Skip to playerSkip to main content
Narito ang mga nangungunang balita ngayong September 11, 2026


-China, ilang beses nagpakawala ng flares sa hindi armadong aircraft ng Phl Coast Guard na nagsasagawa ng Maritime Domain Awareness flight

-Rep. Martin Romualdez, ikukulong sa BJMP QC Male Dormitory sa Payatas, batay sa commitment order ng Sandiganbayan 3rd division/ PNP: Rep. Romualdez, hindi "medically fit" bumiyahe kaya wala sa pagdinig ng Sandiganbayan/ Nakalagdang admitting doctor, hindi na-checkup si Rep. Martin Romualdez; Tinawag na hindi pangkaraniwan ang nangyari

-Ilang MV June Aster surviovrs, ikinuwento ang mga pinagdaanan nila para makaligtas/ Mga kaanak ng ilang sakay ng MV June Aster, napasugod sa opisina ng shipping line o nanawagan sa social media/ Atienza Interisland Ferries Inc na may-ari ng nagliyab na barko, tumutulong daw sa mga naapektuhang pasahero at crew

-Nasa 80 seats, kailangang punan sa BARMM Parliament

-COMELEC checkpoints, mas hinigpitan para sa BARMM Parliament Elections sa Sept. 14/ PRO-BAR: 93 ang Areas of Concern sa BARMM; 27 ang nasa red category, karamihan sa Lanao del Sur/ Int'l Election Observers mula sa Asian Network for Free Elections, nasa BARMM para tutukan ang Parliamentary Elections

-Kampo ni VP Duterte, hiniling sa Korte Suprema na resolbahin na ang hiling nilang TRO at writ of preliminary Mandatory Injunction para sa kasong grave threats vs. VPSD

-Reklamong perjury ni Vice President Sara Duterte laban kay Ramil Madriaga, ibinasura

-DOE: Big-time oil price hike, posible muling ipatupad sa susunod na linggo

-PCG: 2 pasahero na nasa manifesto ng MV June Aster, hindi nakasakay nang maglayag ito papuntang Coron, Palawan/ PCG: 84, bilang ng mga hinahanap na sakay ng MV June Aster



Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).


For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!

GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.

