable sa
03:51Valenzuela City.
03:52Guit na Meralco, hindi kable ng kuryente ang nagdulot na aksidente pero patuloy ang pakikipag-unay nila sa Valenzuela LGU.
04:00Matulong din daw sila para matukoy ang nagmamayari ng kable na hatak ng truck.
04:06Tinanggalan na lisensya isang jeepney driver na nag-viral dahil sa pag-inom-umano na alak habang nagmamaneho.
04:12Ay po sa LTO, gumagami din umano ng droga ang driver.
04:17At insaksihan!
04:23Sa viral video na ito na pinuos ni Gabriel Go ng MMDA,
04:27biyahing baklaran divisorya ang isang jeepney sa kahabaan ng Taft Avenue.
04:32Kalagitnaan ng biyahe, may pagkakataong binabasa ng driver ang kanyang sarili kahit nagmamaneho.
04:38Sa isang punto, kitang may bote na nakapatong malapit sa windshield ng jeep.
04:42Ilang sandali pa, ininom niya ang laman ng bote.
04:46Ang inasal ng driver na ipaalam na sa Land Transportation Office.
04:50Sa tulong ng ibang driver na tonton ang nag-viral na jeepney driver.
04:54Kagabi, naka-receive ako ng information o yung video na itong driver na ito umiinom na habang nagmamaneho.
05:03Allegedly na ito daw na driver na ito ay gumagamit ng pinagbabawal din na gamot.
05:09Naglabas sila ng shoko's order laban sa driver at operator niyang jeep.
05:14Lumalabas sa record na may iba pang huli ang driver bago ang insidente.
05:18Sa loob ng isang taon, tatlo yung huli niya na hindi niya inaayos.
05:24So dahil nga dito, automatic kasi nasa batas natin,
05:29pag within one year, tatlo yung mga huli mong ganito,
05:33tapos dinisregard mo pa, e marirevoke na.
05:36Ayon sa LTO, tuluyan ang binawi ang lisensya ng driver.
05:40Ipapadrag test ko nga sana, e agad siyang umamin.
05:44Sabi niya na huwag na raw siyang idrag test at umamin siya na siya ay gumagamit ng pinagbabawal na gamot.
05:52Inimpound din ang minamaneho ng jeep at nakataktang ipatawag ang operator.
05:56Wala pang pahayag ang driver at operator.
05:58Paalala ng LTO sa mga PUV driver, papawiin agad ang lisensya ng mga PUV driver
06:04na magpupositibo sa kanilang mga surprise drug test.
06:08Ako si Jamie Santos, ang inyong saksi.
06:12Pinaniniwala ang debris flow, ang pagragasan ng baha at public na kumigil ng daan-daang buhay sa Nepal.
06:18Ayon po yan sa isang eksperto.
06:20Ang trahedya, may mga kaparehong insidente na rin noon sa Pilipinas
06:23at hindi umunumalabong maulit.
06:26Saksi, si Mackie Polino.
06:31Nang rumagasa ang toneto nila ng bato at putik na inagos mula sa bundok ng Nepal kahapon,
06:37sa border checkpoint na ito ng China at Nepal,
06:40parang tidal wave na nilamon ang mga gusali at pinangay ang mga nagtatakbuhang tao.
06:46Pinag-aaralan pa ng mga scientist kung ano ang naging sanhin nito.
06:50Pero sabi ni Mohar Lagmay, executive director ng UP Resilience Institute,
06:55ito raw ay isang debris flow.
06:57Parang baha na pero may laman na mga bato, graba, buhangin, na pagka umagos ay parang wet concrete.
07:06Debris flow ang tawag dyan.
07:07Boulders na tangay-tangay ng baha na more than 50% ang bato, ang graba, marami pa sa tubig.
07:16Ang trahedya sa Nepal nangyari na raw sa Pilipinas at hindi malayong mangyari uli, ayon kay Lagmay.
