Skip to playerSkip to main content
  • 2 months ago
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.          

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de 


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:03Isang Chinese ang arestado dahil sa umunay paggamit ng gadget na kayang kumunekta sa mga cellphone sa paligid.
00:10Ginagawa raw yan para sa text cam.
00:13Panoorin ang balitang hatid ni John Consulta para huwag maging biktima.
00:21Sa likod ng kotseng ito na sinundan ng NBI Special Action Unit sa General Tries Cavite, tumambad ang isang gadget
00:28na kayang kumunekta sa mga cellphone sa paligid nito.
00:32Ito yung International Mobile Subscriber Identity o MC Catcher na nahuling inooperate ng isang Chino na nag-iikot sa Pasay
00:40City at Cavite.
00:41Ito yung nagkumukopia na parang signal na siya ng tower kung saan pumapasok yung mga cellphone, yung signal ng cellphone
00:48na maaaring gamitin ito para kunin yung mga information, kunin yung data ng credit card ninyo na ginagamit ito pag
00:55scam.
00:56Nakakabagawa din ng text blast na nagmimimik siya, kinukopia niya parang ibang number.
01:01Ang MC Catcher ng Dayuhan nagpapakanat-umuno ng text message na may link na nagsasabing bibigyan ng 25,000 pesos
01:09ang nakatanggap ng mensahe.
01:11Kapag tinap ang link, mabubuksan ng isang peking website ng banko na kukuha sa lahat ng detalye ng target na
01:19biktima.
01:19Ang mga ito ang gagamitin ng scammer para mapasok ang bank account.
01:24Wala pang reaksyon ng Chinese. Nakakasuan ang possession of devices, technology, cybercrime at financial fraud.
01:31John Consulta, nagbabalita para sa GMA News.
01:4225 candidates but there can only be one queen. Yan ang nga abangan sa upcoming GMA Pictures movie na Red
01:49Ground.
01:51Tampok sa satirical comedy film ng Sparkle Stars at real-life Sparkle Beauty Queens.
01:56Kabilang si Nasanya Lopez, Faith De Silva, Ashley Ortega, AZ Martinez, Shuvie Etrata,
02:08pati si na Michelle D, Herline Budol, Atisa Manalo, Gazzini Ganados at Ara Arida.
02:16Kasama rin si MJ Lastimosa at marami pang iba.
02:20Labanan sila ng beauty, wit, glamour at ambition sa ngalan ng Red Ground.
02:27Mapanood na yan sa Big Screen this October.
02:41Kasunod ng lampastawang pagbaha sa Rodriguez Rizal, may panawagan ng kanilang alkalde sa National Government para sa mga bahaing lugar.
02:49Ayon naman sa ilang eksperto, ang pagbaha sa Rodriguez ay may kinalaman sa climate change at topografiya ng lugar.
02:56Balita ng ating Dimaki Pulido.
03:02Makapal na putik ang iniwan ng lagpastaong baha sa malaking bahagi ng Rodriguez Rizal, kasunod ng pananalasa ng habagat nitong
03:09weekend.
03:10Sabi ni Rodriguez Mayor Ronnie Evangelista, imbudo kung may tuturing ang kanilang lugar, kaya natural na bahain.
03:17Sa mapa ng UP Resilience Institute, sa panahon ng tag-init, ganito ang itsura ng Rodriguez.
03:23Ang mga kulay azul ay mga ilog at sapa na dinadaluyan ng tubig mula sa bundok.
03:29Kung bumuhos ang malakas na ulan sa kabundukan, tulad ng nangyari nitong weekend, aapaw ang mga sapat ilog papunta sa
03:37floodplain.
03:38Dahil tinayuan na ng mga bahay at gusalyang floodplain, maraming binabaha.
03:43Kita nga sa mapang ito kung paanong lumapad ang kulay azul.
03:46I think that's what happened there. Heavy rainfall, it went down the slopes, a long rivers, surface runoff.
03:54Na-overwhelm yung mga sapa, yung mga ilog, nag-overtop.
03:58Pumunta doon sa floodplains where the communities are built.
04:03Dahil sa climate change, mauulit pa ito.
04:05Because of climate change, we have been observing that those big flood events that happen rarely, probably once in our
04:16lifetime, happens now more frequently.
