00:00Binaha ang 7 barangay sa Hermosa Bataan dahil sa pananalasa ng hanging habagat.
00:06Nagmistulang lawa ang kalsadang yan sa barangay Daungan.
00:10May mga namamangkana para makatawid ang ilan sinuong ang mataas na tubig at may lumangoy sa baha.
00:16Dati na raw kalbaryo ng mga residente roon ang baha.
00:19Kaya panawagan nila isauli na raw ng mga anilay kurakot ang pondo para sana sa flood control project sa kanilang
00:26lugar.
00:26Lampas tuhod na baha naman ang naranasan sa bayan ng Mariveles.
00:31Sa kuha ni U-Scooper Armina Ampuan, hindi na makadaan sa highway ang mga maliliit na sasakyan.
00:37Sa Occidental Mindoro, ilang residente ang pinalikas kasunod ng pagguho ng road dike sa bayan ng Santa Cruz.