00:00Hanggang ngayong gabi na lang mananatili si dating House Speaker Martin Romualdez sa Cardinal Santos Medical Center.
00:05At bukas, ibabiyahin na siya pa Philippine General Hospital habang sakay ng ambulansya.
00:11Saksi, si Maki Puli.
00:15Sa utos ng Sandigan Bayan 3rd Division sa Bureau of Jail Management and Penology o BJMP,
00:22ilipat na sa UP Philippine General Hospital o UPPJH sa Maynila si dating Speaker Martin Romualdez.
00:29Ibabiyahin siya gamit ang isang ambulansya.
00:32Alas 10 ng umaga bukas, itinakda ang medical examination sa UPPJH para independently i-verify ng medical director ng UPPJH
00:41o ng kanyang kinatawan
00:42kung kailangan ba talaga ni Romualdez ng hospital confinement tulad ng sinasabi ng kanyang mga doktor sa Cardinal Santos Medical
00:49Center.
00:50Doon na rin mako-confine si Romualdez hanggang may ibang iutos ang 3rd Division.
00:55Sa linggo, September 13, pinasusumite ng Sandigan Bayan 3rd Division sa mga PJH doktor ang kanilang report.
01:02Sa lunes, September 14, inutusan ng korte si Dr. Ligaspi ng PJH o kanyang kinatawan na magpunta sa Sandigan Bayan
01:10para i-report sa mga magistrado ang resulta ng kanilang medical examination.
01:15Apat na doktor ni Romualdez ang nagsabi sa korte na delikadong ibiyahe ang dating Speaker dahil sa kanyang medical condition.
01:22Ang sabi ng kanyang cardiologist na si Dr. Roddy C,
01:26cardiovascularly stable si Romualdez dahil within range ang mga medical tests sa kanyang puso.
01:31Pero fluctuating o taas-baba ang blood pressure ng dating House Speaker,
01:35bunsod umano ng sobrang stress dahil sa kanyang kinakaharap na kasong plunder.
01:39Sana raw, alin kay C, i-manage muna ang stress ni Romualdez sa loob ng 4-6 na linggo bago
01:45siya ibiyahe
01:46dahil may chance ang maapektuhan ang kanyang puso.
01:49Tumataas din daw ang posibilidad na ma-stroke ito ayon sa kanyang neurologist na si Dr. Rogelio Libarnes
01:56dahil hindi na raw nakatulog si Romualdez.
01:59Maliban sa mga gamot, doble na umano ang dosage ng sleeping pills ni Romualdez.
02:03Sabi ni Dr. Libarnes, mahalagang manatili si Romualdez sa cardinal,
02:07lalo na depressed din ito na pwede rin maaaring magdulot ng stroke.
02:12Paliwanag ng psychiatrist ni Romualdez na si Dr. Lourdes Ignacio,
02:16may depressive disorder, anxiety kasi ang kongresista
02:19at may mga pag-aaral na may epekto ito sa heart and brain condition.
02:23Gihit ng abogado ni Romualdez, walang peke sa mga medical reports ng dating kongresista.
02:29Congressman Romualdez naman is willing to be tested.
02:32Na-establish talaga na meron siyang pre-existing condition, hindi ito pinepeke.
02:36Nang tanungin naman ng korte, tiniyak ng doktor ng DJMP Quezon City Male Dormitory
02:42na handa silang mag-alaga ng psychiatric patient.
02:46Sa ngayon nga raw, nasa apat na po ang kanilang psychiatric patients.
02:50Iniurong ng korte ang arraignment o pagbasa ng sakdal kay Romualdez
02:53maging ang pre-trial mula lunes, September 14, tungong miyerkules, September 16.
02:59Ako si Maki Pulido, ang inyong saksi!
03:02Maki Pulido, ang inyong saksi!
03:02Maki Pulido, ang inyong saksi!
Comments