00:00Isang buwan bagong unang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
00:06Tinambangan ang convoy ng Interim Chief Minister ng Regyon.
00:10Nakatutok si Efren Mamak ng GMA Regional TV.
00:15Taddad na mga bala ang sasakyang ito na kasama sa convoy ni Bangsamoro Interim Chief Minister Abdul Raup Makakuwa.
00:22Tinambangan sila sa Barangay Bito, Datu Odin-Sinsu at Maguindanao del Norte Sabado ng Hapon.
00:28Ayon sa 6th Infantry Division ng Philippine Army, dumalo si Makakuwa sa pagdipo ng Bangsamoro Federalist Party sa Kabuntalan Maguindanao
00:37del Norte kung saan siya nanumpa bilang party president at chairman.
00:41Nang pauwi sila sa Cotabato City, tinambangan sila ng armadong grupo.
00:46Ligtas si Chief Minister Makakuwa at ang iba pang mga sakay.
00:50Patuloy ang pagtugis sa mga namaril at inaalam pa rin ang motibo.
00:54Hindi lang natin masabi pa kung ito ba ay related sa eleksyon period o may iba pang motibo.
01:07But as of this time, our counterpart sa Philippine National Police is conducting a thorough investigation to ascertain the circumstances
01:16behind the incident.
01:17Sabi ni Chief Minister Makakuwa sa isang pahayag, nalulungkot siya sa dinanas na pananambang.
01:24Pero anya, hindi ito magiging hadlang para makamtan ang democratic progress at hindi nito mapapahina ang Bangsamoro parliamentary elections.
01:32Kinondi na ni Pangulong Bongbong Marcos ang insidente at inatasan ang mga otoridad na paigtingin ang siguridad sa Bangsamoro at
01:40malalimang investigahan ang pananambang para mapanagot ang mga nasa likod nito.
01:45Si Lanao del Sur 1st District Representative Zia Alonto Adyong nanawagan ng mabilis at kompletong investigasyon para mapanagot ang nasa
01:54likod ng ambush.
01:55Iniutos din ng COMELEC ang agarang pagtukoy sa mga nasa likod ng pananambang.
02:00Sa September 14, nakatakda ang unang parliamentary election sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
02:07Mula sa GMA Regional TV, Efren Mamak, nakatutok 24 oras.
Comments