00:00Abiso po sa mga akyat sa City of Fines ngayong long weekend dahil may mga kalsadang sarado.
00:06At mula po sa Baguio, nakatutok live sa EJ Gomez.
00:10EJ!
00:15Vicky patuloy ang ginagawang clearing operations sa mga gumuhong lupa.
00:20Gayun din ang pagsasayos ng ilang drainage system sa ilang lugar dito sa Baguio City
00:25kasunod ng malakas na ulan nitong mga nagdaang araw.
00:29Ilang kalsada naman ang nananatiling sarado sa mga motorista, gaya na lang ng ilang bahagi nitong Cannon Road.
00:41Magdadalawang linggo matapos ang landslide sa Barangigis at Surong sa Baguio na ikinasawi ng sampo,
00:47nagkikliring operations pa rin ang LGU rito.
00:51Plano ng LGU na idiklarang no-build zone ang lugar.
00:54Ayon sa Baguio City Disaster Risk Reduction Management Office o DRRMO,
01:00lubhang mapanganib ang pagdatayo ng panibagong istruktura sa pinaguhuan ng lupa.
01:06Nililinis din ang tone-toneladang mga basura, debris mula sa mga nasirang bahay at nagtumbahang puno at kawayan.
01:13Sabi pa ng DRRMO, pahirap sa clearing operations ang pag-uulan sa lugar.
01:20We're trying sana kahit 24 hours pero mahirap.
01:23Madilim, lalo na noong day one.
01:25Medyo loose pa yung soil mula noong nangyari itong tragedy na ito.
01:30Tuloy-tuloy ang ulan namin.
01:31So in the Baguio City kasi, pag fully saturated na yung soil,
01:36even after the rains, may tendency pa rin babagsak.
01:40Nagkaroon din ang pagguho ng lupa malapit sa ground zero.
01:44Halos 30 pamilya ang inilikas ng LGU bilang pag-iingat.
01:49Tinututukan din ang lokal na pamahalaan ng pag-aayos ng mga kalsada.
01:53Partikular, ang mga nasa city proper na posibleng magdulot ng pagbaha at trapik.
02:00Sinasamantala raw ng DPWH ang pagsilip ng araw at pagtigil ng ulan.
02:05Sa bahaging ito ng Upper Session Road,
02:07puspusan ang ginagawang pagpapalawak ng kalsada at paglalagay ng retaining wall.
02:13Kung hindi raw kasi ito gagawin, posibleng gumuho ang lupa at magdulot ng panganib,
02:18sa mga residente.
02:20Gusto ng DPWH na paluwangin din.
02:23Kaya nag-away dinin kami.
02:25Kaya nilalagyan namin siya ng product natin na wall, retaining wall with side duke na rin.
02:31Yung epekto naman sa mga residential dito,
02:33at least yung land nila, yung lupa nila, masosoportahan.
02:36At least guanda yung kalsada, may simento, wala nang maputik.
02:42Nakakatakot kasi yung mga tubig, malaking maano na tubig.
02:48Umaagos na tubig.
02:50At least pag may simento, hindi na delikado.
02:54Pinamamadali rin ang pag-aayos ng drainage system na ito sa Otec Street sa Barangay Rizal Monument area.
03:01Ayon sa engineer ng proyekto, naantala ang operasyon nito dahil sa mga nagdaang bagyo at habagat.
03:08Nananatili namang sarado ang Kenon Road sa mga motorista.
03:12Because of the soil structure, because of the issue on the slope protection and everything,
03:17paalala lang sa mga ating mga turist, when they come up, avoid na lang po ang Kenon Road.
03:22Use na lang yung alternate roads, ang ating Marcos Highway and yung Nagilian Road.
03:31Ayon pa sa DRRMO, naka-full alert pa rin ang Baguio City sa lahat ng responders at departments nito.
03:38Partikular ang paglilinis ng mga nagtumbahang puno sa kalsada,
03:42pagguho ng mga lupa at pagsasayos nga ng drainage system para maiwasan ang pagbaha.
03:48At yan ang latest mula rito sa Baguio City.
03:52Vicky?
03:53Maraming salamat sa iyo, EJ Gomez.
03:57Maraming salamat sa iyo.