For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta

For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Transcript
00:11Transcription by CastingWords
00:33Transcription by CastingWords
01:28Transcription by CastingWords
01:30Transcription by CastingWords
02:07Transcription by CastingWords
02:37Transcription by CastingWords
03:05Transcription by CastingWords
03:15Transcription by CastingWords
03:30Transcription by CastingWords
04:01Transcription by CastingWords
04:03Transcription by CastingWords
04:20Transcription by CastingWords
04:52Transcription by CastingWords
05:27Transcription by CastingWords
05:34Transcription by CastingWords
05:45Transcription by CastingWords
06:15Asper,
06:19Transcription by CastingWords
06:50Lumalag,
06:517-7,
06:537-7,
06:557,
06:567,
06:584,
07:004,
07:004,
07:004,
07:014,
07:014,
07:024,
07:024,
07:054,
07:086,
07:087,
07:086,
07:203,
07:264,
07:295,
07:305,
07:336,
07:376,
07:406,
07:429,
07:438,
07:459,
07:459,
07:4510,
07:4510,
07:4610,
08:14It was a risk for us.
08:16Ang pangisda, sabi nung nag-rescue sa amin is taga Mindoro daw po sila.
08:23Pagputok ng liwanag, ito na ang itsura ng barkong lumayag mula Baseco, Humaynila, pasado las 8 ng gabi noong Martes.
08:32Tuluyan ang natupok, nakasadsad at hindi nakarating sa pantalan ng koron.
08:39Ilang daang kilometro mula sa kinaroroonan ng barko.
08:43Bumuhus ang emosyon ng mga kaanak na mapasero nito.
08:46Marami sa kanila, napasugod sa tanggapan ng Atienza Inter-Island Ferries Incorporated sa Maynila,
08:53ang kumpanyang namamahala sa MD June Astor.
08:56Para sa anumang impormasyon, kaugnay sa nawawan ang mga kaanak.
09:04Ang hirap mag-isap, buhay ba? Patay ba? Ano ba gagawin namin? Hindi ko alam kung anong step yung gagawin
09:12ko ngayon.
09:13Umaasa si Maria Victoria na matutupad pa ang pangako sa ama bago siya sumakay sa barko.
09:20Si Marilu, nakausap pa raw ang live-in partner na si Larry bago ang insidente.
09:25Kino-kumusta lang niya ako kung okay ba ako, kung pagod ba ako dito. Sabi ko okay lang.
09:31Tapos bigla na lang narinig ko na sabi niya may sunog sa barko. Yun na yung last.
09:37Yung usap namin sa cellphone hindi pa namamatay. 10 seconds pa bago namatay.
09:41Parang wala naman pong sunog eh kasi wala pong fire alarm, wala pong gano'n eh.
09:46Halos wala rin tulog ang kaanak ng iba pang nawawala.
09:49Kung ano-anong nasa isip na lang po, hindi ko maasabi kung ano. Kasi nasa isip ko, siyempre kagabi pa
09:55po eh.
09:56Kasi hindi ko maano, nasa isip ko, baka hindi sila naikalabas o natrap sila sa loob ng barko.
10:03Eh nung nalaman ko po yung balita na yun, ay hindi na ako nakatulog.
10:09Kasi kinakabahan na ako nung ano eh. Pero hindi ko pa siya nakikita sa Facebook.
10:13Kaya nagpunta po ako dito para makonfirm lang at kumuha ng update.
10:17Hindi namin alam kung yung kapatid ko nakatalon ba or nasa loob. Yun po yung pinag-alala po namin ngayon.
10:24May mga idinaan sa social media ang paghahanap.
10:27I-alala lang, alala na po kami. Sana po makontak niyo po kami.
10:32Kasi kami po, nagaantay po kami dito kung ano nangyari na po sa kanila.
10:36Gusto ko yan po, humingin ang tulong na makita po ang ating tunya.
10:41Kung sa kanila po, kung nasa loob siya po na noon, ay hindi po kami tawagin or i-message sa
10:49kanil number.
10:50Mag-alas 10 ng umaga, humarap ang staff ng Atienza Inter-Island Ferris Incorporated sa mga kaanak ng mga sakay
10:58ng barko.
10:59Batay sa pag-uusap daw nila, patuloy pa ang imbisigasyon ng kumbanya.
11:03Kinuha raw ang contact numbers ng mga kaanak para masabihin sila kapag nakakuha na ng sapat impormasyon.
11:11Nagpaabot na rin daw sila ng tulong sa ilang kaanak ng mga pasahero gaya ng Lodging at Transportation Service.
11:18Si Myra, nabigyan ng plane ticket papuntang kuron para makatulong sa paghahanap.
11:24Importante po kasi para ano, may mag-asikaso sa kanya doon kasi hindi po namin alam kung wala po siya
11:33sa patay, wala po siya sa buhay ang mga pangalan na nilabas.
11:36Wala po lahat. Hindi namin alam kung nasaan sila.