04:20Maybe once every five years, once every ten years.
04:24Solusyon na nakikita ng Alkalde ng Rodriguez.
04:28Pag-aralang mabuti ang flood control projects.
04:30Kaya panawagan niya sa gobyerno.
04:32Let us re-study the flood control projects.
04:36Kung ito ba ay nakaka-contribute sa pag-east ng flood or baka mamaya nakaka-contribute siya sa flood.
04:44Kasi seemingly, hindi siya nakakatulong eh.
04:49Suwestiyon din niya sa binakangpabahay ng gobyerno, magtayo ng second floor ang mga residente.
04:55Hiling din niya sa national government kapag nagtayo muli ng mga pabahay sa lugar.
05:00Gawing ano na, gawing two-story na yung lahat ng mga flood prone areas.
05:08Two-story na yung mga magpapano ng housing, magpapagawa ng mga subdivision.
05:13Dapat two-story na.
05:15Kasi hindi kakayanin lahat ng evacuation center.
05:19Para kay Lagmay, hindi raw makakatulong ang simpleng dike lang.
05:23Mas makakabuti raw kung magpatupad ng zoning para iiwas na ang mga komunidad sa mga flood plain.
05:30Sa mapa, dapat daw ang tinatayuan lang ay yung kulay puti.
05:34Kasi if we will be experiencing this kind of scenario, especially with climate change, that it's going to be more
05:42frequent,
05:43ang magyayari ay paulit-ulit na ang daming losses and damages.
05:48Magsasuffer ng paulit-ulit yung mga tao.
05:51Makipuli doon nagbabalita para sa GMA News.
05:55Kaugnay ng overcapacity sa ilang ospital dahil sa leptospirosis cases.
06:00Makakapanayan po natin si Dr. Mark Steven Kapungkol,
06:04Response Division Chief ng Health Emergency Management Bureau ng DOH.
06:09Magandang umaga at welcome po sa Malitang Hali.
06:12Magandang umaga, Connie, at sa lahat ng nakikinig at nanonok.
06:15Ano na po ang update o sitwasyon sa mga ospital sa sinasabing overcapacity?
06:19Dahil pa rin po sa naitatalangkaso ng leptospirosis.
06:23Yes, Connie.
06:24Sa ngayon po, may pressure pa rin sa ilang DOH hospitals sa NPR.
06:29Lalo na sa mga hospital kung saan concentrated ang leptospirosis admission.
06:33Sa latest tracker po natin, meron tayong nakitang 526 current admissions at 33 po ang pending admissions.
06:42May ilang facilities na nasa lampas na sa kanilang designated leptospirosis bed capacity.
06:49Kaya doon talaga mas ramdam po ang surge.
06:51Pero mahalagang linawin po natin na hindi ibig sabihin nito na puno na po ang buong hospital system sa NPR.
06:58Actually, meron po tayong nakitang 77 available leptospirosis beds.
07:03Pero ito ay nasa ibang facility.
07:05Kaya ang ginagawa natin ay aktibo pong referral at redistribution ng patient para hindi lahat mapunta sa ilang hospital lamang.
07:13So yun po.
07:14Dahil po diyan, hindi po ba nagkaroon din kayo ng partnership sa mga private hospitals para sa dagdag na bed
07:22capacity?
07:23If I understand correctly, meron pong nakalaan na 50 beds for each of the partner hospitals po sa private?
07:33Actually, yes po.
07:34Noong kauupo pa lamang po ng aming secretary, secretary Mercado, nagkaroon po bahagi po ng response natin ang patikipag-ugnayan
07:45sa mga private sector,
07:47particularly sa mga private hospitals, para makatulong po sa referral at redistribution ng patients kapag mataas na ang load ng
07:54government facilities.
07:55Actually, hindi lamang po para sa leptospirosis.
07:58Kundi it's a network-wide approach po.
08:00Hindi lang DOH hospitals ang sinitingnan natin, kundi kung saan may available at appropriate capacity para mas ma-accommodate po
08:07ang pasyente.
08:08Patuloy din ang coordination natin with LGUs and other partners para mas mabilis po na ma-address ang needs sa
08:14ground.