07:23Noong 2012, nagkaroon ng debris flow sa Compostela Valley.
07:27Mahigit limang daang katao ang namatay.
07:30Taong 2015, ang natabunan rin ang bahagi ng ilang barangay ng Baco Oriental Mindoro
07:35ng mga naglalakihang bato mula sa debris flow.
07:39Sa Pilipinas, ang trigger daw ng debris flow ay matinding ulan sa bundok na nagtutulot ng landslide.
07:46Marami tayong bundok.
07:47Pag nagkaroon ng landslide because of a storm,
07:50na thousands of landslides doon sa mountains,
07:53meron tayong source material.
07:55And when they get remobilized,
07:56they turn into what we call as debris flows.
08:00And they exit at the mouth of the drainage network.
08:05Sa ating bansa,
08:06babagsak daw ang debris flow sa mga komunidad na nasa mga gilid ng ilog.
08:11There are more than 1,000 places that we've identified
08:14na merong communities na nandun.
08:17And we need to put them out of harm's way.
08:20And if we cannot get them to leave that place,
08:23at least we need to get them prepared.
08:25Dito papasok ang kahalagahan ng pag-aaral ng UP Resilience Institute
08:30ng mga maaring pagmula ng mga natural hazards sa bansa.
08:33Ditong taon, nakatanggap ng 1 billion piso ang UP Resilience Institute
08:37na magagamit na pambili ng equipment para sa hazard mapping ng buong bansa.
08:42Pero para sa isang bansang may lindol, baha, landslide at pumuputok na bulkan,
08:47dapat daw hindi lang minsanan ang pagpupondo para rito.
08:51What creates disaster or tragedy is our lack of preparation.
08:58Hindi talaga mapigilan ang lindol.
09:00Ang purpose natin dito is to prepare to build a resilient society
09:05para mabenos-menos ang damage to number one life.
09:08Muling sumadsad ang halaga ng piso sa pinakamababang level sa kasaysaya.
09:12Nagsara po ang palitan ngayong araw sa 61 pesos at may 88 centavos kada US dollar.
09:18Itong Hulyo lang naitala ang dating all-time low na halaga ng piso.
09:23Nangyayari po ito sa gitna ng nagtataas ang presyo ng mga produkto ng petrolyo
09:27at ang papatuloy na sigalot sa Middle East.
09:30Kasunod din po ito ng paglalabas ng Banko Sentral ng Pilipinas
09:33na ang mataas na tansya nila sa inflation rate dahil sa banta ng Elpino
09:37at posibleng paggalaw sa sahod ng mga manggagawa.
09:43Iminukahin ni DILG Secretary John Vic Remulia
09:46na payagan ng PNT na mag-inspeksyon sa mga bahay ng mga may-ari ng baril.
09:50Kasunod po yan ang mga insidente ng karahasan sa mga paarala
09:53kung saan nakuha ng mga menor de edad ang mga armas na inisyo po ng gobyerno
09:58sa kanilang mga kaanak.
10:00Saksi, si Marie Zumali.
10:06Dalawang magkahiwalay na insidente ng pamamaril
10:09sa magkaibang eskwelahan ang gumimbal sa publiko kamakailan.
10:12Humantong kasi ang mga ito sa pagkasawin ng tatlong estudyante
10:16sa San Jose National High School sa Tacloban
10:18at dalawa naman kabilang ang suspect sa Ateneo de Zamboanga University.
10:23Puro mga menor de edad ang tatlong suspect at lahat
10:26gumamit ng mga baril na inisyo ng gobyerno
10:29sa mga kaanak nilang government law enforcer pa.
10:32Kaya sa pagdinig na House Committee on Appropriations
10:34para sa proposed P332.5 billion kaso budget ng DILG para sa 2027,
10:40inusisa ang kalihim ng DILG tungkol sa haros magkasunod lang
10:44na insidente ng ito ng karahasan.
10:45Paano kayo nagko-coordinate ng investigation
10:48at pag-prevent ng future school violence incidents targeting children?