11:39Nagpunta na rin sa tanggapan ng shipping line ang ilang kinatawa ng Department of Labor and Employment o DOLE para
11:46magsagawa sana ng imbisigasyon.
11:48Pero wala o manong otorizadong kinatawa ng kumpanya ang umarap sa kanila.
11:53Nagpapatuloy ang search and rescue operation sa 86 pang pasahero ng barko.
11:59Ito ang unang balita. Oscar Oida, GMA News.
12:13May 80 seats ang kailangang punan sa BARMM Parliament.
12:19Nahati po yan sa tatlong classification.
12:21Ang Regional Parliamentary Party Representatives na may 40 seats,
12:25Parliamentary District Representatives na may 32 seats,
12:29at Sectoral Representatives na may 8 seats.
12:32Ang mga botante boboto ng tig-iisang Regional Parliamentary, Political Party at District Representative.
12:38Habang 6 naman ang iboboto para sa Sectoral Representatives.
12:42Pinapayagan ang mga botante na magdala ng kodigo ng mga napili nilang kandidato.
12:47Pagkatapos mag-shade sa balota, ipapasukuyan sa mga automated counting machine na magpaprint ng resibo ng kanilang mga ibinoto.
12:55Ayon sa Comelec, target nilang i-anunsyo ang mga mananalong kandidato dalawang araw
13:00pagkatapos ng Election Day sa Lunes, September 14.
13:06Tatlong araw bago ang BARMM Parliamentary Elections,
13:10mas pinaigting ng mga otoridad ang siguridad kabilang ang paghihigpit sa Comelec checkpoints.
13:15Mula sa Katabato City, may unang balita sa Jandy Esteban ng GMA Regional TV.
13:21Jandy, good morning!
13:24Yes, Maris, nasa 93 areas of concern dito sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao,
13:31ang mahigpit na binabantayan bago ang parliamentary elections sa Lunes.
13:40Sa pagpasok sa mga lugar na sakot ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM,
13:47istriktong Comelec checkpoint ang sasalubong sa mga motorista gaya sa Katabato City.
13:52Isa ito sa mga paraan ng pulisya na maging ligtas at patiwasay ang BARMM Parliamentary Elections sa Lunes, September 14.
13:59Ayon sa Police Regional Office Bar, may 93 areas sa BARMM ang isinailalim sa areas of concern.
14:0727 nito ang nasa red category na may mataas na security risk, karamihan sa Lanaudal Sur.
14:14Yung kabuoan natin ngayon is nasa 9,000 to 10,000 na police personnel dito sa buong BARMM ang currently
14:23naka-augment at naka-deploy.
14:26Nakahanda na rin ang mga polis na sinanay bilang Special Electoral Board members kung may hindi makakapag-serve na guro
14:33sa araw ng eleksyon.
14:35Nakahanda rin sila sa pagbigay ng security assistance para ligtas na makatid ang mga automated counting machines at ibang election
14:42paraphernalia
14:43sa 5,212 polling precincts bago ang final testing and sealing sa Sabado, September 12.
14:49Ang focus po natin is yung security, security ng mga tao po na magdadala, maglilipat as well as yung route
14:56security na ipaprovide natin.
14:59Nasa regiyon na rin ang mga International Election Observers mula sa Asian Network for Free Elections o ANFREL.
15:05Isang technical assessment mission ang kanilang gagawin sa Bangsa Moro para masiguro na maging matiwasay at ligtas ang pagboto.
15:13Tututukan ng grupo ang mga report ng kaguluhan at ang kahandaan ng polling centers bago ang araw ng eleksyon.
15:20More than doon sa voter education effort, voter information, yung maramdaman ng tao na ligtas sila sa araw ng halalan,
15:27yun ang pinaka-importante.
15:29Kasi pag tatanungin mo sila, ang concern nila ay syempre yung kaligtasan nila at ng pamilya nila at yung mga
15:35mahal nila sa buhay.
15:36And paano magta-translate into actual governance? Kasi syempre makasaysayan itong Bangsa Moro elections na ito.
15:42At hindi lang ito para sa BORM pero sa pangkalahatang kapayapaan sa ating bansa.
15:52Maris, may deployment din ang polisya sa mahigit o sobra 1,000 polling centers.
15:59Lalo na sa oras na paghahati ng mga automated counting machines at iba pang election parafernalia.
16:05Maris, maraming salamat, John D. Esteban ng GMA Regional TV.
16:13Sa ibang balita, hiniling ng company vice president Sara Duterte sa Korte Suprema na resolbahina ang hiling nilang temporary restraining
