Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.          

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de 


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Hulikam ang pagnanakaw ng isang lalaki sa isang bahay sa Navotas.
00:04Kabilang sa mga natangay ay P25,000 in cash na pambayad sana ng tuition sa kolehyo.
00:11Malitang hatid ni Gabriel Gonzalez.
00:17Nahulikam ang pagpasok ng lalaking yan na nakasuot ng face mask sa isang bahay
00:22sa barangay NBBS Kaunlaran Navotas pasado alas 12 ng hating gabi kahapon.
00:27Sinilip niya muna kung may ibang tao bago siya dahan-dahang umakyat sa second floor.
00:32Maya-maya, kita ang lalaki na may tangay ng bag at saka umalis.
00:37Ang bag, naglalaman daw ng cellphone na P25,000 na pang-tuition sana ng biktimang incoming third-year college student.
00:46Dapat po talaga mag-e-enroll kami ngayon.
00:48Pang-tuition niya at isang backup phone niya po.
00:51Buti nga po yung iba na i-transfer na po through bank.
00:55Ayon pa sa ina ng biktima, nagkataong nasa kwarto siya nang pumasok ang lalaki sa kanilang bahay.
01:01Hindi rin daw siya na alerto dahil hindi daw tumahulang alaga nilang aso.
01:06Hindi po pinagtataka namin, sir.
01:08Kasi kahit po kami, pagbiglang pasok po kami, talaga pong tumatahul sila eh.
01:14Kaya kahit din po kami, nagugulat kami na wala kayong ginawa.
01:18Ito pong dalawa.
01:19Lumabas daw po yung kanyang anak bandang alas 12 pasado ng hating gabi para puntahan daw po yung tindahan sa
01:26unahan.
01:27Sinarado po niya yung gate pero hindi po nakalakagaya nito.
01:30At nang makita po niya na nakabukas na yung kanilang gate,
01:34sinat na po niya ang kanyang kapatid para tingnan ng CCTV kung may pumasok sa kanilang bahay.
01:39Ang pinapasalamat ko lang po, wala po talagang nangyayari sa'yo.
01:45Paniwala ng barangay, matagal nang inobserbahan ng lalaki ang galaw ng pamilya.
01:51Pagkaka-analyze ko po, parang minanman na na ho talaga eh.
01:54Akala mo nga, tagaroon siya eh.
01:57Yung dere-derecho lang mo siya, wala siyang takot na ano eh.
02:00Yung buong sala, inigot niya hanggang sa maket siya sa second floor.
02:05Mayroon daw mga tip na natatanggap ang barangay patungkol sa salarin
02:09at bine-verify ka pa nila ito.
02:11Ang pulisya, iniimbestigahan na rin ang insidente.
02:15Pinasisiguro namin.
02:17Pero sa ngayon po, pinaliato namin yung lahat ang tanog namin.
02:22Paglabas sila, siguro din lang nakalaki yung mga gate nila o pintuwan.
02:27Nananawagan ng mga otoridad sa may mga impormasyon ukol sa salarin
02:31na ipagbigay alam ito sa kanila.
02:33Desididong magsampan ng reklamo ang mga biktima.
02:37Gabriel Gonzalez, nagbabalita para sa GMA News.

Recommended