10:53The Department of Education and the DILG are entering into
10:57a memorandum circular to allow barangay tanods
11:01inside the school buildings.
11:03So they will be part of the security augmentation force
11:06to inspect the bags before they enter.
11:09Outside of that, the PNP is regularly scheduled
11:12in the ingress and egress of students during school time.
11:17They are required to be there.
11:20Tinanong din sa Secretary Remulia kung ano ba ang patakaran
11:23pagdating sa mga government-issued firearms.
11:25Ano ba ang protocol sa handling at ano ang mga nilabag
11:29patungkol sa handling ng issued firearms?
11:32It is stated in the protocol that they are responsible at all times for their guns
11:36and they are supposed to put it in safekeeping under lock and key
11:42if not in their possession.
11:44Pero dahil hindi rin ito nasusunod sa lahat ng pagkakataon,
11:47lalo't mayroong 800,000 uniformed personnel sa bansa.
11:51Paano kala ni Remulia?
11:52The IRR has to be amended that all lawfully issued firearms are to be...
12:02The PNP will be granted access to all homes of lawfully issued firearms
12:08to inspect their procedures in safekeeping.
12:12Tanggap ni DILG, Secretary Remulia, na posibleng tutulan
12:15o ikadismaya ito ng ilang gun owners,
12:18lalo't pwede raw itong mapagkamalang impeachment of rights.
12:21Pero paalala ni Secretary Remulia,
12:24ang pribilehyo raw na magkaroon ng baril o armas
12:27ay hindi nakasaad sa ating konstitusyon.
12:30Nanawagan din siya sa Kongreso na pag-aralan
12:32ang pagpapataw ng mas mabigat na parusa para rito.
12:35Those who own the guns are reckless imprudence resulting in homicide.
12:39There should be a greater penalty for the owners of the guns
12:44that are used for illegal purposes.
12:46Ikinabahala rin ng ilang mambabatas
12:48ang tila lumalalang impluensya sa mga kabataan
12:50na nakikita ang karahasan sa internet.
12:53The PNP sa anti-savircam group said that they had handled 74 cases
12:58linked to nihilistic violent extremism.
13:01At they rescued 42 minors in connection with these cases.
13:06Nagbago po ba ang strategy ng DILG at PNP?
13:10Ginagawa naman daw ng PNP ang lahat na maaaring pagbabantay pero...
13:14What happens in their homes that influence them is beyond our control.
13:18Hinihimok niya ang pamahalaan na gawa ng paraan
13:21ang pagbigil o pagkansela sa mga nihilistic sites na ito.
13:24It is not censorship but rather it is a filtering out of dangerous sites
13:32so that children will not get influenced.
13:35Ako si Maris, umali ang inyong saksi.
13:38Gusto ni Senate President Nguyen Gattolian na humarap sa Senate Impeachment Court
13:42si Col. Raymond Dante LaChica.
13:45Si LaChica po ang dating hepe ng Vice Presidential Security and Protection Group
13:49at ang pinagbigyan umano ng confidential funds ng OVP.
13:54Tignan natin kung kailangan i-compel ng court na papuntahin siya dito.
14:00She followed the mommy trail at pinakinggan mo yung mga testimonies ni Acosta, ni Portonio.
14:12Sa kanya talaga huming po i-manity.
14:14Importante yung kanyang testimony.
14:18Ang prosekusyon, hindi raw nakikita ang kailangan i-harap si LaChica sa trial.
14:23Hindi raw nila kailangan pa ng dagdag na testimonya mula kanino man.
14:27Pinalagan din nila ang patutsada kahapon ni Vice President Sarah Duterte
14:31na wala umano ni isang hibla ng ebidensyal laban sa kanya.
14:35Ayon sa prosekusyon, ang mga testigo at dokumentong iniharap sa Senate Impeachment Court
14:39ay nagtuturo sa umano'y papel ni Duterte sa pag-uutos at pawamahala sa maling paggamit ng confidential funds.