16:21order at writ of preliminary mandatory injunction.
16:24Para po yan sa kasong grave threats na isinampan ng Department of Justice sa Quezon City Regional Trial Court laban
16:31sa vice-presidente.
16:32Inihain ang urgent motion para dyan itong lunes, ilang araw bago ang arraignment na nakatakda naman ngayong araw.
16:39Kinumpirma ng kampo ng vice ang inihain petisyon na anilay hamon sa kakayanan ng DOJ at Quezon City RTC na
16:46litisin ang vice na isang incumbent impeachable officer.
16:50Naharap sa kasong grave threats ang vice dahil sa umunoy bantanyang ipapatay si na Pangulong Bombo Marcos, First Lady Liza
16:58Araneta Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez kung papatayin daw siya.
17:03Sa pagbasa na sakdal ngayong araw, dadalorao ang vice-presidente dahil required ito sa batas.
17:13Ibinasura ng Taguig City Prosecutor's Office ang reklamang perjury ni Vice President Sara Duterte laban kay Ramil Madriaga na nagpakilalang
17:21dating aide at bagman umano ng BC.
17:23Ayon sa piskal, dahil po yan sa kawalan ng prima facie evidence o paunang ebedensya bilang batayan upang mahatulan ang
17:31inirereklamo sa korte.
17:32Ang reklamang perjury ay pagsisinungaling sa sinumpaang salaysay. Nagugat ang reklamo sa affidavit ni Madriaga kung saan nakasaad na nag
17:40-deliver siya ng milyong-milyong pisong confidential funds, bagay na kinontra ni Duterte sa kanyang reklamo.
17:47Napasinungalingan daw ang mga sinabi ni Madriaga sa pamamagitan ng mga sertifikasyon mula sa Presidential Security Command at iba pang
17:54tanggapan.
17:55Ayon sa piskal, hindi sapat na nagharap ng ebedensya ang kumukontra sa sinabi ni Madriaga. Dapat daw ay nagsumiti ang
18:02nagre-reklamo ng patunay na batid ng respondent na hindi totoo ang kanyang pinanumpaan.
18:08Ang kampo naman ni Duterte tinawag na political decision ang naging desisyon ng piskal.
18:13Iginiit nila na ang mga isumiti nilang ebedensya ay malakas na patunay na nagsisinungaling si Madriaga.
18:19Hindi raw sila magpapatinag at gagawin nila ang lahat ng legal na hakbang kaugnay nito.
18:25Tuloy pa rin daw ang ikalawang perjury complaint laban kay Madriaga.
18:30Sa isang pahayag, sinabi naman ang abogado ni Madriaga na ang pagbasura sa reklamo ay mahalagang pagpapatunay raw ng posisyon
18:37ni Madriaga.
18:42Posible yung big-time oil price hike na naman ang ipatupas sa susunod na linggo.
18:47At kaugnay niyan, mga kapanayan po natin sa Department of Energy, Oil Industry Management Bureau Director, Atty. Rino Abad.
18:53Atty, maganda umaga po sa inyo. Si Maris po ito.
18:57Good morning, Ma'am Maris at sa ating mga kababayan po.
19:00Una po sa lahat, ano po ang oil price projection natin ng DOE para sa susunod na linggo?
19:07Tuloy pa rin ang nakikita nating increase for next week for gasoline, diesel, and kerosene.
19:14By how much?
19:17By how much, sir?
19:20Well, nag-i-estimate po tayo sa apat na trading days pa lang. May Friday pa tayo.
19:26Ang gasolina po ay aabot po ng 4 peso per liter.
19:32Ang diesel at kerosene, aabot po tayo ng 2 peso per liter.
19:37Alright. Ano pong dahilan na posibleng big-time oil price hike po?
19:41Well, tuloy pa rin yung nakaraang sitwasyon, no?
19:45Last week, no active peace negotiation.
19:49Merong ongoing operation, isolation, no?
19:54Yung outcast yung U.S.
19:57At medyo nadadagdag rin, Ma'am Maris, no?
19:59Nung problema nitong Red Sea.
20:03Meron pong ongoing na arm conflict na rin doon sa Red Sea side.
20:09At ito ho, critical dahil doon ho ang labas nung export ng Saudi Arabia,
20:18around 5 to 6 million barrels per day.
20:20Despite na sarado yung Strait of Hormuz, may petrol line ho sila.
20:26That's the bypass nila na line, na pipeline, para maiwasan yung Strait of Hormuz.
20:36But then again, dito sa Red Sea, may mga hutis ho na problema,
20:40which is said to be aligned with Iran.
20:44So, kalaban naman ho ito ng Saudi Arabia.
20:48So, the problem is, yung southernmost, yung part ng expet papuntang Asia.
20:56Otherwise, pag nasara ho yan, lilibot na ho yung mga shipping company papuntang Africa, no?
