00:30Iniuugnay ang pumangit na kalidad ng hangin ito pong nakaraang mga araw sa mga wildfire dyan sa Indonesia.
00:37Hindi lamang po Metro Manila ang naabot ng haze kundi maging ang Calabarzon at Mimaropa Region.
00:43Nabalot din po ng mapanganib na usok na yan ang Tagbilaran at Panglao Island sa Bohol.
00:49Naging very unhealthy ang kalidad ng hangin sa Metro Cebu dahil din po sa haze ayon sa EMB.
00:56Sa Kalibo Aklan, namataan ang mapulang araw kahapon ang umaga dahil din sa haze.
01:02Sa ngayon, wala pang naitatalang na ospital o nagpakonsulta na may kinalaman sa epekto ng haze ayon sa DOH.
01:09Muli po nitong paalala sa publiko hanggat maaari ay iwasang lumabas lalo kung pangit ang kalidad ng hangin sa inyong
01:16lugar.
01:16Kung lalabas man, magsuot po kayo ng N95 mask o respirator o doblihin ang surgical mask na gagamitin.
01:25Pinagdodoble ingat ang mga bata, matanda, buntis at mga may sakit sa puso o baga maging ang mga na-stroke.