Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

##GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de 


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Dahil sa naiwang chinelas, natukoy at naarest ng isang lalaki na nagnakaw ng baril sa bahay ng isang retiradong hukom
00:06sa Maynila.
00:08Aminado naman ang suspect sa pagnanakaw. May unang balita si Jomer Afresto.
00:16Pumasok sa gate ng bahay ang lalaking yan sa barangay 864 Pandacan, Maynila, pasado alas 8 ng gabi nitong linggo.
00:22Makalipas ang mahigit kalahating oras, may kita ang lalaki na nagmamadaling lumabas ng gate na nakatakip ang mukha at wala
00:29ng suot na chinelas.
00:30May kita rin siyang tumatakbo sa bahagi ng Florida Street.
00:34Ayon sa mga otoridad, ang lalaki sa video, nagnakaw pala sa bahay ng isang retiradong judge na nagkataong wala noon
00:41sa kanyang bahay.
00:42Tinangay daw ng sospek ang customized revolver ng biktima na abot sa 80,000 pesos ang halaga.
00:48Natukoy ang pagkakakilala niya dahil sa naiwan niyang chinelas sa bahay ng biktima.
00:53Ayon sa barangay, kaparehong kapareho ito ng chinelas na suot ng lalaking si Alias Siopaw na nakuhanan sa CCTV noong
01:01nakaraang linggo.
01:01Sabi ng barangay, hindi nila residente ang lalaki pero dati siyang nakikitulog sa abandonadong bahay na katabi ng bahay ng
01:08biktima.
01:09Anila, doon siya dumaan para makapunta sa terrace ng biktima at sinira niya ang bintana roon para makapasok sa second
01:16floor.
01:16Alam niya yung pasikot-sikot noong bahay.
01:19Pero may mga record po siya sa inyo ng pagnanakaw?
01:22Ay marami po. Mapupuno po yung labok po. Hanggang sa pagnanakaw ng baterya, na pulis pa ang ninakawan niya.
01:30Ang naiwan lang daw noon sa bahay ng looban ito, babaeng apo at kasambahay ng retiradong judge.
01:36Nakapagtago ang apo sa banyo kung saan siya nakahingi ng tulong.
01:39Sa follow-up operation ng pulis siya, natunto ng 23 años na si Alias Siopaw sa isang bahay nitong lunes.
01:45Na-abutan namin siya na natutulog na, nagpapahinga.
01:49Hindi na po siya nakalaban. Pinatayo na lang namin siya din.
01:52Binasahan ng Miranda rights kung hindi natin nabawi yung baril niya.
01:56Maaaring gamitin niya sa mas malalang krimen.
01:59Nabawi sa kanya ang baril ng biktima.
02:02Aminado ang sospek sa nagawa at sinabing may kasabwat pa siya sa pagnanakaw.
02:06Siya po ang nagbukas ng bintana.
02:08Sana po sumukurin siya, managot din po siya.
02:12Sana po papatawarin niyo po ako.
02:14Sana po makalaya po ako rito.
02:16Hindi ko na po maulitin yung nangyari po na yan.
02:20Kasi kawawaw po pamilya ko.
02:24Mga anak po asawa ko.
02:25Pero nang i-review ng mauturidad sa mga CCTV,
02:28malinaw na mag-isa lang ang sospek na pumasok at lumabas ng bahay.
02:32Nine quest na siya at naharap sa kaukulang reklamo.
02:35Ito ang unang balita.
02:37Jomer Apresto, GMA News.
02:44Jomer Apresto, GMA News.
Comments

Recommended