00:00Matinding pinsala sa agrikultura ang idinulot ng mga bagyo at habagat sa ilang rehyon.
00:05Mahigpit na tinututukan ang pamahalaan sa pagbangon ng mga apektadong magsasaka
00:10sa pamamagitan ng insurance assistance.
00:13Target ng gobyerno na mapasigla ulit ang produksyon ng mga magsasaka.
00:17Yan ang ulit ni Elijah Canlas.
00:22Naghahanda ang Philippine Crop Insurance Corporation o PCIC
00:26ng humigit kumulang 36 million pesos na insurance payout
00:30para sa higit 5,000 magsasaka na nasira ang mga insured farm
00:34dahil sa Bagyong Luis, Bagyong Maymay at Southwest Monsoon.
00:39Ayon sa ulit ni PCIC President Joey Bernabe
00:42kay Agriculture Secretary Francisco Chulorel Jr.,
00:46inatasan na ang regional offices ng ahensya
00:48na magsagawa ng validation sa pinsala
00:50upang mapabilis ang pagproseso ng mga insurance claim.
00:54Batay sa paunang pagtataya ng PCIC,
00:58umabot sa mahigit 35 million pesos
01:00ang halaga ng insured damage sa 6 na rehiyon sa bansa,
01:04kung saan pinakamaraming naapekto ang magsasaka sa Region 3,
01:08kasunod ang Region 1 at Region 4B o Mimaropa.
01:12Naitala naman sa Region 1
01:13ang pinakamataas na halaga ng insured damage
01:16na umabot sa halos 10 milyong piso,
01:19sinundan ng Region 3 na may halos 10 na milyong piso
01:22at Region 4B na may higit 7 milyong piso.
01:26Pinakamalaki ang naitalang insured losses sa palay
01:29na umabot sa 25.6 milyon pesos,
01:32habang 3.55 milyon pesos naman ang pinsala sa mais
01:35at 3.73 milyon pesos sa high-value crops.
01:40Binigyang diin ni Agriculture Secretary Francisco Chulorel Jr.
01:44na kailangang maihatid agad ang tulong ng pamahalaan
01:47sa mga magsasaka at mangingisda matapos ang bawat kalamidad
01:51upang mapabilis ang kanilang pagbangon
01:53at mapanatili ang kanilang kabuhayan.
01:55Ayon naman kay PCIC President Jovey Bernabe,
01:59pinalalakas ng ahensya ang proseso ng pagtupoy ng pinsala,
02:02pagproseso ng claim at pagbibigay ng insurance assistance
02:06upang agad makabalik sa produksyon ang mga apektadong magsasaka.
02:10Patuloy ang field validation ng PCIC
02:13para matukoy ang pinal na halaga ng pinsala,
02:15habang hinihikayat ang mga kwalifikadong magsasaka at mangingisda
02:19na kumuha ng insurance coverage
02:21para maprotektahan ang kanilang kabuhayan
02:24laban sa epekto ng mga susunod na kalamidad.
02:27Elijah Canlas, para sa Bayan!
Comments