00:00Gusto rin ni Vice President Sara Duterte na pabilisin ang proseso ng impeachment trial laban sa kanya.
00:05Hindi pwedeng tumatagal yung proseso natin na nag-iisip yung mga tao na ano ba, totoo bang may ginawang sama,
00:16hindi ba totoo yung mga akusasyon. So dapat mabilis yung proseso kasi nga, diba,
00:22sa ating Constitution, nandyan yung speedy administration of justice.
00:27Tinanong din ang Vice kung makakatulong ba ang pagdalo niya sa paglilitis para mapabilis ito.
00:33Sagot ni Vice President Duterte, hindi siya kailangan dumalo sa impeachment trial dahil may mga abogado naman na kumakatawan sa
00:39kanya.
00:40Hindi naman ako abogado para sa impeachment ko. So wala akong patutulong doon sa proseso ng pag-presend ng witness,
00:50pag-cross-examit ng witness, lahat yun ay trabaho ng abogado.
00:55At yun yung participation at appearance ko doon.
01:00Naniniwala naman ang kampo ng Vice na malakas ang kaso nila laban kay Ramil Madriaga na nagpakilalang dati niyang aide
01:07at bagman umano.
01:09Ayon kay Atty. Paulo Panelo, naghahain sila ng ikalawa reklamong perjury laban kay Madriaga para maging airtight o walang kahinaan
01:17ng reklamo.
01:17Nais din daw nilang ipakita sa publiko kung anong klaseng testigo ang balak gamitin ng prosekusyon sa impeachment trial.
01:24Sabi ni House Lead Prosecutor Jerville Luistro, maaaring hindi naisalang bilang testigo si Madriaga kung masasakop na ng testimonya ng
01:32mga naunang witness ang mga posibli niyang sabihin.
Comments