00:02Sa pagbisita sa Zamboanga City ni Department of Social Welfare and Development o DSWD Secretary Rex Gatchalian,
00:09agad niyang inalam ang pangailangan ng mga estudyante, guro at iba pang miyembro ng Ateneo de Zamboanga University Community na
00:16apektado ng nangyaring shooting incident.
00:18Nagpabot din ang ahensya ng paunang cash assistant sa pamilya ng biktimang sugatan sa insidente.
00:24Ayon kay Gatchalian, hindi lamang ang mga nagtamo ng physical na sugat ang itinuturing na apektado kundi ang buong school
00:30community.
00:31When I say naging biktima, hindi lang yung may physical injuries kundi yung buong komunidad.
00:34Yan ang priority ng ating Pangulo kaya pinatasan niya ako.
00:37Dahil yung buong komunidad sa ganito mga pagkakataon, kaya namin ituring na yung buong komunidad ay naging biktima.
00:41Dahil ang puso ng isang komunidad yung paaralan.
00:44Kabilang sa tututukan ng DSWD ang emotional well-being na mga apektado sa pamamagitan ng psychosocial support at trauma-informed
00:51care.
00:51Walong estudyante na nasa edad labing isa hanggang labing apat ang nakatanggap ng psychological first aid mula sa mga mental
00:58health professional ng DSWD Field Office 9.
01:01Layo nito na magbigay ng ligtas na espasyo para maproseso ng mga estudyante ang kanilang emosyon at matulungan silang makayanan
01:08ang trauma ang idinulot ng insidente.
01:10Yung mga social worker namin, may training sila on trauma-informed care.
01:13Sisiguraduhin natin na kung sino ang may pangangailangan, gagawin natin yun.
01:16At this point in time kasi, importante sa amin yung emotional well-being ng bawat mamamayan ng Ateneo community.
01:22Iniulat din ang DSWD na nakahanda itong magbigay ng karagdagang psychological at social services para sa mga estudyante, magulang at
01:31iba pang miyembro ng school community.
01:33Samantala, nanawagan si Gatchalian sa publiko na iwasang mag-post o magbahagi ng mga litrato, personal na impormasyon at hindi
01:40berifikadong kwento tungkol sa mga batang sangkot sa insidente.
01:44Yung nagpo-post tayo unauthorized ng mga litrato, yung mga kuro-kuro na hindi naman validated at hindi from official
01:50sources, nakakadamid siya.
01:51Hindi makatao kung may mga nalalabag na tayong karapatang pang tao o karapatan ng mga kabataan.
01:56Carlo Candelaria para sa Bayan.