00:00Sa Quezon City naman, naka-full alert din ang polisya sa kalimang karoon na aktividad sa EDSA People Power Monument.
00:07At may unang balita live si Gabriel Gonzalez.
00:10Gabriel!
00:14Ivan, handa na ang Philippine National Police para magbigay siguridad sa mga aktividad ngayong araw dito sa People Power Monument
00:22kasabay ng ikalimamput-apat na anibersaryo ng deklarasyon ng Batas Militar.
00:30Bantay sarado na ng mga pulis ang People Power Monument bagamat walang inaasahang magpaprotesta dito ngayong araw.
00:36Nananatili namang bukas ang magkabilang linya ng White Plains Avenue at wala mo ng rerouting scheme.
00:42Wala pa rin epekto sa lagay ng trapiko.
00:45Ayon sa QCPD, September 19 pa lang ay naka-full alert status na ang polisya.
00:50Wala namang anumang banta silang natatanggap kaugnay ng mga aktividad ngayong araw.
00:55Ngayon man, patuloy ang kanilang monitoring.
00:57Handa raw sila sakaling may magsagawa ng biglaang protesta sa People Power Monument.
01:05We are directed nga to exercise maximum tolerance pa rin po sa kanila.
01:10So makikipag-coordinate tayo kung sino man po yung kanilang mga leaders or organizers.
01:21Ivan, sa mga oras na ito ay nananatiling normal naman ang lagay ng trapiko sa EDSA Northbound at saka doon
01:27sa White Plains Avenue na nananatiling bukas yung magkabilang linya sa mga oras na ito.
01:32May mga nakita rin tayo dito mga tauhan ng Quezon City Department of Public Order and Safety at Human Rights
01:38Officers mula sa NCRPO dito sa People Power Monument.
01:42Kadarating lang din ni NCRPO OIC Police Brigadier General Abrahano para sa inspeksyon dito sa People Power Monument.
01:51At yan muna ang latest mula rito sa Quezon City.
01:54Gabriel Gonzalez, GMA News.
Comments