Skip to playerSkip to main content
Halos 4% na ng mga kabataan edad 0 hanggang 4 na taong gulang ang obese and overweight, ayon sa datos ng Nationa Nutrition Council.


Ikinabahala ‘yan ng ilang kongresista kaya iminungkahi nila na dagdagan ang buwis ng ilang matatamis na inumin.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Halos 4% na ng mga kabataan edad zero hanggang 4 taong gulang ang obese at overweight.
00:07Ayon yan sa datos ng National Nutrition Council.
00:11Ikinabahala yan ng ilang kongresista kaya iminungkahi nila na dagdaga ng buwis ng ilang matatamis na inumin.
00:19Nakatutok si Tina Panganiban Perez.
00:25Tumataba ho tayo simula 1993 hanggang 2025.
00:30Apat sa kada sampung Pilipinong edad 20 hanggang 59 years old ay obese at overweight ayon sa National Nutrition Council.
00:39Pero ang mas nakakabahala raw ang pagdami ng mga Pilipinong bata na obese at overweight.
00:453.8% na mga edad zero hanggang 59 months o hanggang mahigit 4 taong gulang ang obese at overweight
00:54na.
00:55Isa sa kada sampung batang edad 5 hanggang 10 years old o yung mga nasa school age.
01:00At isa rin sa kada sampung adolescent na edad 10 hanggang 19 years old ay obese at overweight din.
01:08Ang mga bata, hindi sila nakakapagpasya kung anong kakainin nila, kung anong linalagay sa harapan nila.
01:14Ang ating dietary habits ay nagsisimula sa bahay.
01:17Dahil yung sinasabi nating sweet tooth, nanggagaling po yan kung ano yung nakasanayan.
01:22Kasi pag nasanay ang isang bata, behaviorally na laging matamis yung kanyang natitikman,
01:27pagtanda po niya, papasok na siya dun sa datos ng ating mga overweight and obese.
01:33Sinabi ito ng NNC sa pagdinig ng House Committee on Ways and Means at House Committee on Health
01:39kung saan tinalakay ang buwi sa sugar-sweetened beverages.
01:43So looking specifically at sweetened beverages, the 2023 Global Burgeon of Disease estimates
01:49attribute approximately 3,537 deaths and 143,653 disability-adjusted life years
01:58to high consumption in the Philippines.
02:01Dahil sa masamang epekto sa kalusugan, ilang kongresista ang nagpapanukalang dagdagan
02:07ang buwi sa sweetened beverages at dagdagan ang mga produktong bubuwisan.
02:11Mula sa 6 pesos per liter na buwis sa mga inuming ginagamitan ng purely caloric
02:18o non-caloric sweeteners, ipinapanukalang itaas yan sa 9 hanggang 20 pesos per liter.
02:25Sa mga inuming gumagamit ng high fructose corn syrup, 12 pesos per liter ang buwis ngayon
02:32at ipinapanukalang itaas sa 18 hanggang 40 pesos per liter.
02:37Kasama sa mga binubuwisan ang sweetened at powdered juice drinks at carbonated at energy drinks.
02:45Hindi pa binubuwisan ang 3-in-1 coffee.
02:48Excised taxation can effectively discourage excessive consumption of sweetened beverages.
02:56I'd like to propose that we left the exemptions on previously exempt sweetened products,
03:02particularly 3-in-1 coffee and flavored fermented milk.
03:06Sang-ayon ng health at finance departments, nadagdagan ang buwi sa sweetened beverages.
03:13Pero kung ano ang sakop?
03:15Yung 4-flavored milk na pag-alaman po namin na ginagamit po ito ng gobyerno po mismo sa ating mga
03:21nutrition program.
03:23Kaya po inalis po muna namin ang flavored milk.
03:27Ang 3-in-1 po ginagamit po ng mga mahihirap.
03:31Patuloy na tatalakayin ang mga komite ang mga naturang panukala.
03:36Tina Panganiban Perez, Nakatutok, 24 Horas.
Comments

Recommended