00:00Sa 2027 Budget Deliberation ng Department of Environment and Natural Resources sa Kamara,
00:05inusisa ng ilang mambabatas kung bakit problema pa rin ang basura sa bansa,
00:10gaya ng tumambad sa Metro Manila Kamakailan ng manalasa ang hanging habagat.
00:14Narito po ang aking unang balita.
00:19Sa sunod-sunod na pananalasa ng habagat kamakailan,
00:23muling lumutang ang malaking nating problema sa basura.
00:26Kaya isa ito sa inusisa ng ilang mambabatas sa pagdinig sa hinihinging 28 billion peso budget
00:31ng Department of Environment and Natural Resources para sa taong 2027.
00:36Anong nila bakit tila di na ipatutupad ang Ecological Solid Waste Management Act
00:40kahit may National Solid Waste Management Commission at Local Solid Waste Management Plan?
00:46What are your concrete plans to solve this garbage crisis
00:50which flood our nation every time a typhoon hits our country?
00:57Isa sa mga bagay na kailangan natin talagang iporsige ay yung enforcement po natin,
01:06ordinances that would ban single-use plastics.
01:10Nasa batas nga pero hindi naman nakakasunod ang lahat ng barangay
01:14sa pagkakaroon ng material recovery facility kung saan dapat naiipon ang mga basurang di naman nabubulok.
01:19Dapat bago pa umabot diyan ay napaghihiwalay na ang mga basura.
01:24Basta sa Republic Act No. 9152 o National Environmental Awareness and Education Act,
01:30itinataguyod ang pagpapalaganap ng kaalaman at kamalayan sa pangalaga ng kapaligiran.
01:35Layon itong isama sa edukasyon at mga programa ng pamahalaan,
01:39ang tamang pagtatapo ng basura.
01:41May 92% naman ang komplaya sa Solid Waste Management pero bakit tuloy pa rin ang pagbaha?
01:46That 92% compliance was pertaining to submission of Solid Waste Management Plans, Mr. Chair.
01:54So meron pong provision under RA 9003 which requires all the local government units
02:03to submit 10-year Solid Waste Management Plans.
02:07Hangon pa rin ang pagpapatupad sa mga plano.
02:10Ang dapat pong napupunta sa ating mga sanitary landfills ay residual waste lang po.
02:15Kaya po kung mapapansin po natin, mixed waste po yung mga nasa sanitary landfills
02:20kaya medyo mabilis po siyang mapuno and nagkakaroon po ng problema kinalaunan.
02:26Napunatuloy na walang silbi ang pagtuturo sa mga tao na magsegregate
02:30kung walang maayos na sistema o partner na manggongolekta
02:33at hahanap ng gagangit sa mga recyclables.
02:36Bago mag-adjourn, inaprubahan sa committee level ang proposed na mahigit 28 billion pesos
02:41bukod pa sa karagdagang 556 million na hiling na budget ng DNR.
02:47Ito ang unang balita.
02:48Mariz Umali, GMA News.