08:14Pero paglilinaw lang po, kahit na mapunta po sila doon sa mga partner na private hospitals,
08:19nasa zero billing pa rin po sila under po ng ating pamahalaan na programa?
08:24Yes po. It's under the zero balance billing po ng ating PhilHealth.
08:28Okay, so dapat wala silang bayaran kahit na nasa private po sila na hospital.
08:33Sa ngayon ho ba, may mga nakikita pa rin kayong significant na pagtaas po ng kaso ng leptospirosis sa mga
08:38hospital?
08:39Kasi po, hindi ho ba parang 15 days ang ating tinitignan or even more doon po sa paglabas po ng
08:47mga sintomas?
08:48Since nagkaroon po tayo ng mga pagbaha last week.
08:51Hmm. Actually po, sa latest hospital monitoring natin, mataas pa rin po ang burden ng leptospirosis.
08:57Pero hindi po natin masasabi na may panibagong significant increase ngayon, no?
09:01Based sa latest snapshot lamang.
09:04So in fact, kung ikukumpara po natin sa previous tracker natin, halos stable ang bilang ng current admissions or nasa
09:09platu po.
09:10Although may mga pasyente pa rin naghihuntay ng admissions at patuloy ang bagong consultation.
09:14So in fact, when we visited San Lazaro Hospital, the medical center chief doon, nagsabi sa amin na nag-peak
09:22na sila noong August 31.
09:24I see.
09:25But that was due to the previous episodes ng flooding.
09:29So dahil lately, nagbaha na naman tayo.
09:33So titignan natin kung itong sustained high numbers or are sustained yung number or mag-i-increase or baba-baba.
09:40Dahil din naman, naging proactive na tayo sa pamimigay ng ating prophylaxis at sa pagpapaiting ng ating mga advisory.
09:50Okay. Gaano ba katagal nananatili ang isang pasyente po na may leptospirosis bago tuluyang gumaling o kaya makalabas po ng
09:57ospital?
09:58Depende talaga sa severity po ng leptospirosis. Walang iisang bilang ng araw na applicable sa lahat ng pasyente.
10:05At depende po kung may komplikasyon na nangyari.
10:08May mga pasyente na maagang nakakapagpakonsulta, maagang nabibigyan naman ng treatment at walang severe complications.
10:14Kaya mas mabilis po ang kanilang recase.
10:16Pero may iba naman po na nagkakaroon ng kidney involvement, kailangan ng dialysis,
10:21o nagkakaroon ng ibang complications affecting yung ibang organ natin, such as the lungs, liver, saka puso.
10:28So sa ganitong cases, natural na mas matagal po ang hospitalization.
10:32Kaya ang paulit-ulit po nating mensahe sa publiko, huwag hintayin na lumala ang sintomas bago magpakonsulta.
10:39At compared po sa same period last year, mas mataas po ba yung kaso ngayon?
10:45Ang nagkaroon po ng leptospirosis at saka yung mga deaths po.
10:49Actually, both deaths po at saka yung cases, mas mababa po kesa sa last year.
10:55Nang 19% ang ating kaso ngayon kesa po sa same period last year.
11:02I see. At tayong mga ibang health emergency cases, meron ba tayong problema ngayon dahil pa rin sa pagdagsa
11:08nitong mga may kaso po ng leptospirosis?
11:12Patuloy pa rin po ang ating essential at emergency medical services sa mga iba't ibang hospital.
11:17Ang leptospirosis, sa totoo lang po, it really did put additional pressure on the beds,
11:23on the health workers, at specialized services natin.
11:25Pero hindi naman po humihin ito ang ating mga servisyo para sa ibang emergency patients.
11:30Dahil dyan, nag-o-augmentin tayo ng mga health personnel sa high burden hospitals
11:35at patuloy po na minomonitor ang emergency services, yung capacity ng dialysis, medicine, and supply.
11:41So, ang objective po natin ay matubunan ang leptospirosis surge
11:44na hindi na-compromise ang care para sa ibang emergency naman po.
11:48That's good to know. At syempre, ang tanong po, yung paparating pa, di ba, ng mga pag-uulan.
11:54Yan pa rin po ba ang inyong gagawing paghahanda sa mga susunod na araw
11:59regarding po sa pag-aasikaso sa mga pasyente?
12:03May leptospirosis man o iba pang mga sakit?