14:48Nakambang tumaas na magit piso kada cubic meter ang singil sa tubig ng Manila Water sa susunod na taon.
14:54Saksi, si Bernada Treyas.
15:00Mas mataas pa ang bayarin sa tubig ng car wash na ito kesa buwan ang bayarin sa kuryente.
15:05Kaya malaki ang epekto tuwing tumataas ang singil sa tubig
15:09dahil hindi naman sila agad makapagtaas singil sa mga customers.
15:22Ayon sa Manila Water na nagsiservisyo sa East Zone ng Metro Manila,
15:27posibleng umabot ng mahigit piso kada cubic meter ang taas sa singil sa tubig sa mga susunod na buwan.
15:33Bagaman ko kwentahin pa ang pinal na taas singil.
15:36Next year po, pagdating ng kinero, yung last tranche nung increase ay ipapatupad ako.
15:45How much yun?
15:46Kung hindi po ako nagkatamali doon sa basic charge, parang piso.
15:50For cubic meter.
15:52Bahagi pa rin ito ng rate rebasing o yung dagdag singil batay sa mga inilatag na proyekto
15:58para mapabuti ang servisyo at kung natutupad ba nila ito.
16:01May rate rebasing adjustment ding ipinatutupad ang Maynilad hanggang 2027
16:07batay sa anunsyo ng MWSS Regulatory Office noong 2022.
16:13Bukod sa rate rebasing, maaari rin magkaroon ng price adjustment
16:17dahil sa tinatawag na Foreign Currency Differential Adjustment o FCDA.
16:21Ito yung halagang nakadepende sa nagbabagong palitan ng piso kontradulyar at iba pang mga foreign currencies.
16:28Ang perang na kolekta, hindi napupunta sa mga water concessionaire.
16:32Sahalip, binabayan ito sa mga utang para sa pagpapabuti ng servisyo sa tubig.
16:37Pwede rin naman itong mabawasan kung lumakas ang piso.
16:41Kung ang piso po ay lumakas,
16:44whole truck sa mga foreign currencies na yan,
16:47we can expect na bababa po yung mga type C2.
16:52Kung magmahalang singil sa tubig, paano kaya ang mga singil ng mga water refilling station at mga umaasa rito?
16:59Siyempre, hindi ka naman basta-basta magkataas ka agad.
17:03And siyempre, aaray din man nga yan.
17:05Pagandang servisyo lang po, tuloy-tuloy lang po ano natin sa huwag na tayo ma-shirt sa tubig.
17:09Pagandang bawa, kasi no choice naman tayo eh.
17:12May iipit din maging mga bahay na umaasa sa tubig rin po ng Manila Water at Maynila.
17:16Kaya si Nanelia, magtitipid muna.
17:20Sa labahin ka noon, lagi laban ang laba.
17:22Kung sa washing machine, pagka ano, tinatabi namin, tapos pamulilinis ko ng siya.
17:28Dati, pagka nagsishower, ngayon timba na lang, tabo-tabo.
17:33Para makatipid.
17:35Bernadette Reyes, ang inyong saksi.
17:37May katamtamang chance na pa rin maging bagyo sa mga susunod na oras
17:40ang low pressure area sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
17:43Huling na mataan po yan, mahigit 800 km sila nga ng Extreme Northern Luzon.
17:48At kung sakali, tatawagin itong bagyong pilandok.
17:52Apektado pa rin na habagat ang malaking bahagi ng Luzon at Western Visayas.
17:56Basa sa datos ng Metro Weather, asahan ang maulang baga bukas sa kanlurang bahagi ng Luzon.
18:02At may tsansa ng matinding buhos ng ulan sa Zambales at Occidental, Mindoro.
18:07Posibeng lumawak ang pagulan sa hapon hanggang gabi.
