00:00Unti-unti namang nalulubog sa baha ang bahagi ng Tanawan at Kwenka sa Batangas na malapit po sa Taal Lake.
00:06Habang umuulan kasi dahil sa kabagat, umaapaw naman ang lawa.
00:11Nakatutok doon live si Dano Dingbuk.
00:14Dano!
00:19Emil, ilang lugar nga sa Batangas na nasa baybayin ng Taal Lake ang binabaha ngayon dahil sa paglaki ng lawa
00:26ng Taal.
00:26Kasama rito ang mga bayan ng Tanawan at Kwenka.
00:34Abot 20 ang baha sa barangay Ambulong sa Tanawan, Batangas na nasa gilid ng Taal Lake.
00:40Ang mga kubong ito pinasok din ng tubig.
00:43Lubog din sa baha ang covered court ng barangay at hindi madaanan ng ilang kalsada.
00:49Ayon sa lokal na pamahalaan, tumaas ang antas ng lawa dahil sa malalakas na pagulan.
00:53Nauna nang nagbabala ang grupong Taal Lake Aquacultural Alliance na nanganganib na umapaw ang Taal Lake.
01:01Sa barangay Don Juan sa bayan ng Kwenka, sarado ang daan dahil sa malakas na ulan.
01:07Kaya para makapunta sa coastal community na ito, kinilangang bumagtas ng halos 2,000 baitang ng hagdan pababa.
01:15Pagdating sa bay bayan, pinasok na ng tubig ang multi-purpose hall ng barangay.
01:19Ngayon lang daw ito nangyari sa kanilang lugar.
01:22Ngayon lang ang panahong ito. Pumasok ng lampas.
01:26Lampas sa hagdan eh. Pumasok ngayon.
01:29Gawa nga ng ulan. Sa dating ng lakas ng ulan, nadagdaga ng tubig ng dagat na yan.
01:36Dito sa San Juan, kinain na ng lumaking lawa ng Taal ang bay bayan.
01:41Ang kwento sa atin, noong mga taga-barangay dito sa Don Juan sa Kwenka,
01:46eh diba nakikita ninyo yung puno na yan.
01:48Hindi daw yan bakawan. Kahit mukha siyang bakawan ngayon.
01:53Talagang balete yan, puno ng balete at yung paanan yan, yung lupa niyan, lupa talaga, buhangin talaga.
01:59Pero dahil nga naipit yung tubig daw dito sa lawa, dahil nga sa tuloy-tuloy na pagulan at wala nga
02:08tutuluyan yung tubig para lumabas ulit yung buhangin,
02:12ngayon mukha siyang bakawan.
02:14Hindi lang yan ang problema nila.
02:17Ang problema nila dahil wala na nga buhangin o nasakop na ng tubig yung buhangin dito,
02:22wala na rin pagdadaungan ng bangka, kaya mahigit isang buwan na rin daw na walang nakakapangisda dito.
02:29Dating inaalala ng barangay ang peligro ng paguhon ng lupa na huling nangyari noong 2024 at may mga nasawe.
02:36Ngayon, dumagdag sa alalahanin nila ang pagpasok ng tubig sa kanila mga bahay.
02:40Sa kauna-una ang pagkakataon nga, nga ngayon nangyari ito.
02:45Yung dulot ng habagat na kung saan talagang maraming baybay ang sobrang taas ang inakita tubig.
02:56Nandun yung tubig, pero kita niyo mga apatang metro siguro.
03:00Sabi ng matatanda ni isa pa naginip, hindi namin nakalain.
03:04At ngayon nga, pinakamasaklap dito sa amin, kita niyo wala na kami pagtasa ng bangka.
03:09Wala na daanan ng mga tao na kung saan dati ang buhangin, nandun dumadaan ng mga tao.
03:13Wala na, kung tawagin, aplaya. Wala na ng aplaya. Talagang puro tubig na.
03:18Nakikitang dahilan daw ng barangay ang pagsara ng Pansipit River na dating daanan ng tubig mula sa lawa.
03:24Kaya pakiusap nila sa national at provincial government magsagawa ng dredging at muling buksan ng ilog para may madaanan ng
03:31tubig.
03:32At hindi na nito sakupin pa ang mga bahay sa baybayin.
03:35Bilang naninirahan dito sa baybay, yung landslide, yung talagang number one na kinatatakutan namin.
03:42Dahil siguro naman niyo, kita niyo ang aming lugar, napakababa, mababa ng bundok.
03:48At itong aming lugar ay talagang tabi na ng dagat.
03:52Na kung saan nga sabi ko, patuloy ang pagtaas ng tubig dahil patuloy ang ulan.
03:59Dahil sarado ang Pansipit River.
04:01Nananawagan naman kami, sana ang aming provincial government, sa pamagitan ng provincial governor,
04:09na bigyan lunas naman yung problema namin sa Pansipit River.
04:14Yung mga konser na tao na may kapangyarihan, na maipatupad ang batas ng dredging,
04:22sana matulungan kami dahil wala nang manging isda dito na nakakapangisda dahil wala nang doon ng bangka.
04:36At Emil, sa buong maghapon dito sa puwesta natin, sa Bayan ng Cuenca, sa Batangas,
04:41particular sa Barangay Don Juan, maghapon tayong sinalubong ng pagulan,
04:48minsan humihina, minsan lumalakas, pero hindi talaga tuluyang tumitigil, Emil.
04:53Maraming salamat, Dano Tingkungko.
04:56Maraming salamat, Dano Tingkung.
Comments