Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

##GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de 


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Vistado ang hinihinalang insidente ng fraud sa isang barangay sa Maynila.
00:04Hindi bababa sa 10 senior citizen doon ang matagal ng patay,
00:08pero napagalamang may kumukubra pa rin sa kanilang pensyon.
00:11Laging una ka sa balita ni Jomer, at presto, exclusive.
00:19Halos apat na taon ng patay ang 84 years old na si Santos Conde,
00:23residente ng isang barangay sa Santa Ana, Maynila.
00:26Pero nagtaka ang kanyang kaanak na mayroong nagkiklaim umano
00:29ng social pension niya na 500 piso kada buwan mula sa lokal na pamahalaan ng Maynila.
00:35Bukod kay Santos, may kumukuha rin daw sa pensyon ng kanyang bayaw na si Efren de la Rosa
00:40na apat na taon na rin patay.
00:42Ang kapatid ni Efren na kumuha ng sariling pensyon
00:45ang nakakita na nasa listahan pa ang kanyang kapatid.
00:48Agad daw silang dumulog sa Office for the Senior Citizens Affairs o OSCA ng Manila LGU.
00:54Doon nila nakita na may mga nakapirma sa pangalan ni Efren at Santos
00:58para sa payout ng January 2026 hanggang March 2026.
01:02Hindi rin daw bababa sa sampung senior citizens sa nasabing barangay ang patay na.
01:07Pero nasa listahan pa rin at may kumukuha rin ng kanilang pensyon.
01:11The worst thing is nakakapag-payout sila and then may signatures pa.
01:15Ang malalasar na pipirmahan nila, ang dinodoktor nila yung signatures.
01:20Ayon kay Dara, mga opisyal ng barangay lang ang may authority na humawak ng dokumento
01:24para sa payout sa beneficiaryo.
01:26Nang matuklasan nila at ilapit sa OSCA, lumapit daw sa kanilang kapitan ng barangay.
01:31Iginiit daw na wala siyang alam sa nangyari.
01:34Biroin nyo sir, four years.
01:35Sa four years na yun, kung hindi pa makita nung tita ko yung signature nung tito ko,
01:40hindi nila idedeclare yung mga senior na patay na.
01:44Nagmamakaawa yung chairman namin.
01:45Biglang sabi na baka naman pwedeng iurong na lang kung anong gagawin.
01:49Ibibigay ko yung sahod nung dalawa, iurong nyo lang.
01:52Maling-maling, kustisya.
01:55Desidido ang pamilya ni Dara na ituloy ang reklamo laban sa barangay officials na sangkot umano.
02:00Ang asawa ni Lolo Santos na si Elsa, hindi makapaniwala sa nangyari.
02:04Malapit daw sa kanilang pamilya ang kapitan at sekretary ng barangay.
02:08Hindi ho namin akalain na gagawin na sa pamilya namin ng ganyan.
02:12Ang hirap po ba tanggapin na ganun?
02:14Kasi alam ho ng buong barangay kung gaano kami kahirap.
02:17Narito ako sa mismong barangay hall na inire-reklamo ng ilang residente.
02:21Sinubukan namin makipag-ugnayan sa mga opisyal ng barangay.
02:23Pero ayon sa ilang nakaduty na tanod, e walang mga opisyal ng barangay na nakaduty sa mga oras na ito.
02:30Bukod sa investigasyon ng OSCA, dumulog na rin kanina sa istasyon ng pulisya ang pamilya ni Dara para magsampa ng
02:36reklamo.
02:37Ayon sa pulisya, posibleng maharap sa patong-patong na reklamo ang mga sangkot sa nasabing iligal na aktividad.
02:42Kabilang na rito ang malversation of public funds, falsification of public documents at estafa.
02:48Ayon naman sa DILG, aalamin muna nila ang katotohanan sa likod ng kwento bago magbigay ng komento.
02:54Hinihintay pa namin ang tugon ng Manila LGU kaugnay sa nangyari.
02:57Ito ang unang balita.
02:59Jomer Apresto, GMA News.
03:03Jomer Apresto, GMA News.
Comments

Recommended