00:00Ngayong ipinagbabawal ang paglalabas ang pondo para sa social services dahil sa papalapit na barangay at SK elections,
00:07pansamantala muna ang inihinto ang fuel discount program para sa mga chuper.
00:12Paano na lang yan ngayong may nakaambang mega oil price hike?
00:16Nakatutok si Bernadette Reyes.
00:21Kung kailan na naman may nakaambang big time oil price hike sa susunod na linggo,
00:25saka naman pansamantala ang ipinagpaliba ng LTFRB ang 12 pesos per liter na fuel discount program.
00:33Habang umiiral kasing election ban para sa barangay at sangguniang kabataan elections,
00:38bawal ang maglabas ng public funds para sa social welfare and social services,
00:42maliban kung otorizado ng Commission on Elections.
00:45Sabi ng Comelec, papayagan nilang pagpapatupad ng programa,
00:48pero wala pa raw silang natatanggap na hiling mula sa LTFRB.
01:18Ang isang bus company sa Maynila,
01:21nagpatupad na ng mga pagbabago sa oras ng biyahe dahil sa taas ng presyo ng diesel.
01:26Alas otso na umaga ang dapat sana'y departure ng bus na ito na patungong Tuguegaraw,
01:31pero mahigit isang oras nang nakalilipas, hindi pa rin ito bumabiyahe.
01:35Sa ngayon kasi, aapat pa lang ang pasahero.
01:37Ayon sa pamunuan, kailangan pa raw madagdaga ng mga pasahero bago ito bumiyahe
01:42dahil lugi pa sila sa ngayon sa taas ng presyo ng diesel.
01:46Nagbukas po kami ng konti biyahe.
01:47Nag-iipon muna po kami ng mga pasahero.
01:50Naka-iipon po kami ng mga 30 pasahero.
01:52Doon pa lang po namin bubuksan yung makina at ang aircon ng bus.
01:55Tsaka doon pa lang po kami ang kapapasakin ng mga pasahero.
01:58Kailangan po mapuno yung bus bago umalis.
02:00Sabi nila, merge trip daw sila ngayon.
02:03Ang intindi ko, walang oras.
02:06So mag-aabang ang pasahero.
02:07Hindi sila makapagbigay ng tamang oras eh.
02:10Nag-pulong na ang Department of Transportation at ibang ahensya para tugunan
02:15ang hamon sa mataas na presyo ng petrolyo.
02:17Isa sa mga tinalakay ang panukalang taas pasahin ng public utility vehicles.
02:22Wala pa rin desisyon ng Malacanang sa pagtanggal na excise tax sa krudo
02:26kahit $123 per barrel na ang Dubai Crude,
02:30lampas sa threshold na $80 per barrel.
02:33Ang sigurado ngayon, pinayagan na ng DOTR ang isa pang round ng targeted assistance
02:38sa pamamagitan ng AICS o Assistance to Individuals in Crisis Situation Program ng DSWD.
02:45Tinitignan natin ano yung mga possible mga implementation arrangements.
02:49We continue to advance yung mga social protection mechanisms para nga matulungan sila.
02:57Tuloy rin ang ibang programa ng pamahalaan.
03:00Bernadette Reyes, Nakatutok, 24 Oras.
03:03Nga matulungan sila.
03:06Nga matulungan sila.
Comments