12:06Yes po. Actually, ang naging approach na po ngayon ng DOH ay anticipatory at proactive.
12:13Meaning, hindi natin hinihintay na makuno muna ang hospital
12:16o dumami muna ang mga kaso bago tayo pumilos.
12:18Sa community level pa lang po, tinutukoy na natin ang mga lugar na posibling bahain
12:23which is, we have issued already a policy on that
12:26na tukuyin ang mga lugar na posibling bahain at mga populasyon
12:31na maaaring magkaroon ng exposure.
12:33At base po doon, pinaplano at pinuposition natin yung doxycycline,
12:38yung health team, yung screening at prophylaxis activities natin
12:42lalo na sa mga lugar na mataas po yung risk.
12:44May distribution din po ng doxycycline sa evacuation centers
12:47through our deployed HRH or yung mga human resource for health natin
12:51in coordination with the local government units.
12:53Sa hospital level naman po, tuloy-tuloy pa rin yung pass lane natin,
12:57yung case tracker natin, yung monitoring ng beds,
13:00at pending admission para po ma-redistribute natin
13:03ang mga patient na kailangan po ng agarang atensyon.
13:07May regular din tayong coordination sa mga hospital, sa mga LGU.
13:11Actually, bukas po may meeting tayo, may meeting tayo with NPR na mga mayors po
13:16para maagang makita yung saan tumataas at ang demand.
13:21Makakapag-position po tayo ng mga resources bago pa magkaroon
13:24ng mas matinding pressure sa hospital kapas.
13:27Marami pong salamat sa inyong update sa amin.
13:30Marami salamat po, Connie.
13:31Yan po naman si Dr. Mark Steven Kapungkol,
13:34Response Division Chief ng Health Emergency Management Bureau ng DOH.
13:40Iniutos ni Pangulong Bongbong Marcos
13:42ang mabilis na pagsasayo sa dalawang tulay sa Tarlac City na nasira
13:46sa kasagsagan ng masamang panahon.
13:48May ulat on the spot si EJ Gomez.
13:50EJ?
13:56Rafi, binisita ngayong araw ni Pangulong Bongbong Marcos
14:00ang dalawang tulay dito sa Tarlac City na magkasunod na bumigay
14:04dahil sa lakas ng agos ng tubig noong kasagsagan
14:08ng malakas na pag-uulan nitong mga nagdaang araw.
14:13Abot sa 300 milyong piso ang pondong ilalaan ng gobyerno
14:18sa pagsasayos ng Aquino Bridge.
14:20Habang dalawang linggo naman
14:22ang aabutin bago muling bubuksan sa mga motorista
14:25itong Agana Bridge.
14:27Nitong August 28,
14:28noong kasagsaganang pananalasa ng habagat,
14:31nasira ang bahagi ng Aquino Bridge nito sa Tarlac City.
14:34Sinundan ito ng pagguho ng bahagi ng Agana Bridge noong August 29,
14:39kung saan tinangay ng malakas na agos ng ilog
14:41ang apat na taong sakay ng SUV.
14:44Dalawa ang natagpoang wala ng buhay,
14:47habang dalawa ang pinaghanap pa.
14:48Kasunod ng insidente,
14:50isinara sa mga residente at motorista ang mga tulay
14:53dahil sa peligro rito.
14:55Kasama ni Pangulong Marcos sa kanyang pagbisita sa dalawang tulay
14:58si na DPWH Secretary Vince Dizon,
15:01Tarlac Governor Christian Yap at Tarlac City Mayor Susan Yap.
15:05Iniutos ng Pangulo ang mas mabilis na pagsasayos ng mga nasirang tulay.
15:10Ayon sa Tarlac PIO,
15:12itinayo ang Agana Bridge noong 1940s,
15:14habang ang Aquino Bridge noong 1988.
15:17Pareho raw na retrofit ang mga tulay noong 2023.
15:22Nagdudugtong ang dalawang tulay sa poblasyon area ng syudad sa western barangays nito,
15:27sa mga munisipalidad ng San Clemente, Camiling, Santa Ignacia, Mayantok at San Jose
15:32sa probinsya ng Pangasinan.
15:35Ayon kay Tarlac City Mayor Susan Yap,
15:37nasa 23,000 ang bilang ng pamilyang apektado ng mga nasirang tulay.
