00:00Mga kapuso, tatlong bagyo ang binabantay ngayon ng pag-asa sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility.
00:06Una po ang bagyong Neneng na huling na mataan, 775 kilometers silangan ng extreme northern Luzon.
00:13Inaasang mananatili po yan sa dagat at hindi magla landfall sa Pilipinas.
00:17Posible po itong tumama o di kaya lumapit sa Taiwan kung saan posible itong humina at maging low pressure area
00:24na lamang pagdating ng Webes.
00:26Naging tropical depression na rin ang low pressure area sa West Philippine Sea sa labas ng PAR.
00:32Bukod po dyan, isa pang bagyo ang minomonitor sa labas ng PAR.
00:36At posible yung lumapit o pumasok din yan sa PAR simula sa weekend hanggang sa susunod na linggo.
00:43At dahil po sa mga weather disturbances sa paligid ng bansa, nai-impluensyahan ang habagat.
00:49Basa sa datos ng Metro Weather, umaga bukas may chance na ulan sa Ilocos Region, Cordillera, Centro Luzon, Metro Manila,
00:56at Minora Provinces.
00:58Halos ganyan din sa hapon pero mas malaking bahagi na ng Luzon ang uulanin.
01:03May mga kalat-kalat na ulan din sa iba pang bahagi ng Mimaropa at Bicol Region.
01:06Sa Metro Manila, mataas pa rin ang chance ng umulan at may mga oras pa rin na pwedeng kalmano ang
01:12panahon pero posible pa rin maging maulap at bumuhos muli ang ulan.
01:17Magiging maaliwalas ang panahon sa malaking bahagi ng Visayas at Mindanao maliba na lang sa Western Visayas.
01:23May mga panadalian at kalat-kalat na ulan din sa Mindanao.
Comments