18:10At narami rin ang makararanas ng malakas hanggang matitinding pagulan
18:14na posibeng magpabaha o magdulot ng pagguho ng lupa.
18:19Uulanin din sa umaga ang probinsya ng Antike.
18:22May tsansa rin ng kalat-kalat pero sa gilang na pagulan sa buong Mindanao.
18:27Sa Metro Manila, asahan din ang maulang umaga.
18:30Posibeng lumakas ang buhos sa tanghali na magtatagal hanggang gabi.
18:36May seryosong sakit si Senadora Loren Legarda, kaya naka-medical leave pa rin siya ngayon
18:41ayon po kay Senate President Nguyen Gatchalian.
18:43Hindi itinatalya ni Gatchalian ang kalagayan ni Legarda.
18:47August 3, nag-umbisa ang medical leave ni Legarda at kamakailan ay pinahaba niya ito hanggang sa September 2.
18:53Mula noon, hindi na raw niya kinukuha ang kanyang sweldo.
18:57Umalis sa bansa si Legarda noong August 2, ilang araw matapos sabihin ng ombudsman
19:01na pinaiimbestigahan siya ng anak niyang si Batangas Rep. Leandro Leviste para sa plunder.
19:08Dati nang sinabi ni Legarda na huwag lagyan ng mali siya ang kanyang pag-alis
19:11at huwag iugna ito sa mga lumabas na anya'y mali at walang basihang mga alegasyon laban sa kanya.
19:22Alam po yung kanyang sakit. Even prior to this, we were personal friends as well.
19:29So, nasabi niya yun na meron siyang sakit na seryoso.
19:43Kakasimula pa lang ng semester pero napasabak na ang pagkamalikain ng ilang college students sa Bukinon
19:50para po yan ipakilala ang kanilang mga sarili.
19:53At isaksihan!
19:58Panibagong semester, panibagong pagsabak ulit sa school activities.
20:02Tiyak isa sa mga unang ipagagawa, introduce yourself.
20:06At kung may mabilis mang paraan para ipakita kung sino ka, ay di na yata ang pinakamabisa.
20:12Pero ibahin ang fourth year college student sa Bukitnon na si Jesse Bill pagpakitan.
20:17Dambuhalang kopya ng kanyang ID ang inilaban.
20:20Sa butas kung nasaan dapat ang ID photo, inilusot ang kanyang ulo sa class presentation.
20:30Assignment daw kasi nila ang malikahing pandar para magpakilala.
20:38OA sa laki ng ID!
20:41Ang mga kaklase ni Jesse Bill naman, OA sa actingan.
20:44Ang kunyaring teacher nga, sungit-sungitan.
20:51May drama.
20:58At may pagtataray.
21:07Audience entertained.
21:16Sa klan naman, sustainability is the name of the game.
21:20Ang answer sheet kasi sa pakwiz ng profesor na si Kint Rebano.
21:24Imbis na papel, iba't ipang uri ng dahon.
21:28Swak sa subject nilang botany o pag-aaral ng mga halaman.
21:32Advokasya ni teacher ang pangangalaga sa kalikasan at saribuhay sa bansa.
21:36Naniniwala ako na sa pamamagitan ng activity na yun, ay kahit papaano ay makakabawas tayo sa mga basura.
21:44And nababawasan yung pagiging paper dependent ng aming mga activities.
21:53Ako si Vonna Quino, ng inyong Saksi.
21:57Salamat po sa inyong pagsaksi.
21:59Ako po si PR Kanghel.
22:01Ito ang GMA News.
22:02Walang kinikilingan.
22:03Walang pinaprotektahan.
22:05Noon at ngayon,
22:07serbisyo sa ito.
22:08Hanggang bukas,
22:10sama-sama po tayong magiging
22:12Saksi!
22:12Saksi!
22:14Saksi!
22:15Saksi!
22:16Saksi!
22:17Saksi!
22:18Saksi!
22:18Saksi!
22:19Saksi!
22:19Saksi!

Recommended