15:46Ang ginagawa dito ay nagbubuo ng bailey bridge para itatawid,
15:51para makatawid, para ilalagay, para palitan,
15:54ay inakapalit noong seksyon na natanggal, na natangay ng ilog.
16:00The bridge should be possible for pedestrian traffic by within a week
16:04and vehicular traffic two weeks from now, light vehicular traffic.
16:10Para maging mas mabilis ang trabaho, we will be downloading 300 million pesos
16:17to the local government.
16:24Rafi, ito nakikita natin ongoing yung ginagawang operasyon ng lokal na pamahalaan,
16:29particular ng DPWH.
16:31Dito yan sa nasirang tulay ng Agana Bridge.
16:34At ito, pakita lang natin very quickly, Rafi.
16:36Ito ngayon yung sitwasyon, dito matapos bumigay nga itong bahagi ng tulay
16:41nitong Agana Bridge.
16:42Damay dyan yung ilang linya ng kuryente.
16:44Pero ayon sa Talak City PIO, meron namang supply ng tubig at kuryente
16:48doon sa 23,000 na apektado mga pamilya.
16:51Ayon pa sa Talak PIO, itong mga residente na affected,
16:56talagang perwisyo para sa kanila itong mga nasirang tulay,
16:59pati yung mga kabuhayan nila,
17:00e apektado talagang tinitiis na lang daw nila muna yung pag-iikot ng mahigit isang oras
17:06para lang makatawid pabalik-balik sa kanika nilang mga bayan.
17:09At yan ang latest mula po dito sa Talak City.
17:12Rafi?
17:13Maraming salamat, EJ Gomez.
17:23Update tayo sa Day 21 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
17:28May ulat on the spot si Ian Cruz.
17:31Ian?
17:34Yes, Rafi, nakasalang pa rin sa witness stand.
17:38Si Attorney Michael Poa na Defense Council ni Vice President Sara Duterte.
17:44Dati kasi, Rafi, na opisyal ng DepEd itong si Poa
17:49sa panahon nga na naging kalihim ng DepEd si Vice President Sara Duterte.
17:55At Rafi, sa simula pa lamang nga ng paglilitis
17:58ay nagkainitan na ang mga abogado na magkabilang panig.
18:02Hindi na gustuhan ni Attorney Sheila Sison
18:04ang pahayag ni Private Prosecutor Attorney Benjamin Tolosa
18:07na kay Atty. Poa ay pinagkatiwal ang pagsagot sa COA
18:11patungkol sa confidential funds ng DepEd
18:14gayong abogadong walang alam umano si Poa.
18:17Ani Defense Lead Counselor ni Sheila Sison
18:20sinabi nilang sana na walang personal information si Poa
18:23kung ito ang intensyon ni Tolosa
18:25pero sinabi nitong abogadong walang alam
18:27itong nga si Atty. Poa.
18:29Humingi na paumanhin si Tolosa
18:31at hindi raw ito ang kanyang intensyon.
18:32Hiniling naman ni Atty. Sison
18:34na strikeout nga sa record
18:36ang pananalit ng abogadong walang alam
18:39na kinatigan ang presiding officer na si Sen. Cheese Escudero
18:42dahil na discourteous daw ito
18:44na sabihin patungkol sa isang abogado.
18:47Nagkasagupa naman ang dalawang panig
18:49nang naisipastipulate ni Atty. Tolosa sa depensa
18:52na isang competent lawyer si Atty. Poa
18:55tinanggihan ito ni Atty. Sheila Sison.
18:58Ayon kay presiding officer Escudero
18:59relevant na ang pagstipulate nito
19:01at marami na masyadong nakaing oras
19:03ang intramurals umano ni Tolosa
19:05na inatasan niyang simula na ang pagtatanong
19:07sa hostile witness na si Atty. Poa.
19:10Muli nagkaroon ng diskusyon
19:11ang tanungin ni Tolosa si Poa
19:13kung maaari bang may mag-request
19:15ng iba pang trabaho sa kanya.
19:17Masyadong naroon itong general
19:19ayon sa depensa nilinaw ni Tolosa
19:21na halimbawa utos ito ni VP Sara Duterte
19:24na ani ni Poa
19:25ay maaari naman niyang gawin.
