00:00Magandang gabi!
00:01Nuzon, Visayas at Mindanao.
00:04Sa pamagitan ng video conference ay nag-high ng Not You To Guilty Plea
00:09si dating House Speaker Martin Romualdez sa Kasong Plunder
00:13kaugnay ng mahigit 7 bilyong pisong kickback niya umano sa Flood Control Project.
00:20Ibinasura naman ang Korte ang hiling niyang makonfine sa Veterans Memorial Medical Center.
00:25Nakatutok si Maki Pulido.
00:31Naka-wheelchair at nakadilaw na t-shirt na pang Persons Deprived of Liberty o PDL
00:36nang humarap sa kanyang arraignment si dating Speaker Martin Romualdez.
00:40Pero sa halip na ibiyahe siya sa Sandigan Bayan,
00:42nasa isang kwarto lang siya ng New Quezon City Jail nang basahan ng sakdal ng Clerk of Court.
00:47Habang ang mga magistrado ng Graft Court ay nasa Sandigan Bayan para sa video conference.
00:53Pinayagan niyan dahil ayon kay 3rd Division Chairperson Carl Miranda,
00:56video conference din naman kasi ang preferred mode batay sa circular ng Korte Suprema.
01:02Not guilty ang inihain plea ni Romualdez sa akusasyong kumamal siya na aabot sa 7.4 billion pesos na kickback
01:11sa mga Flood Control Project na pinundohan ng Kabanang Bayan.
01:15Ituraway habang House Speaker siya mula 2022 hanggang 2025.
01:20Kakuntsaba niya umano ang kapo-akusadong si dating Ako Bicol Partylist Representative Zaldi Ko
01:26nung ito ay Chairperson ng House Committee on Appropriations.
01:29At large pa rin ang tatlong iba pang akusado.
01:32Hiningi ni Romualdez sa Korte na huwag na sanang basahin ang mismong sakdal
01:36at idiretsyo na sa paghain ng Kli.
01:38Kasi mahaba yung reading and can add additional stress.
01:42Hindi ito pinayagan ng Korte.
01:44Binibigyan din ang sampung araw si Romualdez para magkomento
01:47kung bakit hindi siya dapat suspindihin bilang kongresista.
01:51We are filing a petition for bail so that the prosecution can present evidence
01:57to show that the continued detention is necessary.
02:01Hindi bailable ang kasong plunder pero maari pa rin siyang payagang pansamantalang makalaya.
02:06Kung sa panahong hiningi ang piyansa, hindi pa kumbinsido ang Korte na malakas ang ebedensya laban sa kanya.
02:12Kumirit pa ang kampo ni Romualdez ng urgent motion for reconsideration for hospital confinement.
02:19Isa sa hiniling nila ay mailipat sana ang dating speaker sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City.
02:27Binasura ng Korte ang mosyong ito dahil malinaw naman daw ang sinabi ng mga espesyalista ng UP Philippine General Hospital.
02:34Magamat may mga iniindang karamdaman ng kongresista, hindi niya kailangang manatili sa loob ng ospital.
02:40Sabi ni Associate Justice Carl Miranda, mas marami pang ibang PDL na mas malubha pa nga ang karamdaman kay Romualdez.
02:48Makipulido na katuto, 24 ora.
Comments