00:00Arestado ang isang lalaking mensahero sa Quezon City matapos hindi i-deposito ng buo sa banko ang perang ipinakasuyo sa
00:07kanya ng katrabaho.
00:09Ang dapat sana ay 200,000 piso, 50,000 piso lang ang pumasok sa banko.
00:15Balitang hatid ni Bam Alegre.
00:21Arestado ang isang lalaking sinampahan ng reklamong estafa ng kanyang katrabaho.
00:25Base sa investigasyon, messenger siya sa kanilang opisina.
00:28Pinakiusapan daw siya ng katrabaho na mag-deposit sa banko ng halagang 200,000 pesos.
00:34Pakisuyo lang daw ito dahil personal na pera ito ng kanyang katrabaho at hindi sa kanilang kumpanya.
00:39Nung dineposit niya, inantay siya ng complainant para bumalik.
00:45Hindi na siya bumalik.
00:46Numingi rin sila ng assistance dun sa polis natin.
00:50At nung nakita siya sa bahay, nagkaroon sila ng confrontation.
00:57At dun niya ipre-rescent yung transaction slip na nagkakahalaga ng 50,000 lang.
01:04So nung tinanong siya ni complainant, nasaan yung 150,000, dun niya inamin na...
01:09Sabi niya, binayad daw niya dun sa mga personal niyang utang.
01:12Agad nagreklamo ang biktiman na makita na kulang ng 150,000 pesos ang perang i-dineposit ng messenger sa banko.
01:20Ang suspect, hindi na nagbigay ng pahayag pero kinupirma niya sa polis na ginamit niya ang pera sa pagbayad sa
01:25utang.
01:26Gipit lang daw siya matapos matalo ng malaki sa online sugal.
01:29Based dun sa lumalabas sa investigation namin, allegedly, binayad niya sa utang niya.
01:35Personal na utang.
01:37Pero nung tinanong pa namin, ongoing investigation, lumabas na ano rin siya.
01:45Inamin niya na nalulung siya sa online casino.
01:50Nakadetain niya yan sa QCPD Station 12 ang lalaki na nakatakdang isa ilalim sa inquest proceeding.
01:56Bama Lagro, nagbabalita para sa GMA News.
Comments