19:27Tinanong ni Tolosa
19:29ang mga pagdinig ng mga kumite ng Kamara
19:32noong 2024-2025
19:34patungkol sa confidential funds
19:36na ayon kay Poa
19:37lahat naman daw ay nadaluhan niya.
19:40Inusisa ni Tolosa
19:42ang mga pinirmahang dokumento ni Poa
19:44patungkol nga sa pagsagot
19:45sa Audit Observation Memorandum
19:47o AOM ng COA
19:49patungkol sa likwidasyon
19:52ng DepEd Rocky
19:53hanggang sa mga sandaling ito
19:55ay nagpapatuloy pa rin
19:57ang direct examination
19:58ni Atty. Tolosa
20:00kay Atty. Poa
20:01at inaasahan nga hindi pa matatapos
20:04ang pagtatanong na yan
20:05hanggang sa makapag-lunch break
20:07na nga
20:07ngayong nga tanghali
20:09ang Senate Impeachment Court.
20:11At ang latest
20:12mula rito sa Senado
20:13balik sa'yo Rafi.
20:15Maraming salamat
20:15Ian Cruz
20:18Iginiit ng Aboytees
20:19Renewables Incorporated
20:21na sinunod nila
20:22ang lahat ng standards
20:24ng Department of Environment
20:25and Natural Resources
20:26kaugnay po yan sa
20:27Solar Farm Project
20:28sa isang bundok
20:30sa barangay Santa Rita
20:31Longapos City.
20:32Ito kasi ang sinisisi
20:33ng mga residente
20:34kung bakit sila nakaranas
20:35ng matinding pagbaha.
20:37Sabi ng Aboytees
20:38alam nila na mababa
20:40at flood prone
20:40ang naturang lugar.
20:41Kaya raw
20:42idilisen nyo
20:43ng solar firm
20:44para hindi makadagdag
20:46sa problema sa baha.
20:47Batay rin daw
20:48sa pag-aaral
20:49ng isang independent
20:49third party
20:50hindi papalalain
20:51ng solar project
20:52ang pagbaha
20:53sa mga mabababang lugar.
20:55Sinunod din daw nila
20:56ang Free, Prior
20:57and Informed Consent
20:59sa ilalim
20:59ng Indigenous People's Rights
21:00Act of 1997.
21:03Ayon sa DNR Region 3
21:05150% ng average
21:07na pagulan sa lungsod
21:08sa loob ng isang buwan
21:10ang bumuhos
21:11sa loob lamang
21:11ng ilang araw.
21:13Ito raw
21:13ang nakikitang dahilan
21:14ng kagawaran
21:15kung bakit bumaha
21:16sa Olongapo City
21:17na ngayon
21:18nasa State of Calamity.
21:20Ngayon pa man
21:20iimbestigahan pa rin daw
21:22ang DNR
21:23o ng DNR
21:24ang insidente.
21:28Naglutangan
21:29sa Laguna Dibay
21:30ang mahigit
21:3020,000 kilo
21:32ng isda
21:32sa bahagi
21:33ng Halahala-Rizal.
21:34Batay sa datos
21:35ng pambansang lakas
21:36ng kilusang mamalakaya
21:38ng Pilipinas
21:38o Pamalakaya
21:39abot sa 700,000 piso
21:41ang halaga
21:42ng mga nasayang na isda.
21:43Mula sa mahigit
21:4430 fish cages.
21:46Napansin daw
21:47ng mga mangingis
21:48data operator
21:48na nagbago
21:49ang kulay
21:50ng lawa
21:50na sa tingin nila
21:51ay dahil sa chemical waste
21:52na itinapon doon
21:53at hindihan nila
21:54algae bloom.
21:56Nananawagan sila
21:56sa Laguna Lake Development
21:57Authority
21:58na imbestigahan
21:59ang insidente.
22:00Sinisika pang
22:01makuha na ng pahayag
22:02ang LLDA.
22:06Matapos
22:06ang hagupit
22:07ng habagat
22:08at ngayong
22:09Bermans na
22:09muling binuksan
22:10sa mga turista
22:11sa Baguio City
22:12ang pamosong
22:13Burnham Lake.
