00:00Hindi po bababa sa apat na bahay ang nilamon ng rumaragasang tubig sa isang barangay sa Pampanga.
00:06Ang ibang barangay matindi rin na pinsala dahil sa habaga.
00:10At mula po sa San Simon, Pampanga, nakatutok live si Ivan Mayrina.
00:15Ivan!
00:19Vicky, nandito tayo sa Quezon Road sa San Simon, Pampanga,
00:23kung saan hanggang sa mga oras sa ito,
00:24ang tanging nakakadaan ay yung mga malalaking sasakyan at malalakas ang loob.
00:30Hanggang ngayon kasi sa pinakamalalim na bahagi, abot hita pa ang bahay rito.
00:36Ang ganitong sitwasyon, Vicky, ramdam sa halos lahat ng 22 bayan dito sa Lalawigan.
00:42Marami sa mga bayang yan, sanay sa mga ganitong pagbaha.
00:45Pero meron din naman mga ngayon lamang daw nakakaranas ng ganitong katinding pagbaha.
00:54Kuha ito pasado alas dos ng hapon kanina sa Santa Rita Dam sa Lubao, Pampanga.
01:00Napasigaw ang kumuha ng video habang unti-unting pinatumba at nilamon ng rumaragas ang agos ng tubig
01:06ang isang buong bahay na ito sa Lubao, Pampanga.
01:09Bakit nga naman hindi?
01:11Sa isang iglap, naglaho kasama ng ragasan ng tubig ang ipinundar na tahanan ng isang pamilya na sa kabutihang palad
01:18ay nakalikas na.
01:20Kwento ng uploader na kinumpirma ng pamunuan ng Lalawigan umapao ang Santo Cristo Dam sa bayan ng Lubao
01:26dahil sa mga bumaram mga punong kahoy at water lili dahilan para umapao ito at rumagasan ang ganito.
01:35Sa mga kungang ito naman ay pinadala ni Pampanga Gov. Lilia Pineda, rinig ang lakasang ragasan ng tubig.
01:41Ayon kay Pineda, hindi bababa sa apat na bahay ang nilamon ng tubig.
01:46Hindi rao otorisado ang pagtatayo ng bahay sa tabi ng dike, kaya pinalilikas na ang mga naroon pa.
01:52Inarningan na namin, kailangan maglikas na talaga sila.
01:56Kasi hindi natin na lamang tubig na nanggagaling ng kumbundukan ng sambales kung ano yung ano niya.
02:02Kung ano yung lakas ng dating niya. Hindi natin na lamang kung ano pa yung lakas ng tubig na bababa
02:08dito.
02:09Pinakahuli lamang ang mga ito sa matinding pinsalang inabot ng Lalawigan ng Pampanga sa halos buong buwan ng pananalasa ng
02:15habagat.
02:15At hindi na lang mga bahaing lugar tulad ng Masantol, Makabebe at Kandaba ang napeperwisyo.
02:21Dahil magigang mga hindi dating nakakaranas ang baha, ganito rin ang sitwasyon ngayon tulad ng Barangay San Pablo sa San
02:28Sibon, Pampanga.
02:30Mga kapuso, nandito tayo ngayon sa Barangay San Pablo sa San Sibon, Pampanga.
02:34Itong kanilang San Pablo Elementary School.
02:36Mag-iisang buwan na walang pasok dahil, kita nyo nga naman, talagang lubog sa baha itong paaralan.
02:43Malaki ho ang dagok ng bahang ito sa pang-araw-araw na buhay ng mga tao rito.
02:49Dahil tulad na nakikita nyo, mahirap maghanap buhay sa ganitong sitwasyon.
02:54At ang pinakamahirap pa sa kanila, hindi tulad sa iba mga bayan, nasanay na sa ganitong klaseng pagbaha.
03:01Dito raw sa barangay na ito, first time ngayong taon na nakaranas sila ng ganitong klaseng pagbaha.
03:09Ngayon lang po namin naranasan dito, mahirap po.
03:12Matagal na po kayong nakatiray rito?
03:14Mula po ng pagkabata ako, ngayon pa lang po na lumubog dito.
03:19Akala ko na tumakas na ako sa makabebe, ngayon dumating pala dito.
03:24Inaabol ka?
03:26Inaabol ako.
03:27Tuwing gabi ho, nakakatulog pa ba kayo?
03:30Yun ang magandang tanong.
03:32Sa ganda sa puhit yung mga tao rito.
03:34Kasabay-sabay yung mga, yung ano, yung...
03:37Abagat, tapos, yung dam natin sa Arayat, nagbawas ng tubig.
03:44Kaya, biglang lumaki ang tubig.
03:47Sa San Simon pa rin, inubutan namin ang bahagi naman ng MacArthur Highway na hindi nadaraanan ng malilita sa sakyan.
03:53Dahong alas dos ng hapon, ang mga pagbahangyan.
03:56Nagdulot ng kilokilometrong haba ng pila ng mga sasakyan.
03:59Sa northbound lane, papasok ng San Fernando exit ng North Luzon Expressway, pasando alas dos ng hapon.
04:06Sa mismong Luzon ng San Fernando, matinding traffic din ang naranasan dahil maraming mga binahang kalsada tulad ng Jose Abad
04:13Santos Avenue.
04:14Umapaw din ang Malpitik Creek at pinasok ng tubig ang mga kabahayan.
04:19Hindi rin madaanan ng light vehicles ang ilang kalsada sa Angeles.
04:23Pero ibahin nyo ang bayan ng Minalin dahil hindi hadlang ang baha para ipagdiwang ang kapistahan ni Santa Monica ang
04:30imahe ng patron, bit-bit na mga deboto sa gitna ng naipong tubig.
04:39Vicky sa kanyang pagbisita dito sa Pampanga, nito lamang lunes, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos na ang hindi pangkaraniwang dami
04:46ng buhos ng ulang dala ng habagat
04:48ang naging dahilan ng malawak ang pagbaha dito sa Pampanga.
04:51At pangako niya, pangmatagal ang solusyon para rito.
04:54Pero habang inaantay ang solusyon yan, ang pangamba ng mga kapampangan, may ilalala pa ba ang pagbahang nararanasan ng Pampanga?
05:04Vicky?
05:05Maraming salamat sa iyo, Ivan Mayrina.