Aired (October 18, 2025): Ang batang si Ayesha, nawalan ng mga magulang at mga kapatid dahil sa isang aksidente noong 2023. Sa tulong ng kanyang mga kaanak, unti-unti siyang bumangon mula sa trahedya. At para bigyan siyang muli ng mga ngiti at pag-asa, may ilang mga sorpresa tayong ibibigay sa kanya kasama ang Sparkle artist at former PBB Collab housemate na si Josh Ford!
Ang ginang naman na si Mommy Sam, dumidiskarte sa buhay sa pamamagitan ng pagluluto ng mga ulam. Sa hilig niyang mamalagi sa kusina, nakaimbento na nga siya ng hotdog na gawa sa malunggay at tilapia. Dahil pangarap ni Mommy Sam na gawin itong negosyo at ipakilala sa iba, may inihanda tayong tulong para sa kanya. Sasamahan pa tayo ng celebrity chef na si Chef JR Royol ng 'Farm to Table' para tikman ang hotdog na gawa sa malunggay at tilapia!
Panoorin ang buong episode! #GoodNews
Hosted by Vicky Morales, ‘Good News’ is a weekly newscast that rounds up the trending feel-good stories in the Philippines and offers D-I-Y fashion tips and affordable healthy recipes for Kapuso viewers on a budget. #GoodNews
Comments