00:00Kinaharap ng Sandigan Bayang 3rd Division ngayong araw ang apat na doktor ni Leyte 1st District Representative Martin Romualdez mula
00:07sa Cardinal Santos Medical Center.
00:09Kaugnay po yan sa hiling ng kampo ni Romualdez na manatili sa ospitalang kongresista.
00:14Inayahanda naman ang ombudsman ng PNP General Hospital sakaling pumayag ang korte na ilipat doon si Romualdez.
00:22May unang balita si JP Soriano.
00:28May hospital bed, aircon at sariling CR.
00:32Ang nagsisilbi nitong pintuan, rehas.
00:35Ito raw ang magiging kwarto ni dating House Speaker Martin Romualdez sa PNP General Hospital sakaling pumayag ang Sandigan Bayan
00:42na ilipat siya roon.
00:43Gusto raw kasi ng PNP na mailipat sa kanilang pustudiya ang kongresista habang wala pang commitment order.
00:50Maghahain sila ng mosyon sa Sandigan Bayan 3rd Division kaugnay nito.
00:55Ang Sandigan Bayan naman naglabas ang sopina para sa apat na doktor ni Romualdez sa Cardinal Santos Medical Center.
01:02Pinadadalo sila sa pagdinig para matanong under oath at matukoy kung saan ikukulong si Romualdez.
01:07Base sa report ang Sandigan Bayan Sheriff, sila ang nagsabing delikadong ibiyahe ang kongresista dahil sa iniinda niyang medical kondisyon.
01:17Pinaharap din si Romualdez kung kakayanin ng kanyang kondisyon.
01:21Nauna nang naghain ang motion for hospital confinement ang mga abogado ni Romualdez na nagsasaad na kailangan ng dating speaker
01:28ng continuous monitoring dahil sa kanyang kalusugan.
01:32Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, hihingin nilang isang team ng government doctor ang mag-a-assess kay Romualdez para
01:39tignan kung kailangan ba talaga nito ng hospital confinement.
01:43Dahil kung hindi naman, hihingin daw ng prosekusyon na maidipat agad siya sa regular na kulungan.
01:49Imbitado rin sa hearing ang warden at doktor ng BJMP Men's Dormitory na maaaring matanong tungkol sa kanilang kakayahang magbantay
01:57ng kalusugan ng isang person deprived of liberty o PDL.
02:02Sa ngayon, mananatili sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan si Romualdez.
02:07Sa latest medical bulletin na inilabas ng PNP, sinabi nitong tapos ng dumaan ang dating speaker sa mga kinakailangang diagnostic
02:14procedure.
02:15Tumanggi namang magbigay ng anumang update ang mga abogado ni Romualdez para hindi raw ma-preempt ang pagdinig.
02:22Ito ang unang balita, JP Soriano, GMA News.