Skip to playerSkip to main content
Inaalala ngayon sa iba't ibang pang panig ng mundo ang malagim na pag-atake noong September 11, 2001 na ikinasawi ng halos 3,000 sa New York, Virginia at Pennsylvania sa Amerika. Dalawampu't limang taon matapos ang pag-atake iniinda ng ilang survivor ang pangmatagalang epekto ng trahedya sa kanilang kalusugan.


Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi. .

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Inaalala ngayon sa iba't ibang panig ng mundo ang malagin na pag-atake noong September 11, 2001
00:06na ikinasawin na halos 3,000 sa New York, Virginia at Pennsylvania sa Amerika.
00:1225 taon matapos ang pag-atake, iniinda ng ilang survivor ang pangmatagalang epekto ng tragedia sa kanilang halusugan.
00:20Ating saksima!
00:25September 11, 2001, araw na gumimbal hindi lang sa Amerika, kundi sa buong mundo.
00:369.03 a.m., sumalpok ang hinayjak na United Airlines Flight 175 sa South Tower ng World Trade Center sa
00:44New York City.
00:45Bago ito, ang North Tower ng World Trade Center ang sinalpok ng hinayjak na American Airlines Flight 11, exacto 8
00:52.46 a.m.
00:54Wala pang isang oras, 9.59 a.m.
01:02Nabalot ng usok at debris ang Twin Towers nang tuluyang gumuho ang South Tower sa loob lang ng 10 segundo.
01:17Walang patid ang pag-responde ng New York Pirate Police Departments.
01:24Kaliwat kanan ang paglikas at paghahanap para sa mga mahal sa buhay na nasa loob ng Twin Towers noong mangyari
01:30ang pag-atake.
01:32Tinatayang nasa 16,000 hanggang 18,000 ang nasa loob ng World Trade Center complex noong sumalpok ang unang aeroplano.
01:39I'm trying to save my sister so right because she's in that building.
01:44She's in the World Trade Center.
01:46I can't talk.
01:47I'm sorry, I really can't talk.
01:49Sa kita ng kaguluhan, gumuho rin ng North Tower, 10.28 a.m.
02:04Everybody calm down!
02:06Come on, shoot!
02:08Come on!
02:08To the train station!
02:10Pero hindi pa dito natapos ang banguho ng September 11.
02:14Habang nasusunog ang Twin Towers,
02:16bumagsak ang American Airlines Flight 77 sa Pentagon, 9.37 a.m.
02:2510.03 a.m.
02:27Bumagsak ang United Airlines Flight 93 sa Shanksville, Pennsylvania,
02:3220 minuto ang layo mula sa Washington, D.C.
02:35Hinajack din ang natural aeroplano pero pinasok ng mga pasehero at crew ang cockpit at pumalag sa mga hijacker.
02:42Patay ang 33 pasahero at 7 crew, gayon din ang 4 na hijacker.
02:47Halos 3,000 ang kabuhang bilang na nasawi sa tinaguri ang 9-11 attacks sa Amerika.
02:52Karamihan sa paguhon ng Twin Towers.
02:56Ang binansagang single largest loss of life resulting from a foreign attack on American soil
03:01naging mitsa ng war on terror ni nooy U.S. President George W. Bush.
03:07Oktubre ng taong iyon,
03:09nagsimula ang paglusom ng Amerika sa Afghanistan na tumagal ng dalawang dekada.
03:13Giyat noon na Amerika, isuko ng Taliban ang al-Qaeda leader na si Osama Bin Laden,
03:18ang tinukoy na mastermind ng 9-11 attacks.
03:21Napatay si Bin Laden sa US helicopter raid sa Pakistan noong 2011.
03:26Aabot naman sa 700,000 ang nasawi sa iba't ibang sigalot kasunod ng 9-11 attacks,
03:32karamihan sa Iraq at Afghanistan.
03:37Sa ikadalawang putlimang taong anibesaryo ng mga pag-atake,
03:41inalala sa iba't ibang panig na mundo ang mga nasawi.
03:45Anim na moment of silence ang hiyalay sa National September 11 Memorial Plaza sa New York.
03:51Isa para sa bawat pagpagsak na eroplano at pagguho na naitala noong araw ngayon.
03:57Ikapito ang para sa mga nasawi sa 9-11 related illnesses sa mga nakalipas na taon.
04:02Sa tayarang Centers for Disease Control and Prevention ng Amerika,
04:06halos 400,000 ang na-expose sa iba't ibang toxin malapit sa Ground Zero.
04:11Kasama rito ang mga responder na tumulong sa ilang buwang paglilinis.
04:14Gaya ng New York State Trooper na si Jeff Sikora,
04:18na na-diagnose na may cancer noong 2016.
04:20Ayon sa kanila abogado at sa state police,
04:22may kinalama ito sa kanyang pag-responde sa Ground Zero.
04:26Nasawi si Jeff noong 2019.
04:31Kinulman ng 9-11 attacks hindi lang ang national security policy na Amerika,
04:35kundi pati ang buhay ng maraming Amerikano hanggang sa mga sumunod na henerasyon.
04:41Isa rito ang anak ni Jeff na si Jack,
04:43na ngayon ay bahagi ng grupong tumutulong sa 9-11 victims.
04:47My dad was my hero.
04:49And seeing him lose his life was horrific to me.
04:53We don't want to forget what happened.
04:55And I definitely don't want his story to be forgotten.
Comments

Recommended