00:00Hindi po bababa sa sampu ang sugatan sa karambola ng limang sasakyaan sa Maynila.
00:05Ayon sa mga otoridad, tumakas ang driver ng isa sa mga jeep na sangkot sa disgrasya.
00:10Balitang hatid ni Jomer Apresto.
00:17Sa flyover na pumuesto ang mga medical team para lapatan ng paunan lunas
00:22ang ilang pasahero na nadamay sa aksidente sa bahagi na leganda flyover sa Santa Mesa, Maynila,
00:27pasado alas 8.30 kagabi.
00:29Hindi bababa sa sampung pasahero ang nasugatan matapos magkarambola ang limang sasakyan
00:35ayon sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office.
00:39Kabilang sa mga sangkot sa karambola, ang isang motorcycle taxi na may dalawang sakay.
00:44Maya-maya, isang pampasaheron jeep ang bumangga sa kanila.
00:48Ayon sa driver ng jeep, una silang binangga sa likuran ng isa pang pampasaheron jeep.
00:53Mabilis yung dating ng jeep na behind Pasig.
00:57Wala atang prino, kaya sumalpok sa likuran ko.
01:00Tapos yung motor na nasa unahan,
01:05nabangga rin eh dahil musad itong jeep ko dahil sa lakas ng pagkakasalpok niya sa akin eh.
01:11Nadamay rin ang isang AUV.
01:13Ayon sa driver nito na tumanggi magsalita sa harap ng kamera,
01:16papunta sana sila ng ospital ng kanyang nanay para ipatingin ang bukol niya sa ulo.
01:21Nagulat daw sila nang bigla na lang kumalabog ang likurang bahagi ng kanilang sasakyan
01:25hanggang sa nasalpok naman nilang isang closed van.
01:28Base sa investigasyon ng Vehicular Traffic Investigation Section ng MDTEU,
01:33nawalan ng preno ang isa sa dalawang jeep na nagdulot ng karambola.
01:37Nasa tanggapan na ng MDTEU ang ilang driver na mga sasakyan para sa investigasyon.
01:42Ang driver naman ng jeep na nawalan o mano ng preno, tumakas.
01:46Mahaharap siya sa reklamong reckless imprudence resulting in multiple damage to property at multiple injuries.
01:52Jomer A. Presto nagbabalita para sa GMA News.