00:00Target ng Pilipinas at Malaysia na maitaas sa 10 billion dollars, so mahigit 618 billion pesos,
00:06ang kalakalan ng dalawang bansa sa susunod na dalawang taon.
00:10Kabilang yan sa mga tinalakay ng Pilipinas at Malaysia sa 9th Philippines-Malaysia Joint Commission Meeting.
00:16Ayon kay Malaysian Foreign Minister Mohamed Hassan, umabot sa 8.22 billion dollars, so mahigit 508 billion pesos,
00:24ang bilateral trade ng Pilipinas at Malaysia noong 2025.
00:28Nasa 4.21 billion dollars, so mahigit 260 billion pesos naman mula January hanggang May 2026.
00:35Tinalakay rin ni Hassan at Foreign Affairs Secretary Maria Teresa Lazaro
00:39ang pagpapalalim na ugnayan ng Pilipinas at Malaysia sa agrikultura, food security at ekonomiya.
00:46Ayon kay Lazaro, pinag-usapan din nila ni Hassan ang issue sa South China Sea,
00:51kung saan parehong may inaangkin ang Pilipinas at Malaysia.
00:54Isinusulong ng dalawang bansa na makumpleto na ang code of conduct sa South China Sea
00:59na binubuo ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN kasama ang China.
01:05Nagpahayag din ang suporta ang Malaysia sa pagsusulong ng kapayapaan ng bangsa Moro region,
01:10gayon din sa chairmanship ng Pilipinas sa ASEAN.
01:14Asa 2 countries are committed to contribute, continue promoting adherence to international law
01:20and the rules-based order, effective diplomacy and building better platforms for engagement and co-operation.
01:29As close neighbors and ASEAN partners, Malaysia and the Philippines have an important role to play
01:35in ensuring that ASEAN remains united, resilient, competitive and relevant.
Comments