00:00Binaliktad ng Korte Suprema ang hatol na guilty ng Sandigan Bayan kay dating First Lady, Imelda Marcos sa seven counts
00:07ng graft.
00:07Sa hatol ng Sandigan Bayan noong November 2018, nakasaad na habang siya ay nakaupo bilang miyembro ng Batasang Pambansa,
00:15Governor ng Metro Manila at Minister of Human Settlements, nagkaroon umano si Ginang Marcos ng pinansyal na interes
00:21at lumahok sa pamamahala ng pitong Swiss foundations na itinatag para pakinabangan ng kanyang pamilya.
00:29Sa ilalim ng Republic Act No. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act,
00:35ipinagbabawal sa isang public officer na magkaroon ng direct o indirect financial interest sa anumang negosyo, kontrata o transaksyon.
00:44Pero sa desisyon ng Supreme Court 1st Division, sinabi nito na hindi na-authenticate ng maayos ang mga dokumento mula
00:52Switzerland.
00:52Hindi rin daw nakapag-presenta ang prosekusyon ng mga mapagkakatiwala ang testigo para patotohanan na ang mga foundation ay mga
01:01negosyo.
01:02Hindi sakop ng desisyong ito kung ill-gotten ba ang mga asset na nasa Swiss Foundation.
01:09Hiwalay na civil case kasi ito.
01:11Wala pang bagong pahayag ang kampo ni Ginang Marcos tungkol sa desisyon.
01:16Ikinadismaya naman ang August 21 movement o Atom ang desisyon ng Korte Suprema.
01:22Sabi ng grupo, ang mga garitong desisyon ang dahilan kung bakit wala pa rin nakukulong na Marcos.
01:28Hindi raw titigil ang kilusan hanggat hindi na iwawasto ang kasaysayan na anilay binago ng mga administrasyong Marcos at Duterte.
01:36Paalala nila sa Korte Suprema, lahat ng kapangyarihan at otoridad sa bansa ay nanggagaling sa mamamayang Pilipino.