Skip to playerSkip to main content
Maulang panahon na nararanasan sa City of Pines, inaasahang magpapatuloy hanggang long weekend 


Inaabot ng siyam-siyam ang mga pag-ulan na magpapautuloy sa Baguio City hanggang sa long weekend.


Saturated o halos hindi na makasipsip ng tubig ang lupa sa Cordillera kaya may pinangangambahan ang mga awtoridad.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Inaabot na ng siyam-syam ang mga pagulan na magpapatuloy sa Baguio City hanggang sa long weekend.
00:06Saturated o halos hindi na makasipsip ng tubig ang lupa sa Cordillera, kaya may pinangangambahan ang mga otoridad.
00:14Alamin natin yan sa pagtutok ni Sandy Salvasio ng GMA Regional TV, live sa Baguio City.
00:21Sandy!
00:24Emil, patuloy na nararanasan ang light to moderate rainfall dito sa probinsya ng Binguet, kabilang na ang Baguio City.
00:31Gayunman, may posibilidad pa rin ng malakas na buhos na ulan na dulot nitong localized thunderstorms.
00:40Long weekend pa naman simula biyernes.
00:43Pagkakataon saan ang mamasyal lalo sa mga tourist destination tulad ng Baguio.
00:47Pero ang maulang panahon dito at iba pang lugar sa Benguet at Cordillera, magpapatuloy pa hanggang weekend dahil sa Habagat
00:54o Southwest Monsoon.
00:55Pakonsuelo na lang na mas mahina na ang pagulan ngayon kumpara noong mga nakaraang linggo.
00:59Itong linggong ito, medyo mahina dahil tropical depression si Neneng at medyo malayo.
01:05Ibig sabihin, hindi siya masyadong malakas. Hindi niya napapalakas masyado itong Southwest Monsoon natin.
01:11Kabilang sa pinangangambahan pa rin ang mga pagguho, lalo't saturated o marami ng nasipsip na tubig,
01:16ang lupas sa mga kabundukan ng Cordillera.
01:19Katunayan, 90% ng land area sa regyon ay may chance ang pagguho. Ngayong halos walang tigil ang pagguulan.
01:25May git-anim na raang barangay ang nasa flood at landslide prone area sa Cordillera ayon sa Mines and Geosciences
01:31Bureau.
01:32At magmula ng Manalasa ang Bagyong Maymay, 54 na ang reported landslides sa regyon. Karamihan na itala sa Benguet.
01:39Dito po yung pinakamaraming na itala natin na landslide since tayo yung pinaka tinamaan ng maraming accumulated na rainfalls.
01:51Mahigpit ding binabantayan ng MGB ang mga secondary hazards kabilang mga pagguho ng lupa kung saan nasasarahan ang daloy ng
01:58mga ilog.
02:03Emil, nakataas na sa red alert status ang Emergency Operations Center ng MGB sa ilalim ng DENR para sa mas
02:11mahigpit na monitoring sa landslide at flooding incidents dito sa buong Cordillera region.
02:16Samantala, nagpapatuloy naman ang koordinasyon sa disaster response ng Office of the Civil Defense Cordillera sa tanggapan ng lahat ng
02:24mga ahensya sa pusibling epekto naman nito nga Bagyong Neneng.
02:27Maraming salamat, Sandy Salvaso ng GMA Regional TV.
Comments

Recommended