00:00Naghahain ng not guilty plea si dating House Speaker Martin Romualdez para sa kasong plunder, kaugnay ng flood control scandal.
00:07Pinasahan ng sakdal via video conferencing si Romualdez na nakapiit sa New Quezon City Jail.
00:14Hiningi ni Romualdez sa korte na huwag na sanang basahin ng mismong sakdal at idiretsyo na sa paghahain ng plea.
00:21Ayon sa abogado niya, masyado mahaba ang pagbasa ng sakdal na makadaragdag umano sa stress ng kanyang kliyente.
00:28Pero hindi ito pinayagan ng korte.
00:31Ibinasura rin ang korte ang hiling ni Romualdez na mailipat siya sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City.
00:38Sabi ni Sandigan Bayan Associate Justice Carl Miranda,
00:42mas marami pang ibang persons deprived of liberty na mas malubha pa ang karamdaman kay Romualdez.
00:48Binigyan din si Romualdez ng sampung araw para ipaliwanag kung bakit hindi siya dapat suspindihin bilang kongresista.
00:59Terima kasih telah menonton!
Comments