00:00The International Criminal Court is now in session.
00:04Rodrigo Roa Duterte
00:14Hiniling ng International Criminal Court Office of the Prosecutor sa Trial Chamber 3
00:18na i-deklarang fit for trial si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
00:22Ayon sa ICC Prosecution, lumalabas sa pagsusuri ng mga eksperto
00:26na kayang humarap sa paglilitis ng dating Pangulo.
00:30Sila rin ang expert panel na sumuri sa kondisyon ni dating Pangulong Duterte sa pre-trial stage.
00:35Sa hiwalay na apela, hiniling din ng prosecutor sa Trial Chamber 3
00:38na dapat manatiling nakakulong ang dating Pangulo.
00:41Ito'y para protektahan ng mga testigo sa kanyang kaso.
00:44Sagot dyan ang kampo ni Duterte,
00:46dapat maglabas muna ng pasya ang Trial Chamber 3 kung fit to stand trial o hindi ang dating Pangulo
00:51bago talakain kung dapat ituloy pa rin ang kanyang pagkakakulong.
00:55Bukas, September 16, ang ikatlong status conference sa kasong Crimes Against Humanity
01:00ng dating Pangulo na nagugat sa drug war ng kanyang administrasyon.
01:05Sa November 30, nakatakda ang simula ng paglilitis.
Comments