22:14May ulit
22:15on the spot
22:16si Sandy Salvasio.
22:17Sandy?
22:22Connie,
22:23sa pagpasok
22:23nitong Bermans
22:24ay siya namang
22:25pagbubukas
22:25ng inayos
22:26at pinagandang
22:27Burnham Lake
22:27dito sa Baguio City.
22:28Hindi naging hadlang
22:29Connie
22:30yung maulan na panahon
22:31sa ilang mga turista
22:32at mga lokal
22:32dahil may mga nakikita
22:33pa rin tayong
22:34namamasyal
22:35dito sa Burnham Park.
22:39Muling binuksan
22:40sa publiko
22:40ang pinabago
22:41at mas pinagandang
22:42Burnham Lake kahapon
22:43kasabay ng pagdiriwang
22:44ng 117th Baguio Day.
22:46Ang Burnham Lake
22:47ay isa sa mga patok
22:48pasyalan ng mga turista
22:49at lokal
22:49na ipinagmamalaki
22:50sa Burnham Park.
22:51Ngayong araw
22:52sinubukan ng ilang
22:53turista
22:54ang boat ride
22:54para patunayan
22:55kung worth
22:56the long wait nga ba
22:57ang rehabilitasyon
22:58ng Burnham Lake.
22:59Ang ilang boat
22:59concessionaires
23:00sinamantala
23:01ang muling pag-ooperate
23:02para makabawi
23:03mula sa halos
23:04isang taon
23:04na pagkakatinga.
23:06Mula sa 200 to 300 pesos
23:07kada 30 minutes
23:08na renta sa banka noon,
23:10ngayon 350 pesos
23:11na ang standard rate
23:12ng mga boat owner.
23:13Kasama na riyan
23:14ang insurance fee.
23:16Required din
23:16ang pagsusuot
23:17ng life vest
23:18sa lahat
23:18ng mga sasakay.
23:20Dagdag 100 piso
23:21kung may kasamang
23:22magsasagwan.
23:23Planong magdagdag
23:23ng mga bagong banka
23:25ang LGU.
23:27Connie,
23:27bagamat pwede na
23:28mag-operate
23:29ang mga concessionaires
23:30dito sa Burnham Lake,
23:31may mga standards pa rin
23:32na kailang ipatupad
23:33ang CTLGU.
23:34Dahil diyan,
23:35makikita sa aking likuran ko
23:36ninalimitado
23:37o bilang lang
23:38yung mga banka
23:39dito ngayon
23:40dahil isinasailalim
23:41pang ilan
23:41sa safety standards
23:43layon nito
23:43na matiyak na ligtas
23:45itong sakyan
23:45ng mga bisita.
23:47Connie?
23:47Maraming salamat
23:48Sandy Salvasio
23:49ng GMA Regional TV.
23:56Nag-share si Filipino-American
23:58singer Her
23:59ng kanyang
23:59jeepney ride experience
24:01sa Maynila.
24:13Kita ang excitement
24:15kay Her
24:15habang nakatanaw
24:16sa bintana ng jeep.
24:18Kasama niya sa biyahe
24:19at kanyang
24:19Forgotten Island
24:20co-star
24:21na si Liza Soberano.
24:23Bukod sa jeep,
24:24enjoy rin si Her
24:25sa pagsakay
24:26sa e-trike,
24:28pag-explore
24:28sa iba't ibang lugar
24:29para sa Metro Manila
24:31at pagkain
24:32ng ilang putahing Pinoy.
24:33Nasa Pilipinas
24:34si na Her
24:35para sa Manila Press Stop
24:36ng kanilang pelikulang
24:38Forgotten Island
24:39na tatalakay
24:40sa Filipino culture.
24:44Yan ang may init na balita
24:46ngayong tanghali.
24:47Ako po si Connie Cesar.
24:48Rafi Tima po.
24:50Nagpapatuloy
24:50ang livestream ng GMA News
24:52sa impeachment trial
24:52ni Vice President
24:53Sara Duterte.
24:54Kasapan niyo rin po ako,
24:56Aubrey Caramper.
24:57Ito po ang GMA News.
24:58Walang kinikilingan,
24:59walang pinoprotektahan.
25:00Noon at ngayon,
25:01serbisyong totoo.

Recommended