Skip to playerSkip to main content
Dahil sa pag-aresto ng mga Chinese sa isang pabrika ng bakal sa Misamis Oriental, kung kaya nagbanta ang China laban sa mga Pilipino sa kanilang bansa.


Tinawag iyang blackmail at extortion ni Defense Sec. Gibo Teodoro.


Tila tinotoo naman iyan dahil 100 PIlipino ang inaresto.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Dahil sa pag-aresto ng mga Chinese sa isang pabrika ng bakal sa Misamis Oriental,
00:06kung kaya nagbanta ang China laban sa mga Pilipino sa kanilang bansa,
00:11tinawag yung blackmail at extortion ni Defense Secretary Gibochie Duro.
00:17Tila tinutaw naman yan dahil isang daang Pilipino ang inaresto, nakatutok si J.P. Soriano.
00:27Nakikipag-ugnayan na raw ang Department of Foreign Affairs sa Philippine Embassy sa Beijing
00:31kaugnay ng anunsyo ng Chinese Foreign Ministry na mahigit isan daang Pilipino ang inaresto o inaksyonan
00:38dahil sa iligalumanong pagtatrabaho o paninirahan sa China.
00:42Sabi ng DFA, inaalam na nito ang eksaktong bilang ng mga inarestong Pinoy,
00:47ang dahilan bakit sila inaresto, pati na ang kanilang kalagayan.
00:50Nais nilang matiyak na mabibigyan sila ng due process at matulungan kung kailangan.
00:56Pero lumabas sa pagdinig sa Senado kahapon ang isa umanong pagbabanta ng China.
01:01Ayon kay Presidential Anti-Organized Crime Commission Executive Director Benjamin Acorda Jr.
01:07Pagkatapos ng raid, pumunta sa kanyang tanggapan ng mga kinatawa ng Chinese Embassy sa Pilipinas
01:12at nagbabala na posibli umuno nilang arestuhin ang mga Pilipino sa China
01:16kung hindi raw palalayain ng Pilipinas ang mga naarestong Chinese national.
01:21During their visit to my office, Madam Chair, yan ang isang masakit
01:25because after our conversation, sinabihan po tayo na there is a threat
01:32na uhunihin din ang mga Pilipino sa ibang sa bansa nila
01:38pag hindi natin pinakawalan ang mga world Chinese workers.
01:41Ang tinutukoy nila, ang anim na putsyam na naarestong mga Chino
01:46nang iraid na mga otoridad noong mayong isang steel manufacturing facility
01:50sa Misamis Oriental.
01:52Wala kasi silang work permit para magtrabaho sa Pilipinas.
01:56Not something to be appreciated at all.
01:58Yung kanyang mga banta of simple retaliation
02:04para sa legitimate law enforcement operations.
02:09Si Defense Secretary Gilberto Gibo Teodoro Jr. naman,
02:13tinawag na blackmail at extorsyon ang ginawa ng China
02:17na pag-aresto sa mga Pilipino.
02:19Kinundin na rin niya ang umano'y pagatangka ng China
02:22na manghimasok sa law enforcement process ng Pilipinas
02:25at ang anay blatant blackmail laban sa mga Pilipino.
02:29Hinihingan pa namin ng pahayag ang Chinese Embassy kaugnay sa issue
02:32pero nakausap ng GMA News ang isang opisyal ng China
02:36sa kondisyong hindi siya papangalanan.
02:38Sabi niya ang ginawang aksyon laban sa mahigit 100 na Pilipino sa China
02:43ay maituturing na warning pa lang.
02:45Pusibli raw kasing lalo pang maghigpit ang China
02:48laban sa mga Pilipinong iligan na nagtatrabaho
02:51o overstaying na sa Hong Kong at Macau.
02:54Lalo na raw kung magpapatuloy ang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China.
02:59Sa datos ng gobyerno ng Pilipinas,
03:01saaabot sa mahigit 230,000 na Pilipino ang nagtatrabaho sa Hong Kong at Macau
03:06pero hindi patiya kung gaano karaming Pilipino
03:08ang maituturing na undocumented o overstaying sa Hong Kong at Macau
03:12na ituturing na Special Administrative Region ng China.
03:15JP Soriano, nakatutok 24 oras.
Comments

Recommended