21:04Papuntang Cape of Good Hope at saka bababa dito sa Asia.
21:09Asia, and that's, oh, magiging twice na yung duration ng mga almost more than 60 days,
21:18mga 2 months na instead of just 25 days lang.
21:22So, yun ang mga malaking problema at yun ang tuloy-tuloy na nagkukos talaga,
21:28itong tatlong sinabi ko, na nagkukos talaga ng problema sa pataas na price natin.
21:34Opo, pero sa ngayon po, meron pa naman tayong reserva.
21:37O gaano po ba yung karami, yung reservang gas at diesel ng ating bansa,
21:41at sapat po ba ang supply pa natin kahit na ganito nga dumobli na yung haba ng biyahe ng supply
21:48natin?
21:49Well, dahil hindi yung shutdown nung dito sa case ng Red Sea,
22:01tuloy-tuloy pa rin naman ang paglabas.
22:03Yun nga lang, nagiging expensive na yung, siguro brought about by mataas na yung insurance,
22:12mataas yung risk ng mga shipping company,
22:14kaya tumataas na rin.
22:16Yun ang nagbubunsod ng yung pangamba din,
22:19pero actual disruption, hindi pa naman siya nakasarado gaya ng Strait of Hormons,
22:24itong Bob L. Mandeb Strait.
22:28So, hindi pa po tayo nagkakaroon ng supply problem now,
22:32pero dahil sa risk ng shipping companies,
22:36nung pangamba ng dala ng speculation,
22:40tumataas po, ito pa rin ang nagkukos ng pagtaas ng price.
22:43Very quickly, sa LPG, presyo po, tataas din?
22:47Well, sa LPG, monthly ho ang ating adjustment.
22:52So, for now, sa September,
22:53meron ho tayong na-adjust na 40 centavo per kilogram.
22:59Na-annunso ito noong September 1.
23:01Ah, okay.
23:02Medyo wala pa ho tayong...
23:04Dagdag.
23:04...Saudi Aramco's contract price.
23:07Nangyayari lang ito, mamari, sa mga katapusan ng buwan.
23:11So, doon natin malalaman kung ano magiging adjustment naman for October.
23:15Alright, maraming maraming salamat po,
23:17DOE Oil Industry Management Bureau Director Atty. Rino Abad, sa inyong panahon.
23:22Ingat po.
23:23Magandang umaga ulit.
23:24Good morning.
23:26Dalawang pasaherong nakasulat ang pangalan sa manifesto
23:30ng nasunang barkong MB June Aster
23:32ang hindi nakasakay ng maglayag ito papuntang Koron, Palawan,
23:37ayon sa Philippine Coast Guard.
23:39Live na sa Maynila, may unang balita si Gabriel Gonzalez.
23:42Gabriel.
23:46Igan, as of 6.30 a.m.,
23:4984 na lamang na mga pasahero
23:52ng nasunog o nasusunog na MB June Aster
23:55ang hinahanap ayon sa Philippine Coast Guard
23:58mula yan sa inisyal na 86 base sa manifesto.
24:04Ayon kasi sa tagapagsalita ng PCG na si Komodor Noemi Kayab-Yab,
24:09nag-report sa mga otoridad ang dalawang pasahero na hindi raw nakasakay ng nasabing barko
24:15kahit nakasulat ang kanilang pangalan sa passengers' manifest.
24:18Lumapit umano sa International Container Terminal.
24:22Dito sa Maynila ang dalawang pasahero ang nakasulat ang pangalan sa manifesto
24:26pero hindi nakasakay sa MB June Aster noong araw na masunog ito sa karagatang sakop ng Koron, Palawan.
24:33Dahil diyan, ayon sa PCG, ay 84 na lamang ang potentially missing
24:38mula sa inisyal na 86 na pasahero.
24:42Hindi pa malinaw kung nasaan yung dalawang pasahero na lumapit.
24:47Nagpapatuloy niya ang search and rescue operation sa mga nawawalang pasahero at tripulante ng barko.
24:53Target daw ng ahensya na makasampan na sa barko para magsagawa ng firefighting operations
24:58lalot umuusok pa rin daw ito as of 6.30am.
25:02Nauna nang sinabi ng ahensya na iniimbestiga ng lahat ng anggulo sa pagkasunog ng barko.
25:08Masa ang PCG na marami pang matatagpo ang buhay
25:11pero hindi rin isinasantabi ang malagim na posibilidad na marami ang hindi nakaligtas.
25:20Dahil kahapon, mayroon po pumunta sa ating ICT na dalawang initially pasahero na nasa manifesto
25:28pero hindi po nakasakay.
25:30So bumaba po ang ating ilang ngayon from the yesterday's and then 86
25:35na possible missing na yun na po ay 84.
25:38And the intention po ngayon ng ating mga responders
25:43ay mag-on-board po to conduct firefighting sa barko.
25:53Iganyan muna ang unang balita mula rito sa Baseco, Maynila.
25:57Gabriel Gonzalez, GMA News.
Comments

Recommended