00:00May nagpapaliwanag ang importer, broker, consignee, at mga tauhan ng Bureau of Customs
00:05kaguna sa hypercar na isinuko ng aktor na si Derek Ramsey.
00:09Ayon sa BOC, lumalabas na misdeclared o manohang sasakyan at hindi mo na nabayaran ang tamang buwis.
00:16Saksi, si Bernadette Reyes.
00:21Matapos voluntaryong isuko sa mga otoridad ng aktor na si Derek Ramsey,
00:26ang kanyang mamahaling hypercar na mula pa sa United Arab Emirates,
00:31maaaring hindi niya na ito mabawi matapos mapagalamang misdeclared ang sasakyan
00:37at hindi umano tama ang binayarang buwis.
00:40Bago yan, nahuli ang kaibigang negosyati ni Ramsey na si Anthony Jude Violago
00:45habang minamaneho ang sasakyan ni Derek gamit ang peking plaka.
00:50Ayon sa Bureau of Customs, hindi dapat bababa sa 35 million pesos
00:55ang binayarang buwis para sa luxury vehicle na ito.
00:58Pero lumalabas sa records na nasa 1.8 million pesos lang ang binayar.
01:03Kaya naman pinagpapaliwanag mula sa importer-broker consignee
01:08hanggang sa mga tauhan ng BOC kung paano ito nakapasok sa bansa.
01:25Paglilinaw ng BOC, hindi si Derek ang nag-import ng sasakyan.
01:29Sa katunayan, nakailang pasa na raw bago ito nabili ng aktor.
01:33Four to four and a half years niya ng pagmamay-ari itong sasakyan na ito.
01:38At he claims na buyer in good faith siya.
01:41Ibig sabihin, hindi siya nag-import dito, binili niya lang ito.
01:45Malay niya kung saan galing o paano ito pinasok ng bansa, yun ang paliwanag niya.
01:49Ngayong araw isinilbi na ng BOC kay Derek ang Warrant of Seizure and Detention.
01:55Bibigyan ang pagkakataon ng mga maaaring may kinalaman dito na magpaliwanag.
01:59Pero kung walang maipakitang kaukulang dokumento, mapupunta ang pagmamay-ari nito sa pamahalaan at ipasusubasta.
02:08Kapag ito ay finally napapunta na sa gobyerno ang pagmamay-ari nito,
02:14diyan ay i-o-auction din natin.
02:16Subalit, meron tayong nire-respeto, ginagalang na due process.
02:20May pagkakataon pa yung nag-import nito na napatunayan sa amin na tama ang nilang importasyon.
02:27Pero hindi ako naniniwala doon. Dahil sa aming dokumento, ang import entry nito ay inconsistent.
02:34Iniimbestigahan na rin ang Land Transportation Office kung paano ito nairehistro.
02:39Suspendido naman ng tatlong buwan ang driver's license ni Vio Lago habang gumugulong ang investigasyon.
02:46Meron din silang haharapin sa amin sa LTO kasi yung papaano nagkaroon ng papeles.
02:51Okay, so alam naman natin na mayroong mali doon sa mga papeles na ginawa nila sa Bureau of Customs.
03:00Tapos pagdating na sa amin sa LTO, na-issuehan ng ORCR.
03:06May mananagot po na empleyado ng LTO. Siguradong may matatanggal po dito at makakasuhan.
03:12Hinihingan pa namin ang bagong pahayag sina Ramsey at Vio Lago.
03:15Ako si Bernadette Reyes, ang inyong saksi.
Comments