00:00Hanggang abot dibdib na baha ang namerwisyo sa iba't ibang bahagi ng Metro Manila
00:04dahil sa pabugsubuksang ulan mula pagkagabi.
00:07At sa ilang lugar, dagdag problema ang basura na bumabara pati sa mga pumping station.
00:12Saksi si Mark Salazar.
00:17Halos abutin ang tulay ng umapawang Letre Creek sa Malabon kanina madaling araw.
00:23Binaha ang T. Aquino Avenue.
00:25Pagdating sa Rizal Avenue malapit sa City Hall,
00:29abutuhod ang baha.
00:30May ilang rider na napilitang itulak ang motorsiklo,
00:33habang ang iba ipinarada ang sasakyan sa tulay para hindi masira.
00:48Malakas din ang ulan at hangin sa Valenzuela kagabi.
00:51Mabilis na binaha ang MacArthur Highway sa barangay Karuhatan.
00:55Sa Marulas, nahirapan sa baha ang mga motorsiklo.
00:59May umapaw ding creek sa isang subdivision kaya binaha ang mga kalapit na kalsada.
01:05Kaninang hapon, hanggang 20 pa rin ang baha nang mag-ikot si Mayor West Cachalian.
01:10May mga umikot ding bangka na mga rescuer para tumulong sa mga residente.
01:17Zero visibility sa bahagi ng Araneta Avenue sa Quezon City.
01:22Pasado alas 11 kagabi,
01:24bumaha agad sa NS Amoranto Street malapit sa Araneta Avenue.
01:28Kaya, tinanggal ng mga taga DPWH ang mga bara sa mga kanal.
01:33Sa ilang bahagi, hindi na mataanan ang light vehicles ang kalsada.
01:37Sa Santo Domingo Avenue, wala rin makadaan.
01:41Hasel lang, wala tayong magagal.
01:43Umulan din ang malakas eh.
01:45Papatila na lang, naging lumubo.
01:47Pasado hating gabi,
01:49nagsagawa ng pumping operation ang QC Engineering Department
01:52sa kalapit na E. Rodriguez Avenue.
01:55Sabay-sabay na ipinaga na roon ang tatlong pump ng QCLGU,
01:59ng MMDA at DPWH
02:02para mabilis mailabas ang tubig mula sa mga drainage
02:06sa Araneta Avenue patungong San Juan River.
02:10Nang muling bumuhos ang ulan sa Quezon City kaninang umaga,
02:14bumaha ulit sa ilang kalsada gaya sa barangay Mariblo.
02:18Sa NS Amoranto Street hanggang dibdib agad ang tubig,
02:22gumamit na ng bangka ang ilang residente.
02:25Binaharin ang bahagi ng G. Araneta na sakop ng barangay Talayan
02:29dahil sa pag-apaw ng Talayan Creek.
02:32Muling binuksan ang mga pumps sa E. Rodriguez para bumaba ang tubig.
02:37Matapos ang halos isang oras,
02:39pumupa ang baha sa G. Araneta.
02:41Pero naiwan ang sandamakma at mabasura.
02:44Nakita niyo yung obstruction na yan sa daluyan ng tubig baha,
02:48yung basura na yan,
02:49yan ang isa sa tinukoy na dahilan kung bakit nagbabaha pa rin dito,
02:55halimbawa sa G. Araneta Avenue sa Quezon City.
02:58Kung tutuusin, napakalaki ng absorptive capacity yan,
03:02itong creek na ito para sa floodwater.
03:04Pero syempre, kung ang daluyan naman ay may baranggan yung karaming basura,
03:08haaapaw talaga ang tubig sa kalsada.
03:10Yan na yung nakikita natin sa balita.
03:12Ito'y hindi na problema ng infrastruktura.
03:16Ito'y problema ng behavior ng mga tao na sana raw ay magbago.
03:21Naglinis doon ang mga taga-skyway kung saan bukod sa mga single-use plastic,
03:26may nakuha rin malalaking tabla, maleta at sakusakong balat ng bawang.
03:32Nagsagawa ng pumping operation ng MMBA mula sa bagong drainage system ng G. Araneta
03:38para itapon sa main creek palabas ng San Juan River.
03:44Sa Maynila, halos mag-zero visibility sa ilang daan, pasado alas 7 ng umaga kanina.
03:50Tumila ang ulan, kalaunan, pero hindi agad humupa ang baha.
03:54Guttered deep ang baha sa Rojas Boulevard Service Road,
03:58pero sinoong pa rin niya ng delivery rider at senior citizen na si Lucio.
04:24Pinuksan ang DPWH ang mga drainage para alisin ang para.
04:28Pero ang problema, makipot din ang bukana ng drainage,
04:31kaya hindi agad makababa ang tubig.
04:33Pinapare-design ko ngayon lahat ng inlet ng major roads para palakihin.
04:39And mag-umpisa tayo dun sa mga flood-prone area sa mga kalye na yan.
04:45Plano ng DPWH lagyan ng trash trap o pangharang sa basura
04:50ang daluyan ng tubig dahil maging ang mga pumping station,
04:54pinaperwisyo raw ng mga basura.
04:56Hindi lang tubig ang nahihigop, pati basura.
04:59Yung basura, hindi lang ano, hindi lang yung waterways ang kinaklag niya.
05:04Sinisira din niya yung mga pumps natin.
05:07Apat na pumps na ang ilang buwang sira sa Maynila,
05:10kaya pansamantala munang pinapagana ang back-up pumps.
05:14Kahit na marakas yung ulan, since nag-pump out tayo,
05:17walang baha dito ngayon.
05:18Pag yan hindi gumana, garantisado baha dito.
05:21Pero pag gumagana, hindi masyadong babahain itong area na ito.
05:26Ayon kay Secretary Dizon, pinag-aaralan ang paglalagay ng detention basin
05:31sa Raja Sulaiman Park para may pansamantalang imbakan
05:35ng mahigit 3 milyong litro ng ulan.
05:38Yan din ang ibinahagi ni Pangulong Bongbong Marcos
05:41sa situation briefing niya kanina.
05:43Ayon sa Pangulo, target nila ang paglalagay ng imbakan ng tubig
05:47sa ilalim ng ilang pasilidad, gaya ng football o open fields.
05:52They have already identified 30 sites,
05:57some of which are in Raja Sulaiman, Rizal Memorial, Campaginal.
06:02Para sa ilalim lahat ito, hindi kukukayan ito,
06:05tapos i-re-restore naman kung ano yung nandun dati.
06:09Pwede nating gamitin para dito sa mga cistern.
06:12Pag-aaralan din, ano yan pwedeng gawin sa mga naiipong tubig
06:17para mapakinabangan imbis itapon sa dagat.
06:20Gagawa tayo ng sistema para kung ano man yung nakulekta na tubig
06:23ay magamit din.
06:24Magamit for household use, magamit for industrial purposes,
06:30magamit for irrigation, whatever uses that we can find for it
06:33para hindi naman masayang.
06:37Patuloy namang binabantayan ng Marigina River
06:40na itinaas sa first alarm nang umabot sa 15 meters
06:44pasado alauna ng hapon kanina
06:46pero unti-unti rin bumalik sa normal level kalaunan.
06:50Habang ang Lamesa Dam umabot sa critical level
06:53na 80 meters kaninang alaswebe ng umaga,
06:56bahagyayang bumaba pero nanatili sa alert level 3
07:00pasado alasais ng gabi ayon sa Quezon City DRRMC.
07:05Ako, si Mark Salazar, ang inyong saksi.
Comments