00:00Maliit man ang sugat, posibleng pa rin makapasok sa katawan ng bakterya na nagdudulot ng leptospirosis ayon sa mga doktor.
00:07Kaya payo nila, kumonsulta agad para sa tamang gamutan.
00:12Balit ang hatid ni Jamie Santos.
00:18Tuloy ang buhay kahit palubog sa baha ang ilang lugar sa bansa.
00:22Kaya di maiwasang lumusong sa banta ng leptospirosis.
00:25Gaano nga ba ito kadalikado?
00:27Ang incubation ng leptospirosis na abot mga 2 to 4 weeks kasi bago lumabas.
00:34So kung hindi siya maagapan, hindi siya mabigyan ng prophylaxis o yung gamot na mag-prevent na mag-infect sa
00:42katawan,
00:43eh pwede tumunta doon sa dreaded complication na kidney failure.
00:47Hindi rin kailangang may malaking sugat para makapasok sa katawan ng bakterya na nagdudulot ng leptospirosis.
00:53Any small break sa skin, any small na sugat sa skin, pwede pumasok ang leptospirosis.
00:59So problema kasi, hindi niyo makita yung mga mait na sugat sa balat.
01:02So posible pumasok pa rin siya basta ma-expose kayo.
01:06Kaya kung hindi maiiwasang lumusong sa baha, mahalagang mag-ingat at gumamit ng sapat na proteksyon.
01:12Kaya pinakamainam pa rin ang pag-iwas sa baha kung napilitang mang lumusong magpakonsulta sa doktor
01:18para malaman kung kailangan ng prophylaxis o gamot para makatulong na maiwasan ng infeksyon.
01:24Kasabay nito, paalala ng mga doktor, hindi dapat basta-basta iniinom ang doxycycline.
01:30Kung may bukas na sugat o nakalunok ng tubig baha, maaring kailanganin ang ibang gamutan kaya dapat munang magpakonsulta sa
01:37doktor.
01:38Bawal ang doxycycline sa mga buntis o posibleng buntis.
01:42Hindi rin ito dapat ibigay sa mga bata.
01:45Nang walang payo ng pediatresyan, maari rin itong magdulot ng matinding acid reflux at heartburn
01:51kaya hindi dapat agad humiga matapos uminom.
01:54Dapat ring maglaan ng dalawang oras na pagitan sa pag-inom ng doxycycline
01:58at pagkain o pag-inom ng gatas at iba pang dairy products.
02:02Posible rin itong magdulot ng yeast infection sa mga babae
02:06na maaaring magdulot ng pangangati o iritasyon.
02:09Jamie Santos, nagbabalita para sa Jemay News.
02:17Jemay News.
Comments